Errors ahead
Chapter 41
His words“Bakit nandito pa kayo sa labas?” Mataman kaming sinuyod ng tingin ni Gustavo.
Pasalamat ako at hindi manipis ang damit ko dahil kapag nagkataon ay tiyak na nagliliyab na ang pisngi ko sa hiya.
“May oras kayo nang paglabas at pagpasok, magpapaabot pa ba kayo ng dis oras ng gabi rito?” Suminghal ako. Siniko ako ni Giro. Fine sabi ko nga e.
“Lo siento,” sabay na yuko namin ni Giro.
Humaplos ang malamig na hangin sa katawan ko. Bakit biglang humangin? Nilamig tuloy ako.
Nagulat ako nang lumapit sa akin si Tuazon at bitbit ang jacket na suot niya kanina. Sinukbit niya sa likuran ko iyon bilang panangga sa hangin na patuloy pa rin sa paghampas sa akin na nagdudulot ng panlalamig ng aking katawan.
Akma ko palang itong hahawakan para sana higpitan ang hawak rito ay nahablot na ito ni Giro. Hawak niya na ito at saka ginamit.
Doble na ang jacket niya ha? Bakit kinuha niya pa 'yung jacket ni Tuazon?
"That's for Wilso—" hindi na natapos ni Tuazon ang sasabihin dahil nagsalita ito.
"Gustavo, let's go." Aya nito saka nagpatiunang maglakad kasama si Gustavo na walang pake sa nangyaring pagkuha ni Giro ng jacket ni Tuazon.
"That bastard," dinig ko ang bulong ni Tuazon pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ito.
Sumunod na ako kila Giro at naamadaling naglakad dahil sa nilalamig na rin ako.
Nang makapasok kami sa block ay tumama sa mukha ko ang isang tuwalya—galing kay Ash. Sinimangutan ko muna ito bago dinampot ang tuwalya saka binalot sa sarili at dumiretso sa aking kwarto.
Nadatnan ko pa roon si Azariah na hawak ang gitara ko habang tumutugtog.
"Nagpaalam ka ba sa may ari niyan?" Inis na tanong ko rito at pinasadahan ng tingin ang gitara.
"Wala 'yung may ari e kaya ginamit ko na."
"Aish! Azariah kahit kailan talaga!" Bumungisngis ito.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?! Lumayas ka nga sa harapan ko! Magbibihis ako!" Nagkibit balikat lang ito saka binalik ang gitara sa lalagyanan nito.
Nang makapagbihis ako ay agad rin akong dumiretso sa living area since kinatok ako kanina ni Ash na kailangan kong pumunta roon.
Nadatnan ko silang anim na naroon habang nakapabilog—hindi totally'ng bilog basta nakakumpol sila roon.
Nasa akin ang lahat ng paningin nila. Mataman akong pinagmamasdan kahit sa pag-upo ko.
Great.
Tumikhim si Gustavo para maagaw niya ang paningin namin.
"A big celebration will be held a week from now. Alam niyo naman siguro ang dahilan hindi ba? Isasabay na sa Camp Vista ang selebrasyong iyon. And you are all allowed to come." Tumingin ito sa akin.
Alam ko ang balak nitong sabihin. Ang oras para sabihin sa maraming tao na ako na ang presidente ng lugar na ito. Pero hindi pa rin mawaglit sa isipan ko kung paanong sa lugar ng mga lalaki ang namumuno ay isang babae? 'Yung reaksyon ni Mang Ben no'ng oras na makita niya ako nang unang beses ay namumutawi sa isipan ko na baka iyon rin ang maging reaksyon ng karamihan.
"Bakit ako?" Wala sa sariling tanong ko kay Gustavo.
"What do you mean, Dexie?" Kunot noong tanong nito.
BINABASA MO ANG
The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)
Novela JuvenilThe Badass Girl in Boys Town | Badass Trilogy #1 When her family decided to take her to a mysterious place, Dexie lost her one goal. She believes that no matter what level you are in our society, you still need to work hard. At that moment, she bec...