Miss Sabirah Flavia on the media :DAshari's
Ewan ko talaga kung anong trip ni miss, pero nakikita ko nalang ang sarili kong nakasunod sa kan'ya, habang bitbit ang index card na ipinasa namin kanina.
Sobrang bigat, grabe. Kaya siguro kailangan niya ng tulong kasi sobrang bigat talaga.
Tahimik akong nakasunod sa kan'ya sa likod niya, kaya kitang kita ko ang magandang kurba nito sa katawan.
She's wearing a slacks, matched with white long sleeve polo, underneath her coat.
Ang hot niya, sa totoo lang. Her buttocks looks soft- what?! Gagi, hindi ko sinabi 'yun, ah. Hindi ako 'yun.
Napatigil ako sa pakikipagtalo sa sarili nang bigla itong tumigil sa isang pintuan. Siguro, ito na ang office niya.
Gara ni miss, may office. Samantalang 'yung iba, cubicle lang meron, kasama ibang prof sa iisang faculty room.
"Come in and put it in here," she motioned out her table, allowing me to enter her office after she got in.
Tahimik lang akong sumunod, pero bago pa ako tuluyang nakapasok ay napadaan ang tingin ko sa pangalang nakapaskil sa pintuan.
Sabirah Mirren L. Flavia
Namangha ako.
'Yan ba ang whole name ni miss? Grabe, parang siya. Maganda.
"Eto po, miss." Magalang kong sabi, pagkatapos kong ilagay ng maayos ang index sa table niya.
Nakaupo na ito at hindi man lang nag-abalang tumigil sa ginagawa noong nagsalita ako. Nakatutok na kasi ito sa laptop niyang hindi ko alam kailan niya pa nakuha kasi parang ang bilis naman. Hindi narin siya nag-abalang mag angat ng tingin sakin at tinanguan lang ako.
'Ge, sino ba naman ako.
"Okay, you can go now, miss Ceniza."
Salamat, miss, ah?
Hindi na nga nagpasalamat, malamig pa 'yung boses. Kung hindi ka lang talaga maganda.
Dahil sa inakto at sinabi nito ay hindi narin ako nag-abalang sumagot dito, bahala ka diyan, miss.
Tahimik lang din akong lumabas at nagtungo sa cafeteria. Kakainin ko nalang 'yung ipinabaon ni mama na cake, masarap pa 'yun.
Habang naglalakad papuntang cafeteria ay nakasabayan ko si ate Karie. Nagtama ang tingin namin at ngumiti ito agad, bago lumapit. Siya lang din at walang ibang kasama.
"Hey, Ash, good to see you again! How's your first class? Okay ba?" Ngumiti ako rito ng maliit.
"Ayos lang naman po, ate Karie. Wala rin namang masiyadong ganap since first day pa," napatango-tango ito sa sinabi ko. "Sa inyo po ba?" Tanong ko rin pabalik.
Napakibit-balikat lang ito.
"Sana all. Samin kasi, kahit first day ay may quiz agad! Review daw kung nakapag advance reading ba kami before our first day. Recorded pa!" Napatawa ako dahil sa reklamo nito.
"Alam ko po ang makakapag gaan ng loob niyo. Pwede po kitang bigyan ng banana cake na dala ko, na sinasabi ko rin sa 'yo kanina, ate. I'm also lowkey promoting my mother's small business. Siya po may gawa." Nangungumbinsing ngiti ang ibigay ko rito.
Bahagya kong nakita ang pagdaan ng pagkamangha sa kan'yang mata.
"Oh, really? Sure. If I'll like it, I can help you by recommending it to others."
"Yes po, ate. Sure na sure akong hindi kayo madidisappoint dito."
"I'm excited to try it, let's go!" Sabi niya bago ako marahang hinawakan sa braso at hinila sa cafeteria.
BINABASA MO ANG
Unceasingly, Promise (GxG)
Romance‼️THIS IS NOT AN INTERSEX STORY‼️ When someone makes a promise, you can't do anything other than waiting. Wait for her to fulfill that promise, and still wait unceasingly even though there's no assurance for her to come back. Date Started: November...