Chapter 33 (Sports Fest Part 1)

87 3 1
                                    

Errors ahead

Chapter 33
Booth

Maaga akong gumising at binulabog si Tuazon sa kwarto niya. Pwede naman kaming ma-late ngayon since Sport’s Fest naman. Binalak naming alas-nuwebe nalang pumasok dahil masinsin talaga ang paghahanda namin ngayon. Nakaayos naman na ang booth namin doon, inayos na namin kahapon pa tulad nang sinabi sa amin. Nagtaka sila bakit ang nakalagay roon ay white chicks tapos sa bungad ay mayroong mga FBI ID.

Naalala ko pa nga ‘yung kapalpakan nang punyetang kumag na ‘yun! Ang sinabi ko gumawa ng mga ID para sa mga magiging clients namin bukas tapos ang ginawa ng kingina kumakain lang. Pagkatapos nun tinapunan pa ng kape ‘yung mga ginagawa ko. Punyeta! Sinong hindi mag-wa-wild do’n! Halos sirain ko nalang ‘yung ginawa naming booth dahil nainis ako sa kumag na ‘yun!

Martes na at ngayon na magbubukas ang iba’t-ibang booth.

Sana maging successful ito dahil kung hindi mahahampas ko ng dos por dos ang punyetang ‘to!

“Sinabing lumingon sa kaliwa e! Baliin ko kaya ‘yang leeg mo!” Kay aga-aga na bwi-bwisit na agad ako!

“Aray! Required ba kasi talaga na mag wig ha?!” Inis na sabi nito.

“Abay shunga ka ba!? Magcocostume nga tayo as Brittany and Tiffany! Kalbo ba ‘yung dalawang ‘yun ha!”

“Eh hindi naman ako kalbo ha! May buhok pa rin ako o─Aray! Shit!” Daing niya matapos kong hilain ‘yung buhok niya.

“Diyan nagsimula lolo’t lola ko e. Nagbabangayan lagi.” Biglang sumulpot si Carter sa gilid ko habang nakahalukipkip. Naka-suit ito na itim, bakas na bakas ang hubog ng katawan niya. Lalo’t ang buhok niyang kulay itim ay maayos na maayos. Anong booth kaya ang pinaghandaan nang mga ‘to, ayaw sabihin e. Pa-importante!

Katamtaman lang ang laki ng mata nito, mahahaba ang pilik-mata, mamula-mulang manipis na labi, matangos na ilong at makapal na kilay. Balingkinitan ang katawan. Akalain mong may ganitong klaseng lalaki na nag-e-exist. Agad kong pinagsalubong ang kilay ko para hindi niya mahalatang kinikilatis ko siya.

“Pwes! Hindi kami ‘yung lolo’t lola mo! Tabi! Naiirita ako!”

“Mukhang ikaw talaga ang pambato nang Ms. Hombre ng 4th year ah?” Iniba nito ang usapan bagkus si Tuazon naman ang pinag-initan.

“Shut up, Carter! Lumayas ka rito.” Magkasalubong ang kilay na sabi nito sa kaibigan.

“Hays. See you there! Can’t wait to see your transformation, both. Magiging center of attraction kayo nito. Kayo na panalo! Surrender na kami! Sa ganda palang ni Tuazon maglalaway na sila. Bye!” Natawa ako sa sinabi nito na agad ikinaangal ni Tuazon. Lalo’t nag-lip bite at kumindat pa si Carter na hindi mo aakalaing ginagawa niya.

“Ayusin mo ‘yang pag-asta mo mamaya Tuazon! Malilintikan ka sakin!”

“As if I’m scared.” Kaagad ko naman siyang piningot.

Pinagpatuloy ko ang paglalagay ng foundation sa mukha nito. Agad napadako ang tingin ko sa mata niyang nakapikit. Mahaba rin pala ang maitim na pilik-mata nito.

Nakakunot ang noo nito habang ako ay natigilan sa paglalagay ng powder sa mukha niya. Pinasadahan ko ng tingin ‘yung kilay niyang maganda ang pagkakakurba, medyo makapal at maitim. Sumunod sa ilong niya, perpektong pagkakahubog magandang nilalang. Bumaba sa labi niyang noo’y bahagyang nakabuka, half open. Mamula-mula ang labi nito na manipis gaya ng kay Carter. Mas maganda pa yata sa labi ko, tsk! Itutuloy ko na sana ang paglalagay ng powder sa mukha niya ng mapansin kong nakabukas ang mga mata niya at direktang nakatingin sa akin. Nakangisi pa ito nang makita ‘ko.

The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon