Chapter 20

149 3 0
                                    

Errors ahead +_+

Chapter 20
Pecado Residencia

"Tsk." Mapanuri kaming tinitignan ng principal, pabaling-baling ang tingin sa aming dalawa. "You know? The more you hate the more you love," sinasabi ng matandang 'to. Psh!

So?

"Then?" Nakahalukipkip na sabi ni Tuazon kay Mr. Jones.

"Hindi na rin naman ako magtataka bakit nandito na naman kayo. Specially you, Ms. Wilson," Tila nauubusan ng pasensyang sabi nito.

Naalala ko ang huling punta ko rito, araw araw ay narito ako noon. At ang huli ay nung dinuraan ko sa mukha ang isang lecturer sa daan, matapos ako nitong harangin. Argh! Napasapo ako sa noo ko ngayon ko lang naiisip na sobra na ang kahihiyan ko.

"No consequence for now, go home!"  Pinaluwag nito ang neck tie niya at kasabay rin ng pagtayo naming dalawa ni Tuazon.

Napaikot ko ang mga mata ko ng tignan niya ako ng masama. Alam ko na ang mga tinginang ito, ako na naman ang sisisihin nito kung bakit kami narito. Psh as if I care.

Nang makalabas kami madilim na napakatahimik ng lugar dahil narin sa wala ng gaanong estudyante. Papunta na ako sa parking lot kung nasaan ang sasakyanko ng biglang hatakin ni Tuazon ang kamay ko.

"Kailangan na ata talagang tapalan 'yang bibig mo pahamak," humalukipkip ako at taas kilay siyang hinarap.

"Pointing fingers, tss...alam mo walang pake sayo 'yung bunganga ko," inirapan ko siya saka tinalikuran siya para ituloy ang pagtahak ko sa parking lot. Kaso bigla niya ulit hinablot ang braso ko.

"Alam ko nasa utak ni Mr. Jones at kapag may ginawa siya malilintikan ka sakin," ako naman ngayon ang tinalikuran niya. Aish!

"Hoy!...It's my turn!"saka ako ulit ang tumalikod naramdaman ko pa ang malakas na buntong hininga na pinakawalan niya.

Pero wala akong pake kaya nagpatuloy ako sa pagtahak ng daan papunta sa parking lot.

Gabi na ano sasabihin ko kila Azariah nito?

"Bwisit ka,bwisit ka,bwisit ka," paulit-ulit kong binabanggit ang mga katagang iyan habang naglalakad ako.

Nang makarating ako sa sasakyan ko doon ko pinakawalan ang inis ko sumigaw ako ng napakalakas tutal ako lang rin naman makakarinig.

Matapos niyon ay pinaharurot ko ang sasakyan ko.

"Ate Dex, gising may naghahanap sayo!" Naramdaman kong tinatapik tapik ni Brysen ang mukha ko. Nakatulog pala ako sa sofa, darn it!

Kinusot ko ang mga mata ko bago ko siya sagutin,"Sino raw?"

"Hindi ko kilala puro sila naka black e," napabalikwas ako ng bangon.

Kingina! Ito ba 'yung sinasabi ni Tuazon?!

Daglian akong tumayo at pumunta sa pintuan.

Sinilip ko sila sa maliit na butas ng pintuan kung saan makikita mo kung sino ang nasa labas.

Mga men in black?

Binuksan ko ang pintuan, humalukipkip ako sa harapan nila.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Sumama po kayo sa amin Ms. Wilson," napataas ang kaliwa kong kilay.

"What if I don't?"

"Kakaladkarin ka po namin," nanlaki ang mga mata ko. Yaaa! Damn it!

"Sa tingin niyo kaya niyo ha!" Pinanatili ko ang ganoong ekspresyon.

The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon