Chapter 7

27K 1.1K 441
                                    


Ashari's

Nagising ako at parang binibiak ang aking ulo dahil sa sobrang sakit nito.

"Tubig, oh," nagulat ako nung narinig ko ang boses ni Clarbe.

Teka, anong ginagawa nito rito?

Tinignan ko ito at sinuri. Tsaka ko lang nakita na nakabihis na siya at naka id, halatang papuntang paaralan.

"Dumaan ako rito para tignan kang gaga ka. Ang tahimik mo habang umiinom, tapos bigla kang nag pass out kaya hinatid na kita rito. Tinulongan din ako ni tita Shara."

Wala akong maalala ni isa sa mga sinabi nito, pero nakahinga ako nang maluwag nung sinabi niya lang na tahimik lang ako hanggang sa mawalan ng malay.

Buti naman. Pagsisisihan ko siguro kung may ginawa akong kagagahan.

"Salamat," sabi ko pagkatanggap ng tubig.

"Papasok ka ba?" Tanong niya kaya bigla akong nataranta.

"Teka, anong oras na ba?"

"May oras kapa para maghanda, 'wag ka lang masyadong mabagal. Sabay na tayo, naawa ako sayo, eh," inirapan ko siya dahil sa huli niyang sinabi pero hindi ako umangal.

Bumangon na ako at naghanda para pumasok. Masakit parin ang ulo ko at nahilo pa nga ako nung bumangon ako, pero ininda ko nalang. Ayokong lumiban ng klase.

"Kain ka muna, Ash. Tsaka inumin mo 'to pagkatapos, para mabawasan ang sakit ng ulo mo," sabi ng nanay ko pagkatapos kong lumabas galing sa kwarto at nakabihis na.

Pagkatapos kong sinunod ang sinabi niya ay nagpaalam na kami ni Clarbe.

Gamit ang motor niya, umangkas ako at sabay na kaming pumunta sa school.

"Hatid na kita sa room mo, baka madapa ka eh." Napasimangot ako rito.

"Huwag na, parang tanga 'to. Kaya ko naman."

"Bahala ka diyan, bakla ka. Hahatid na kita."

At wala na nga akong nagawa kasi siya na ang naghila sakin sa loob hanggang room ko.

Napatingin ang iba kong kaklase samin at parang nanunukso pa 'yung tinging binibigay nila. Eto na nga ba, jusmeyo.

"Tignan mo nga naman 'yang mga mukha ng ka block ko." Natawa siya sa sinabi ko, dahil alam kong nahalata niya rin ito.

"Pogi ko raw, eh."

"Kadiri ka. Alis ka na nga!" Pinakita ko pa ang parang nandidiri kong mukha, dahil sa sinabi niya.

Mas lalo itong natawa, kaya tinulak ko na ito paalis.

"Sinadya ko lang naman na samahan ka, baka sakaling makita ko 'yung dahilan ng pag-inom mo kagabi." Natigilan ako.

Dahil sa sinabi niya ay naalala ko na naman. Sariwa parin ito sakin kaya natahimik ako, pero hindi ko pinahalatang naapektuhan na naman ako nang maalala ko ito.

"Tse! Alis na. Malapit narin start ng class oh," tulak tulak ko parin ito.

Umirap naman ito. Taray.

"Tse karin. Bye!" Natawa ako bago ako kumaway dito at pumasok sa room.

Hindi paman ako nakaka-upo ay nagsalita na 'yung iba kong kaklase.

"Uy, Ash, jowa mo? Pogi." Bigla akong kinilabutan sa sinabi nito.

Hindi padin naman kami masyadong close.

"Kung hindi, reto mo ako." Singit pa nung isa na kilala halos ng lahat, dahil maraming issue pero iisa lang ang dahilan: ang kalandian niya.

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon