Chapter 8

331 19 3
                                    

Chapter 8
Bully

Marami pa ring tanong ang tumatakbo sa isip ko. Hindi lahat nasagot nila may kulang pa rin, masiyado pa ring magulo parang hindi naman ako naniniwala sa rason ni Tuazon para pahirapan sa pagpasok si Brysen.

Wala akong ibang inisip kundi ito, buong araw. Hindi pa rin umaalis si Giro. Wala naman siyang sinabi kung magtatagal siya.

Matapos nung nangyaring pag-uusap kanina kumain kami ng tahimik ni hindi man lang nag-ingay si Koen, 'di bumida at 'di nagsalita as in wala. Kaya naninibago ako, may paminsan-minsan na nakikita kong nakatingin sila lahat sa akin pero iiwas din kapag napansin nilang nakatingin din ako.

Nakakapagtaka ang mga kinikilos nila may mali ba sa nangyari kanina? Kung meron bakit hindi nila diretsahin na sabihin.

Kasalukuyan na akong nakahiga sa higaan ko, pero hindi pa rin umaalis si Giro. Balak na yatang dito matulog.

Nag-isip pa ako ng mga kung ano-ano hanggang sa napukaw ng interes ko ang biglang pag-uusap nila kasama si Giro.

"So dito ka muna mag s-stay?" Paninigurado pa ni Zayn dito.

"Oo, babantayan ko muna si Dexie at pati na rin kayo. Alam niyo naman ang dahilan hindi ba?"

Sumang-ayon naman sila. Nagtaka naman ako. Bakit kailangang bantayan? Anong meron? Mamatay ba ako kapag walang bantay? I can fight for myself. I don't need him.

Lumapit ako sa kanila at sumabat. "Bakit naman kailangan mo akong bantayan?" Sumungaw ako mismo sa mukha ni Giro. 'Yung tipong sarcastic ang dating saka ko siya inirapan at tumabi sa pwesto ni Brysen.

"Nariyan ka pala, akala namin tulog ka na." Tila naiilang na kumakamot pa sa ulo si Koen.

"Ay ano ka ba? Anino lang ni Dexie 'to nandun siya tulog." Sarkastiko akong tumawa. Kingina sino akala niyang nandito? Kakambal ko? At saka hindi ako tulog gising ako, hindi ba obvious.

"Tch, not a good joke." Bigla namang sumabat si Brysen. Sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay.

"Do I look like I'm kidding?"

"Iyon ang dating sa akin. Sorry." 'di mo mararamdamang sinsero ang sorry niya mukhang sarcastic eh. Bwisit na bata 'to lagi akong barado!

"Tch. Alis nga kawalang gana!" Bigla bigla ay tinulak ko si Koen dahil sa nakaharang siya sa dinaraanan ko na badtrip ako dun!

"Grabe naman makatulak, Dex."

"Tch. I don't care!" Bigla ay tumawa silang lahat. Iyon ding pagtataka ko. Siraulo ba sila? Anong tinatawa-tawa nila? "Why are you laughing?!" Sigaw ko kaya natigil silang lahat sa pagtawa. Binabadtrip yata ako nitong mga ito eh.

"Pa'nong 'di kami matatawa, eh nabara kita." Kita mo 'to nang-aasar pa yata! Nakakainis 'yung tawa niya, kingina.

"Like I care? Saka 'wag mo kong magan'yan Brysen pumapatol ako sa bata!" Saka ko sila tinalikuran pero narinig ko pa ang mga tawanan nila. Nakakairita!

Pumunta nalang ako sa higaan ko at saka pinansakan ng earphones ang tenga ko para hindi marinig 'yung mga boses at tawa nilang nakakairita.
Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Kagaya nung gumising ako kahapon kami nalang ulit ni Brysen ang natira dito. Hindi ko nga lang alam kung dito natulog si Giro dahil sa bigla nalang akong nakatulog at ayaw ko namang kausapin si Brysen dahil sa nangyari kagabi. Masiyadong badtrip!

The Badass Girl in Boys Town (Badass Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon