The best kung inimagine niyo sa Chapter 28, nung kinanta ni Dexie 'yung 214 (Rivermaya) ay boses ni Kristel Fulgar.
Kristel's cover on 214! Kunwari si Dexie iyon! HAHAHAHA.
Errors ahead
Chapter 29
Coffee Stain"Ate Dex," narinig ko ang boses ni Brysen na papalapit sa akin.
Nilingon ko siya at kitang-kita ko kung paano liparin ang ibang hibla ng buhok niyang mahaba na ngayon. Mukha siyang batang koreano na naligaw dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung may lahi ba ang isang ito. Dahil na rin siguro sa singkit rin ang mga mata nito, gayundin ang pormahan ay laging nakasuot ng jacket. Kung hindi itim ay brown ang laging suot nitong jacket. Habang ang pantalon ay laging fit sa kaniya.
Nakikita ko na ang katawan ni Brysen kapag tumanda siya, maskulado at may tindig na siguradong katitilian ng mga kababaihan.
"Yes, Adam." Pilya kong balik. Agad namang bumalatay ang seryoso nitong mukha.
"I told you, I don't want you to call me with that name." Pinanatili niya ang ganoong ekspresyon hanggang nakaupo siya sa tabi ko.
"Mas bagay kaya sa'yo ang pangalan na Adam, kaysa sa Brysen," pinisil ko ang tungki ng ilong nito na agad ikinasimangot niya.
"You're making me feel like I'm baby, tsk!" Pero agad rin itong ngumiti at niyakap ako.
Ang kaninang lungkot na naramdaman ko ay nanumbalik.
Ang pagkasabik ko na makasama ulit sila ay nanunuot sa buong sistema ko.
Kahit na alam kong magkakasama kami ngayon, nadagdag lang ang mga tukmol na galing sa Pecado.
"I really missed you, Ate Dex." Mas lalo nitong pinakadiinan ang pagyakap sa akin.
Alam ko at ramdam ko base palang sa yakap niya kung gaano siya kasabik na bumalik na ulit ako sa kanila.
"I missed you, too." Niyakap ko ito pabalik at ginulo ang buhok.
Naramdaman ko ang ilang yabag palapit sa amin ni Brysen.
"Ano ba 'yan? Hindi kayo nag-aaya! Group hug!" Nanguna si Koen roon, sumunod si Zayn hanggang sa lahat na sila maliban kay Tuazon.
Kill joy.
"Tyler, huwag ka ngang kill joy! Lumapit ka rito at sumama ka!" Hinila siya ni Ash at talaga ngang napitpit ako sa higpit nang pagkakayakap nilang lahat sa akin.
Imagine siyam na tao, puros lalaki, malalaki ang katawan ang yakapin ka ng mahigpit tapos parang hindi na yakap e, bunggo na.
"Punyeta! Papatayin niyo ba ako?! Hindi ako makahinga, mga tukmol! PUTANGINA!" Hindi ko na napigilan at kumalas na ako. Halos pagbabatuhin ko sila ng buhangin dahil halata namang inasar lang nila ako.
Dumiretso agad silang lahat sa bonfire, habang ako naiwan doon sa sobrang inis.
Nang makarating ako sa kanila, isa-isa ko silang hinampas ng sapatos sa ulo. Halos lahat rin sila ay umangal.
I can't imagine! Para akong asong may akay na siyam na damulag.
"Taya si Dex!" Nanlaki ang mga mata ko ng sabihin nila iyon.
Dahil ako ang tanging kakaiba, ako na ang taya?
Napagdesisyunan nilang maglaro ng habul-habulan. Baliktad ang mga utak nito na kung kailan gabi saka naisipan maglaro ng ganito.
"Takbo! Ayan na si Dorah!" Nagsisigaw na tumakbo palayo si Ash kasama ang iba.
Nagulat ako dahil isa sa nangunang tumakbo si Tuazon.
BINABASA MO ANG
The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)
Roman pour AdolescentsThe Badass Girl in Boys Town | Badass Trilogy #1 When her family decided to take her to a mysterious place, Dexie lost her one goal. She believes that no matter what level you are in our society, you still need to work hard. At that moment, she bec...