Errors ahead
Chapter 25
TrainingIwasan mo lahat, hangga't maaari 'wag kang magtitiwala kahit kanino, liban sa akin. Dahil hindi lahat ng taong nasa paligid mo totoo. Hindi lahat ng kaya kang pasayahin hanggang dulo, baka mamaya sila pa ang maging sanhi sa pagbagsak mo.
Paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang binitawang salita ni Giro, hanggang ngayon.
Nagkulong lang ako sa kwarto sa buong linggo na 'yun. Natapos na ang punishment na kinaharap namin pero ang training na sinasabi nila ay hindi pa. Ngayon palang gaganapin ang training na para sa akin, bilang pagbabayad sa lahat mas matindi raw ang kahaharapin ko.
Wala akong pakialam doon ngayon, okupado parin ang utak ko dahil kay Giro. Sa nalaman ko na dito pala siya nakatira, ang mga salitang binitawan niya, ang pangalan niya na malayo sa pinakilala niya kila Koen at ang sabi pa niya,
"It is forbidden to show my real identification. Yes, my name is Gianbrome Rolvsson, and they knew me as Giro."
Bakit kailangan itago? Bakit kailangan iba 'yung pangalan? Tulad nung akin?
Dexie is not my real name at sabi ni Daddy huwag ko sasabihin kahit kanino. They must know me as Dexie Wilson.
Then why did it happen that Gustavo knew my real name?
"Dexie? Today is your training, get up." Boses ni Giro.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin nabibisita sila Koen. Isang linggo na ang nakalipas magmula nang huli ko silang makita.
It's Sunday morning.
Bukas ay maaari na ulit ako magbalik sa eskwela.
Tamad na tamad akong kumilos, nagbihis lang ako.
Nagsuot lang ako ng itim na leggings at pinaresan ko ng spaghetti strap black top.
Itinali ko ang buhok ko sa nakagawian kong estilo, messy bun.
Lumabas ako at nakita ko kaagad si Giro.
"At hinintay mo pa talaga ako," pairap na sabi ko.
"Baka hindi ka pumunta e," nagpatiuna siya at hindi na hinintay ang tugon ko.
Sa loob ng ilang araw na kasama ko si Giro sa Pecado, nawala bigla si Tuazon.
Ang huli naming usap ay noong araw din na malaman ko na si Giro at Gian ay iisa.
Kahit Gian ang tawag nila kay Giro, tinatawag ko pa rin siya sa kung ano ang nakasanayan ko.
Mag-iisang buwan ko rin siyang hindi nakita noon, at talaga nga namang may pasabog ang isang 'to.
"Dexie, balak mo nalang ba na tumayo riyan?" Narinig ko ang boses ni Giro.
Nasa dulo na siya ng hallway samantala ako ay nasa tapat pa rin ng pintuan ng kwarto ko. Hindi man lang pala ako nakahakbang maski ni isa.
Hindi ko na siya tinugon sa halip ay naglakad na ako.
Nang makatuntong ako sa kinatatayuan niya, may inabot siya sa aking isang itim na cloak.
"Anong gagawin ko rito?" Nakakunot ang noo ko.
"Wear that, you'll need it." Saka muli siyang nagpatiuna. Wala na akong nagawa kundi suotin na nga iyun.
Nakita ko ring nakasuot ng ganoon sina Ash nang makababa kami.
Nasa lobby kami ng Pecado at sa hinihintay namin si Gustavo.
BINABASA MO ANG
The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)
Roman pour AdolescentsThe Badass Girl in Boys Town | Badass Trilogy #1 When her family decided to take her to a mysterious place, Dexie lost her one goal. She believes that no matter what level you are in our society, you still need to work hard. At that moment, she bec...