Chapter 15

27.6K 932 232
                                    


Ashari's

Ilang araw na ang lumipas, ngunit sobrang bigat parin sa dibdib. Kagagawan ko 'yun, pero parang gusto ko ring bawiin.

Napapaisip ako, kagaya ko rin ba na apektado si miss? Napapikit ako ng mariin, bago tahimik na pinagalitan ang sarili.

Huwag kang tanga, Ashari. Sino ka ba sa buhay niya para masaktan din siya ng inaakala mo?

Desisiyon mo 'yan, kaya panindigan mo.

Napakagat ako ng labi, bago napadpad ang tingin sa mesa ko.

Andoon ang bigay niyang kagamitan, na hindi ko na ginalaw simula nung pinatigil ko si miss..

Pero kung hindi niya ako gusto, bakit niya ako hinalikan? Hindi lang isang beses, kundi tatlo pa.

Nakakahiya mang aminin, pero namiss ko si miss, pati 'yung ginawa niya..

Akala ko ba ayaw mo na maulit 'yon? Pakikipagtalo na naman ng isipan ko.

Ginawa ko lang naman talaga 'yon dahil natatakot ako sa maaring kinalabasan ng aming ginagawa. Pero, hindi naman ibig sabihin nun na hindi ko na siya gusto.

Naamin ko na sa sarili ko kung gaano ko siya kagusto, at ang tanging problema ko ngayon ay paano makaahon sa walang katapusang pagkalunod ng nararamdaman ko sa kan'ya.

Drowning for her unceasingly. Wala itong kasiguraduhan, pero hindi ko man lang nagawang pigilan ang nararamdaman.

Napaupo nalang ako sa kama ko galing sa pagkahiga, at bahagyang sinabunutan ang sarili.

Nagsisisi ako sa ginawa ko, miss ko na si miss, sobra, pero anong magagawa ko? Nagawa ko na, eh. Hindi ko naman magawang ibalik ang oras at bawiin ang sinabi ko.

Dagdag pa na miyerkules ngayon, next week pa magsisimula ang second sem, kaya wala akong pinagkakaabalahan, dahilan kung bakit wala akong ibang maisip o distraksiyon para hinsi maisip si miss.

Ang bilis lang ng araw kapag normal lang ang takbo nito sa buhay mo, pero ang bagal ng oras kapag gusto mo itong pabilisin.

"Ash?" Agad akong napalingon sa pintuan ko nung marinig ko ang katok at boses ni mama.

"Ma? Pasok po," sabi ko nalang, at mabilis din naman siyang pumasok sa loob.

"May ginagawa ka, 'nak?" Napailing ako.

"Wala naman, 'nay, bakit po?"

"Magpapasama lang sana ako mamaya. Kaarawan kasi ng asawa ni Mrs. Abielliene, 'nak, tatay ni Sabirah. Maghahatid tayo ng cake ro'n, malalaki kasi ang order nila at dalawa, kaya magpapatulong lang sana ako."

Natuyo ang lalamunan ko. May parte sa akin na ayaw kasi hindi pa ako handang makita si miss, paniguradong nandoon siya kasi kaarawan ng tatay niya, eh. Pero, ayaw ko namang hindi tulungan ang aking nanay.

Walang naggaawang sumang-ayon nalang ako.

Minsan lang din kasi manghingi ng pabor si mama.

"Sige po, 'nay. Anong oras po ba natin ihahatid?"

"Mamayang alas sais pa, Ash. Pahinga ka muna, gigisingin nalang kita mamaya." Napabuntong-hininga ako bago nginitian ang aking ina.

"Okay po."

Wala na talaga akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon.

Bakit kasi kung kailan ko siya gustong iwasan, tsaka lang kami pilit pinagkrus ang landas ng tadhana?

Lumabas na si nanay pagkatapos, at dahil mamaya pa naman gaya ng sabi niya ay naisipan kong magpahinga muna.

Nung nag alas kuwatro ay ginising na ako ni nanay at pinaghanda. Aagahan nalang daw namin, para sigurado.

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon