Chapter 21

31.9K 860 278
                                    

Hi! Ashari and Sabirah's photo on the media above. That's also their outfit for today. Have a great sunday afternoon!

Ashari's

Mabilis lang talaga umikot at lumipas ang oras at araw kapag masaya ka, 'no?

Wala na ata akong mas isasaya pa, bukod sa mga oras na pinagsaluhan namin ni Sabirah, at ang lagi niyang pagpaparamdam sakin kung gaano ako kahalaga at kung gaano akong hindi nag-iisa.

Na andito lang siya palagi sa tabi ko, walang hangganan.

Buti nalang talaga at hindi ko na muling nakita ang unggoy sa school na si Freddie, simula nung tumanggi si miss sa gusto nilang pagsusundo sa dalawa.

Kaso, hindi pa rin nawawala ang pangamba ko sa tuwing dumadaan siya sa isip ko.

Paano kapag bigla kaming balikan nun at may gawing masama, kasi hindi niya matanggap na tinanggihan siya ni miss?

'Yun ang mga nakikita ko sa mga palabas at librong nababasa ko, at hindi naman ako gano'n ka tanga para hindi malamang hindi malabo na pwede iyong mangyayari.

Nakakatakot. But, I'm always holding on to Sabirah's promise, that I'll always have her, and that while she's still with me, she will make sure to make me, us, including my mom, safe.

Malaki ang tiwala ko sa kanya. Lalo na ang pagmamahal.

Lumipas ang pasko at bagong taon na wala masyadong ganap. Hindi rin kami nakapagsama ni miss para laanan ng oras ang isa't-isa sa araw ng pasko at bagong taon dahil umalis silang magpamilya, pumuntang Maynila upang doon maglipas ng oras kasama ang iba pa nilang kapamilya.

Nag-uusap nga lang kami sa pamamagitan ng pagtatawag at text.

Halos oras oras ngang may chat si miss sakin, eh. Tapos bigla pang tatawag, at kahit may ginagawa ako ay hinahayaan niya ako, basta raw makita niya lang ako. Video call kasi.

"Ash anak, tara?" Liningon ko si nanay matapos niya akong tanungin.

Tumango ako sa kanya at nginitian ang aking mama.

"Tara, 'nay. Akin na po 'yang bitbit niyo, ako na po magdadala." Pagprepresinta ko bago lumapit sa kanya.

Wala na siyang nagawa nang kunin ko ito sa kanya.

Tahimik lang kami ni nanay sa byahe. Sakay lang din ng tricycle, habang tahimik naming tinatahak ang pamilyar na daan.

Hinawakan ko ang kamay ng nanay ko, na nasa ibabaw ng kaniyang hita.

"Okay lang po ba kayo?" Tanong ko nang may pag-aalala.

Ngumiti lang si nanay, pero hindi nagsalita.

Napabuntong hininga nalang ako, at hindi na muling nag-abalang kulitin ang nanay ko, dahil pati ako, lumalala ang kabog ng dibdib ko habang papalapit na kami sa lugar.

Hindi ko narin binitawan ang kamay ng nanay ko, para iparamdam sa kaniyang hindi siya nag-iisa.

Nakarating din naman kami sa pupuntahan at hindi na kami nag-abalang bumili ng kailangan namin, dahil nakahanda na kami. Pati ng pagkain.

Tahimik at maaliwalas ang paligid. May mga tao na nasa gilid, tahimik din at may kaniya kanigang ginagawa.

Nung nakarating na kami sa tapat mismo ng pinunta namin, napaupo agad ang aking nanay pagkatapos naming ilatag ang kumot para maupuan.

Kinuha niya ang kandilang dala namin at sinindihan iyon, bago ilagay sa gilid ng pangalan na nakasulat sa lapida.

Hinaplos niya ang lapida, at nung pumikit siya ay may pumatak na luha sa pisngi ng aking nanay, sa kabila ng ngiti niya.

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon