/*Ashari on the media!^^
Have a blessed and happy sunday, everyone!Ashari's
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko, bago tipid na ngumiti sa sarili nung tuluyang makalabas sa room.
Nakahinga na ako ng maluwag dahil sa wakas, tapos narin ang mid-terms naming ngayong sem, kahit may paparating pang semi-finals at final exam, pero at least, diba?
Kita kong nakahinga rin at medyo maaliwalas ang mukha ng halos lahat kong ka block, halatang masaya dahil tapos na ang exams.
May naririnig pa akong mga nag-aaya ng gala, kahit daw itlog ang kuha sa exams ay okay lang, at least daw tapos na at deserve raw nila ng celebration.
May ibang nagrereklamo kasi chineck nila ang mga sinagot nila sa ibang tanong na natandaan nila, at napaungot nung malaman nilang mali sila.
May ibang namang naiiyak dahil nakalimutan daw nila lahat ng mga nireview nila during exams.
Tapos heto ako, mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa, buong mundo na ata, dahil sa matamlay kong mukha, namomroblema sa isang bagay na hindi ko mahanapan ng sagot..
Naramdaman kong may umakbay sa 'kin, kaya binalingan ko ito at nakita si Shaye na nakataas ng kilay sakin at pinasadahan ako ng tingin, mula ulo hanggang paa, bago tumingin muli sa mukha ko.
"Parang ang laki ng problema mo, Ash, ah? The exams are finally over, why do you have such face?" Umiwas lang ako ng tingin at napabuntong-hininga muli dahil sa kaniyang tanong.
"Wala, may naalala lang," sagot ko nalang.
"May namali kabang sagot kanina? But when I looked at you earlier, you seem so confident and calm, sana all." Biro pa nito, kaya kahit papaano ay nagawa kong tumawa sa kabila ng lungkot na nararamdaman.
"Hindi naman about sa exams," sagot ko na totoo naman.
"If you want to let out your emotions and you want someone to talk to, I'm here." Nginitian ko siya.
"Okay lang ako, pero salamat."
"Are you free?" Kapagkuwan ay nagtanong ito, kaya binalingan ko ito ulit ng tingin, habang patuloy parin na naglalakad, at siya naman ay nakaakbay parin sakin.
"Bakit?" Ganti kong tanong.
"Wala rin kasi akong gagawin, so I'm thinking if we could hang out, at least." Napa-isip naman ako sa sinabi nito.
Wala na talaga akong gagawin, bukod sa i-edit ang panibagong research part ko na ginawa ko rin nitong mga nakaraang araw, at medyo matagal-tagal pa naman 'yung ipasa.
Napadali rin ang lahat ng gawain ko dahil sa tulong ng bigay ni miss- siya na naman.
Sasagot na sana ako ng 'sige', pero 'yung taong pilit kong inaalis sa isipan ko ay bigla nalang sumulpot sa kung saan at nagsalita galing sa likod ko.
"She's busy, miss Pento. We have something private and important to discuss to."
Kahit anong tampo ko rito, bumibilis parin ang tibok ng puso ko pagkarinig ko sa boses niyang, aaminin ko, na na-miss ko.
Ang diin din ng pagsabi niya ng 'important', gaano nga ba ka-importante 'yan?
Bahagyang napabitaw sa pagka-akbay ko si Shaye at hinarap si miss Flavia, habang ako ay nanatiling nakatalikod dito.
Ayokong humarap, dahil alam kong malulusaw na naman bigla ang tampo ko rito.
"Oh," bahagya pang humina ang boses ni Shaye nung sinabi niya ito. "I didn't know and I'm sorry, miss. Guess I'll invite you some other time then, Ash." Saka ito bumaling sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/325908630-288-k857984.jpg)
BINABASA MO ANG
Unceasingly, Promise (GxG)
Romance‼️THIS IS NOT AN INTERSEX STORY‼️ When someone makes a promise, you can't do anything other than waiting. Wait for her to fulfill that promise, and still wait unceasingly even though there's no assurance for her to come back. Date Started: November...