Chapter 17

213 3 1
                                    

Chapter 17
Stalker

Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari kanina. Kainis! Hindi pa ako nakakamove-on sa nangyaring sagupaan namin ni Tuazon kahapon tapos magkasama pa pala kami sa project o group activity ba 'yon?

Ano nalang mangyayari sa amin? Baka biglang magkaroon ng WORLD WAR III. Kingina!

"Ate Dex?" Nakita ko ang kamay ni Brysen na nagwawave sa harapan ng mukha ko agad ko namang tinabig iyon sa inis.

"Ano ba?!" Napaupo naman ng tuwid si Brysen.

"S-sige maiwan ka na riyan, pasok na ako roon hehe," nagulat naman ako sa sinabi niya at nakita ko ngang hindi na umaandar ang sasakyan maski si Giro na nakatingin sa rear view mirror ng sasakyan ko na nakataas ang mga kilay.

"Ang lalim ata ng iniisip mo, a?" Saka niya tinanggal ang susi sa pagkakasuksok.

"Wala yon," saka ko madaling pinagkukuha ang mga gamit ko.

"Talaga lang, ha?" Matapos niyang maayos ng mabuti ang sasakyan ko saka niya naman ako aasarin. Kingina neto!

"Tumahimik ka na nga lang! Pinagamit ko na nga sa iyo 'yang kotse ko, aasarin mo pa ako! Kingina ka talaga!" Hinampas ko sa kan'ya ang bag ko. Bigla din naman siyang umilag pero natamaan pa rin. Tch!

"Eh nasa mood ka ata kanina, tinanong ko kung p'wede ako nalang mag-drive biglang hagis ka naman ng susi sa akin," Ngumisi pa siya ng nakakaloko na agad namang tumalab sa akin.

"Edi last mo na ngayon na magagamit ang sasakyan ko, dami mong dada!"  Hinagis ko sa kan'ya 'yong bag ko na agad rin naman niyang sinalo saka ko siya nilayasan.

"Hoy! Hoy!" Hinabol niya pa ako pero binilisan ko ang lakad ko at nagmadaling sumakay ng elevator pero nakasabay din sa akin ang tukmol.

Inayos niya ang damit niyang nagusot sa pagtakbo.

Pero hindi ko pa rin siya pinansin hanggang sa makarating kami sa room namin. Basta beast mode ako ngayon, 'wag nila ako iinisin baka pumutok labi nila.

Napasabunot ako sa buhok ko at ginulo pa ito ng makaupo ako sa kama ni Koen.

Napabuntong-hininga nalang ako at pumunta na sa kama ko.

Humilata at hindi ko na pinansin ang paligid ko.

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa lababo. Napairap ako dahil nawala ako sa tulog ko kay aga-aga pa nambubulabog na ang mga walang hiya!  Tadyakan ko mga 'to eh, kingina!

"Ano ba 'yan?! Ang ingay niyo!" Inis ko silang pinagtapunan ng tingin, inirapan sila isa-isa.

"Nagising ka pala namin, sorry. Maingay talaga kami e, 'di ka pa kasi sanay samin eh." Napakamot sa ulo si Koen at nginitian ako ng pilit.

Tinignan ko ang oras at eksaktong 5:00 am palang mga pesteng animal! 8:00 pa pasok ko eh! E'di sana 2 hours pa akong matutulog!

Padabog akong pumunta ulit sa kama ko at sinubukan muling matulog pero hindi ko na talaga kaya. Kahit anong gawin ko hindi na ako makatulog nagpabaling-baling na ako sa kaliwa't kanan wala pa rin!

"Argghhh!" Napasabunot nalang ako sa sarili kong mga buhok at inis na dinampot ang tuwalya ko at padabog na dumiretso sa banyo.

Pagkatapos kong maligo at magbihis inayos ko lahat ng gamit ko at naisipan kong maggala tutal alas-otso pa naman pasok ko ngayon.

Nahinto ako sa akmang pagbukas ko ng pinto, "Dex, papasok ka na? 8 pa pasok mo ah?" Napaharap ako sa kanila matapos banggitin ni Koen 'yun.

Napairap ako ng makita kong nakatuon lahat ang atensyon nila sa akin.

The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon