Chapter 1

64.6K 1.2K 671
                                    


/*Ashari on the media ^o^

Ashari's

"'Nak, eto na 'yung order na sa kabilang bayan mo ihahatid. Sigurado kaba na ikaw na maghahatid? Wala naman akong ginagawa."

Tinanguan ko lang ang aking nanay bago ito bigyan ng ngiti.

"Opo nga po. Alam ko pong wala kayong tulog dahil sa pagbi-bake kaya ako na pong bahala rito. 'Wag mo na ring isipin na maglibot ng donuts, 'nay. Ako na diyan mamaya pagbalik ko."

Napailing nalang si nanay sa pagiging pursigido ko bago ako nginitian.

"Oh, sige, mag-ingat ka ah."

"Aalis na po ako, 'nay." Paalam ko rito bago lumabas at maingat na binuhat ang two layer cake na nanay ko mismo ang may gawa.

May negosyo ang aking nanay at ito ay ang pagbi-bake ng cake. Promise, masarap magluto ang aking nanay, lalo na ang aking paborito na banana cake na siya ang may gawa.

Ito lang ang pinagkikitaan niya at ang pinanggalingan ng pera upang mayroon kaming makain araw-araw.

Hindi naman kami naghihikaos sa hirap, sa katunayan ay ito ang nagpaahon sa amin sa sobrang kahirapan.

Si mama ay tagalaba lang noon, muntik na nga akong matigil sa pag-aaral dahil sa paghihirap mula nung pumanaw si papa.

Nang may naipundar siya sa paglalaba at pagpaplantsa narin para dagdag kita, ay sinubukan niyang magtinda rin ng donuts at ako ang tagalibot ng kaniyang paninda.

Hindi naglaon ay marami ang nagustuhan ang lasa no'n kaya 'yung iba ay nag-oorder na. Hanggang sa nagkakita si mama ng malaki laki at doon na ibinuhos ang kaniyang talento sa pagbi-bake.

Banana cake talaga ang best seller ng aking nanay, kaya nga paborito ko rin ito. Nagluluto siya ng chocolate moist cake, banana cake, carrot cake, chiffon cake at mocha cake. Tumatanggap narin ito ng orders at madalas ay galante ang nag-oorder at talagang nilalakihan ang binibigay.

Kaya ngayon, papunta ako sa kabilang bayan upang ideliver ang cake, balita ko birthday raw eh. Mukha ring mayaman ang nag-order dahil narin sa laki ng cake.

Medyo nahirapan pa nga ako pero maingat ko parin itong binuhat at naghintay ng tricycle na masasakyan.

Sakto namang huminto sa harap ko ang pamilyar na tricycle at kilala ko ang nagmamaneho at may-ari nito.

"Ash, aga mo ah. Saan punta mo? Hatid na kita." Nakangiting bungad ni Clarbe kaya nginitian ko rin.

Kababata ko si Clarbe, magkaedad lang din kami at hindi naman maitatangging may itsura ito. Bagay sa kan'ya ang balat niyang may pagka-tan. May katamtamang laki rin ang katawan ni Clarbe.

Pero, isa siya sa dalawang tao ang mayroong alam sa aking sekreto. Secret muna kung ano 'yon. Kung gusto niyo malaman, punta kayo rito at tanungin niyo si mama or siya.

"Sa kabilang bayan, sa Flavia's Dwell ata 'yon." Nakita kong nagulat at namangha ito sa aking sinabi.

"Grabe, ang bigatin pala ng customer ni Tita ngayon."

Ganoo ba sila kayaman at manghang-mangha talaga 'tong si Clarbe?

Ngumiti nalang ako rito at nagkukunwaring tumango.

"Ah, oo nga. Tara na at baka magalit pa sila, maglilibot parin ako ng donut pagbalik eh."

Alerto itong bumaba at tinulungan ako upang maingat na maipasok ang karton ng cake sa loob ng tricycle nito at maipwesto ng maayos.

Pumasok narin ako at hinawakan ang karton para hindi masira ang laman noong nagsimula nang umandar ang aking sinakyan.

Hindi naglaon ay nakarating kami sa harap ng isang malaking gate at namangha ako pagkakita sa kung gaano ito kalaki.

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon