Chapter 6

378 25 7
                                    

Chapter 6
Syringe

Geezz. Kainis 'yung lecturer na 'yun! Ganun lang principal's office agad aabutin ko? Tapos 'yung Brysen na 'yun! Dapat kasama ko siya dito eh! Hayop 'yung bata na 'yun!

Tsk! Ano nalang malalaman ng daddy ko nito? It's my first day in school then ganito agad? Damn!

Nagdadabog ako habang naglalakad. Salubong ang mga kilay tapos lahat nang masulyapan ko sinisiringan ko. Tsk! Galit ako ngayon huwag nila ako pigilan!

Sinusundan ko lang 'yung gray haired guy. Anong alam ko dito? Baka ang mapuntahan ko iba kapag mag-isa ako diba?

Nakita ko naman siyang pumasok sa isang room kaya malamang 'yun na 'yong principal's office.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok. 'Di pa ako ready para sa sermon. Sermon nga bang matatawag?

Pagbukas ko ng pinto 'yung lecturer at isang  medyo may katandaan na lalaki na siyang principal ang bumungad sa akin. Sa akin lang, nakaupo na 'yung gray haired guy eh.

May nakalagay na Mr. Harisson Jones sa harapan ng mesa nito na sa ibaba ay Principal.

Umupo ako sa katapat na upuan nung gray haired. Pasiring niya naman akong tinignan. Kita mo ito ako pa 'ata ididiin. Subukan niya!

"Oh! Mr. Tuazon? You're here again and again?" Tila nauubusan nang pasensya na sabi ni Mr. Jones.

Ngayon ko lang din napansin na may pin pala sa kaliwang bahagi ng dibdib ng lecturer at doon nakalagay ang pangalan niya at kung saan siyang campus nagtuturo, parang nagsisilbi naring ID nila.

Nakalagay doon ay Mr. Benjamin George Fernandez at sa ibaba ng pangalan ay Secondary Lecturer, Principal's Secretary.

Mr. Fernandez? Benjamin George? Kapanget ng pangalan.

"Bakit pa kayo nagulat? Tch." Hindi man lang ginalang nung gray haired guy 'yung principal. Walang modo!

"Nakakasawa na kasi 'yung mukha mo," Sumabat naman si Mr. Fernandez. Nakahalukipkip sa tabi ni Mr. Jones.

"Oh! Really?" Sarkastikong sinabi nung gray haired guy sa lecturer. Inaasar niya pa. May ideya na akong laging nandito itong si gray haired guy kaya siguro mainit dugo sa kaniya nung lecturer pero bakit pa ako dinamay dito? Kasi nakipag-away ako? Kingina nila, hindi nga ako nakikipag-away ngayon lang.

"Trouble maker ka kasi!" Dinuro pa nung lecturer si gray haired guy.

"Hindi ako nagpasimula ng away, 'yang babaeng yan ang nagsimula."  Mahinahon ngunit may diin na baling nito sa akin na siyang ikinagulat ko. Nadamay ako dito. I'm just saving that kid! Tapos ako mapapahamak!

"Oh, really Mr. Tuazon? Sa ugali mong 'yan walang bago, ikaw ang may dahilan not her."

"How can you say so? Nandun ka ba? Did you see what happen? Mula umpisa?"

"But in your personality, hindi malabong ikaw ang nagpasimula."

"Mawalang galang na po, magpapalitan nalang po ba kayo ng mga salita riyan?" Sumabat na ako. Aba naman di ko alam kung sino babalingan ko mangangawit pa ulo ko dito eh.

"Enough with that bullshits!" Biglang sigaw ni Mr. Jones. Napayuko naman 'yung lecturer samantala si Tuazon walang pinagbago at ako hindi alam ang gagawin."You two, will face together the consequences." Maotoridad na utos nito na pinanlakihan ko ng mata. What the?!

"I am not the one who start this, that girl will face that consequences alone." Pagmamatigas ni Tuazon at akmang tatayo na sana siya ng sumigaw muli si Mr. Jones.

The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon