Chapter 3

595 22 5
                                    

Sorry for the grammatical errors and typos

Chapter 3
Dorm mates


Hindi ko maisip na nakapasok ako sa ganitong lugar. Boys Town? Ano naman ang pumasok sa kukote ng mga magulang ko at pinatira ako sa ganitong klaseng lugar? They are insane kung iisipin ko. 


Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita si Giro.


"Huwag ka muna masyadong magpapakita sa mga tao." Kunot noo ko siyang binalingan. I didn't get it.


"Why?" Kunot noo kong tanong. Masasama ba ang mga nakatira dito? Maybe, because it's a boys town pero hindi ko talaga alam! Sabagay, boys town nga naman. Bahay ampunan? The hell, I hate that fucking mindsets of my parents.


"It's obvious Dexie, babae ka tapos makikita ka nila dito magtataka sila." Tuon ang atensyon niya sa daan habang binabanggit niya sakin 'yun. Ako sa labas nakatuon ang atensyon.


"Yeah, I get it pero ano ba ang pumasok sa kukote ng mga magulang ko at dito ako pinunta? At saka may mga ibang tao na din na nakakita sa'kin." Taka niya kong binalingan. May masama ba sa sinabi ko?


"Hindi mo pa alam?" Taas kilay na tanong niya.


"Magtatanong ba 'ko kung alam ko?" Irap ko.


"Tss, nevermind."


Tch. Manong sabihin na lang kase! You're not worth my time.


Nasa harap na kami ng dormitory. Malapit din sa USF kuno nila. Unibersidad de San Felipe Dormitory, kung saan ako tutuloy.


Patuloy paring bumabagabag sakin ang mga pangyayaring ito. Wala ni isang dahilan akong maisip para ipunta ako sa ganitong lugar. Para akong nasa Spanish Era dahil sa mga salitang nakikita ko.


Sa harap lang din mismo ng dorm ang parking lot kumbaga ang parking lot ay napapagitnaan ng dormitory. Apat na palapag lamang ito pero kung tatansiyahin malawak naman.


Pagkahinto ng sasakyan binalaan pa ako ni Giro na huwag muna mag-gala as if mag-gagala ako sa puno ng mga lalaking lugar. Duh!


Pagkababa ko sinundan ko agad siya dala-dala niya ang mga gamit ko pero syempre maliban sa hand bag ko. After 5 minutes nakarating na kami sa tutuluyan ko.


Bumungad samin ang 3 double deck beds. Kumpleto naman lahat may kusina, dining area, study area, may couch din living area at ang cr pero ang pinagtataka ko bakit 3 double deck beds? Seriously? Matutulog ako kasama ang limang lalaki? Oh God!


"I know you already have some conclusions." Nabasa niya yata isip ko eh. Mind reader ba 'tong kinginang 'to?

The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon