(Sorry for the grammatical errors and typos. Ang lahat ng translasyon ng salitang mababanggit ay sa dulo makikita. :> -DB)
Chapter 15
CommandNagulat kami ng may tumawag sa likuran namin ni Brysen. Paglingon namin sila Koen. Paano nila nalamang nandito kami?
"How did they know?" Parang sarili lang ni Brysen ang kinakausap niya kaya hindi na ako sumagot.
"Alam naming dito kayo pupunta kaya pinuntahan namin kayo dito. Ano ba ang gagawin niyo dito?" Himalang hindi kasama si Azariah, dahil sa malamang baka nakipagbarahan na naman saakin iyon. Nakakainis siya kung alam niya lang. Tch!
Sina Andrus at Zayn lang ang kasama ni Koen.
"Gusto ko lang sana pumunta dito at magpalamig, Koen. Eh ayaw kami papasukin nung bwisit na matandang hukluban na tagapagbantay ng bahay nila Mom and Dad. Akala mo pagmamay-ari iyong bahay!" Ang sarap talagang sugurin ng matandang hukluban na nasa bahay. Hindi siya nararapat doon sa bahay na iyon. Galing mangatwiran na kesyo hindi ko siya binabayaran baka isungalngal ko sakanya iyong tripleng sahod niya. Tch!
"Si Tío Oscar ba ang tinutukoy mo?" Natatawang patungkol ni Koen doon sa matandang demonyo.
"Siguro siya na iyon, nakakainis siya. Impukritong lalaki!" Tuluyan naman na silang tumawa. Ano nakakatawa doon eh sadyang naiinis nga ako eh.
Isa isa ko silang binatukan lahat.
Sabay sabay naman silang napa-aray sa ginawa kong iyon. Syempre nararapat lamang sakanila iyon. Naiinis na ako nagawa pa akong tawanan, mga tukmol!
"Himalang napasama ka dito ni Dex, Brysen? Haha. By the way, hinahanap ka Dex ni Giro. Kaya hinanap ka na rin namin. Mukhang importante nga ang pinunta niya." Napairap naman ako ng marinig ko ang pangalan ni Giro medyo matagal-tagal narin simula ng marinig ko ang pangalan niya ah. At ang mokong hindi na nagpakita matapos iyong ginawa niya sa akin nung party.
"Buhay pa pala siya?" Tch.
"Haha. Bakit namiss mo ba?" Si Koen na naka ngisi ng nakakaloko.
Ganun ba 'yon? Tch!
"Huwag mo akong ginaganyan tatadyakan kita diyan!" Umasta pa akong tatadyakan siya kaya napatakip siya ng mukha gamit ang mga braso.
"Tara na nga magkakasakitan pa kayo eh," nagpatiuna na si Zayn na mukhang naiirita na samin.
Sumunod na rin ako, baka umuwing may galos si Koen.
Dumating kami sa dorm na punong puno ng pagkain ang bunganga ni Giro. Siya lang ang tanging nandito at walang bakas ni Azariah.
Daglian kong nilapitan si Giro at binatukan. Mauubos na naman ang mga pagkain na tinitipid naming lahat tapos uubusin niya lang ng isang puntahan niya?
"Sino nagsabi sayong kumain ka dito?" Piningot ko si Giro dahilan para malunok niya ang pagkain ng 'di oras at mapaaray ng malakas.
"I'm allowed to eat here! Damn you, badass! Masakit iyon!" Sinabi niya iyon ng hinihimas ang kanyang tenga na agad namula sa ginawa ko.
"Tinitipid kasi namin 'yan, asshole!" Dinuro ko pa siya bago umupo sa kaharap niyang upuan. "Bakit napa- punta ka rito? Matapos iyong ginawa mo sakin sa party, babalik ka dito ng ganyan na naman asta mo? Bastardo ka! ¡El grosor de tu cara!" Binatukan ko ulit siya at agad naman niya akong sinamaan ng tingin.
Habang tumatagal ako rito sa lugar na ito, natuto na ako magsalita ng espanyol, na dati ay hate na hate ko pero masarap din palang matutunan ang salitang hindi mo nakasanayan basta huwag mo lang kalilimutan ang salitang iyong kinagisnan.
BINABASA MO ANG
The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)
JugendliteraturThe Badass Girl in Boys Town | Badass Trilogy #1 When her family decided to take her to a mysterious place, Dexie lost her one goal. She believes that no matter what level you are in our society, you still need to work hard. At that moment, she bec...