Chapter 8

31.2K 1.1K 378
                                    


Ashari's

Hindi ko na alam kung ilang oras akong nakababad sa computer na nasa harap ko. Naramdaman ko nalang na sumasakit na ang ulo at mata ko.

Napabuntong hininga ako bago inunat ang aking mga braso, tsaka rin pinatunog ang leeg.

Grabeng ngalay ang naramdaman ko, dumagdag pa 'tong likod ko na lakas maka senior citizen kasi grabe ang sakit.

Anong oras na ba?

Tinignan ko sa kanang ibabang bahagi ng computer ang oras at nagulat nang makitang malapit na mag alas sais.

Tatlong oras na pala akong babad sa gadget dito sa library.

Kasalukuyan ko kasing sinimulan ang part ko sa research na inatas sa amin. Ako ang pinagawa ng abstract at cover page, hinati rin namin ng pantay para naman hindi unfair sa aming lahat.

Buti nalang talaga at matitino ang mga kagrupo ko, at hindi 'yung mga walang ambag tapos ang kakapal ng mukha magtanong kung tapos naba 'yung research paper. Laging may dahilan kapag pinapagawa ng part niya, tapos g na g kapag sa gala.

Hindi na nga ako nakapunta kay miss Flavia kanina sa lunch kasi rito ako sa library pumunta.

Oo at doon ako nag lulunch. Simula no'ng binigyan ko siya ng cake ay lagi niya na akong nililibre ng miryenda, pati narin lunch. In fairness at masarap magluto si miss, home cooked kasi lagi niyang dala.

Hindi ko alam kung hinanap ba niya ako, kasi hindi ko nagawang magpaalam. As if din namang hahanapin niya ako.

Wala naman kasi kaming computer at internet sa bahay, buti nalang at may mga computer dito sa library para sa mga studyante. Centralized ac din kaya hindi mainit.

Nakablock naman 'yung mga sites na hindi related sa pag-aaral, kaya bawal gamitin ang computer dito kapag hindi naman mahalaga ang paggagamitan.

Kaagad kong sinave ang file sa flash drive na hiniram ko sa isa kong ka grupo, bawal nga kasi ng mga sites dito sa computer, tsaka wala akong fb.

Napagdesisyunan ko narin na tumigil na. Tutal, hindi ko naman ito matatapos ng agad-agad at may oras pa naman bago ito ipasa para i-approve, tsaka na 'yung defense 'pag malapit na mag end ang sem.

Pinatay ko na ang computer at sakto namang dumating ang librarian para pagsabihan ako na magsasara na.

Nagpasalamat ako rito bago niligpit ang gamit at nagsimula nang maglakad palabas.

Medyo madilim narin ang paligid paglabas ko, at wala nang masyadong tao sa school kung hindi ang mga prof na pauwi narin at guard.

Sakto namang paglabas ko ay nakasalubong ko si miss Flavia na nakakunot ang noo.

Napahinga ako ng malalin nung awtomatikong dumaga ang dibdib ko nang magtama ang aming tingin.

Nakita kong bahagya siyang nagulat, pero kumunot ulit ang noo kalaunan tsaka ako nilapitan at tinabihan maglakad.

"Where are you earlier? Why didn't you come to my office during your lunch break?", ang boses niya ay kasing lamig ng hangin na bumalot samin, dahil sa gabi narin.

Nilingon ko ito saglit bago umiwas nung magtama ang aming tingin.

"May research kasi kami, miss, kaya kumain ako sa cafeteria saglit at ginawa ko sa library kanina ang research namin," paliwanag ko rito.

Hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit ako nagpapaliwanag, pero kusa nalang itong lumabas sa bibig ko.

"You should've told me, and you should also not be here this late in school. You can finish your research at home." Her forehead is still creased while looking at me passively.

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon