Chapter 45

50 0 0
                                    

Errors ahead...

Chapter 45
Cousin

DEXIE'S POV

"T, lets go."

"Mauna na kayo,"

"Sus, take your time bro!"

"Manahimik ka ang ingay mo!"

"Wew, ikaw ha, get your ass up man. Maunahan ka diyan tapos magsisi ka."

"Shut up, lumayas ka na!"

"Gisingin mo na kasi,"

Naalimpungatan ako sa ingay ng bunganga ni Steven na kanina pa ngawa ng ngawa. Paano ba napunta 'yan dito?

Teka? Nasa bus ako ah?

Iniangat ko ang ulo ko sa sinasandalan ko. Ngayon ko lang napagtantong balikat pala ito ni Tuazon.

Pipikit-pikit pa akong luminga-linga sa paligid. Wala naman na sina Steven.

Si Tuazon lang na nakangisi ang bumungad sa akin. Sinampal ko nga.

"Shit!"

"Bakit hindi mo ako ginising!?"

Minadali kong kinuha ang itim kong bag at ang beret na nalaglag sa gilid ko.

Nagpagpag ako at saka tumayo. Nakapansak pa rin sa tenga ko 'yung air pods at patuloy sa pagtugtog.

Tinanggal ko 'yun at inabot kay Tuazon na agad rin naman niyang sinambot.

"Ganun na lang 'yun?" Di makapaniwalang sagot nito.

Hindi ko siya pinansin at saka dire-diretsong bumaba ng bus.

"You are such a freak, badass!"

Wala akong pake Tuazon.

"Eh kung hinayaan kitang matulog magdamag diyan at papakin ka ng mga insekto!" Sigaw nito saka ako tinulak pababa ng bus.

"Kanina pa pala dapat bumaba tapos 'di mo ako ginising! Durugin ko kaya 'yang mata mo!"

"Tapos magrereklamo ka! Kapal ng mukha ha!" Hinampas ko sa batok niya ang hawak kong beret.

Pipingutin ko pa sana ito ng makarinig ako ng tikhim. Si Brysen at Azariah.

Hindi ko alam pero may iba sa tingin ni Azariah, para bang galit siya na hindi ko matukoy. Kanino siya galit? Sa akin? Kung sakin nga, bakit?

"Form a line!" Biglang sigaw ng pabibong sekretarya ni Mr. Jones na panot.

Ang panget ng araw ko ngayon! Inumpisahan na agad ni Tuazon ang kapaklaan ng araw na 'to!

"Go to your respective positions!" Bigla na lang nawala na parang bula si Brysen at Azariah.

Si Tuazon naman ay hinila ako papunta sa linya naming block 3.

"Kaya ko maglakad! 'Wag mo ko hilahin!" Binitiwan niya ang pulso ko pero padarag 'yun na muntik akong masubsob sa damuhan.

Punyeta talaga 'to e! Kung 'di lang ako nakapalda nasipa ko na mukha nito!

Nagulat ako nong bumulong sa akin si Ash.

"Ibaba mo lahat ng gamit mo, mag-i-inspect sila." Tinaasan ko ito ng kilay pero nagkibit balikat lang siya.

Nasa unahan ako ng linya nasa likuran ko siya tapos sa likod niya ay sina Giro, Carter at Tuazon.

Napatuod ako sa sigaw ng lecturer na nasa harapan ko kaya napaharap ako sa kaniya.

The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon