Chapter 27

26.2K 769 304
                                    


Ashari's

Kasalukuyan akong nagbibihis, kasi pupunta ako kina Sabirah.

Kagabi kasi, sabi niyang do'n daw ako sa kanila mag review para sa darating na finals.

Miss niya raw ako, at dahil gusto ko rin siyang makasama kahit may ginagawa, ay pumayag na ako.

Naging busy na rin kami simula nung bumalik kami galing sa unang 'date' namin. Date raw ang tawag, sabi ni Sabirah.

Our first date after we got together, ika pa nga niya. Isang buwan na rin ang nakalipas sa araw na 'yon.

Hindi na kami masyadong nagka-oras sa isa't-isa ngayong linggo. Naghahanda kasi ako para sa darating na finals, at gaya ng ginagawa niya kapag may paparating na exams ay hinahayaan niya muna ako.

Iniintindi niya ako tuwing busy ako, at iniintindi ko rin siya kapag siya naman ang busy.

Kaso, mukhang hindi na siya nakatiis at gusto nang magkasama ako. Kahit malapit lang daw ako sa kanya, ay okay lang siya.

Ginamit ko rin ang bigay niyang laptop, at gagamitin ko ulit ngayon, kaya hinanda ko ang bag na lalagyan nito. Dinala ko rin ang notebook ko na mayroong mga notes.

Nung natapos ako ay lumabas na ako ng kwarto, bago hinanap si mama.

Nakita ko siya sa likod ng bahay namin, nagdidilig ng halaman niya, kaya nilapitan ko ito.

"'Ma," tawag ko sa kanya, kaya napalingon ito sa direksiyon ko.

"Oh?" Bumaba ang tingin niya sa mga bitbit ko, at sa damit ko.

Simple lang naman ang suot ko, isang khaki shorts, at v-neck black shirt. Nag tsinelas lang din ako, komportable naman ako rito.

"Aalis ka?" Tanong nito, kaya napatango ako.

"Opo, 'nay. Pupunta sana ako kina S-Sabirah po, ro'n ako mag-aaral." Paalam ko, at bahagya pang nautal.

Okay naman na si mama kay Sabirah, at tanggap niya ito, pero naiilang pa rin ako.

Ngumiti si mama, kaya medyo nabawasan ang kaba ko at parang nabunutan ng tinik sa puso.

"Sige. Do'n ka ba manananghalian?"

"Baka po."

"Sige, mag-iingat ka, ah? Huwag masyadong magpagabi," bilin nito, kaya tumango ako bago nagmano at tuluyang umalis.

Pagdating ko sa subdivision kung saan ang bahay ni Sabirah, ay pinatuloy na kami ng guard ni kuyang driver ng tricycle, at hindi na hinanapan ng gate pass.

Hindi na ako nagtaka, baka sinabihan na ito ni Sabirah, tsaka nung huli kong punta rito ay nakita niya ring kasama ko si Sabirah.

Pagbaba ko at pagkatapos kong magbigay ng pamasahe, ay nag door bell na ako.

Maaga pa naman, alas otso pa ng umaga, at sinadya ko para kahit papaano ay kapag may natira pang oras, kay Sabirah ko naman ibibigay ang atensiyon ko.

Habang naghihintay, kakaiba ang pakiramdam ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang wala sa oras, dahil sa kakaibang pakiramdam.

Naramdaman ko na ito, e. 'Yung pakiramdam ng parang may nagmamasid sayo, pero wala namang ibang tao sa paligid.

May narinig akong yapak na paparating, na mas nagpalala ng kaba ko, kaya napatingin ulit ako sa gilid ko. Bago dumapo ang tingin ko sa mga kahoy na nandito sa subdivision na hindi kalayuan.

Hindi maalis alis ang kaba ko, lalo na nung parang gumalaw ang mga mahahabang damo sa gilid ng bahay ni Sabirah.

"Ash," napatalon ako sa gulat at napatili nung biglang may boses na tumawag sakin.

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon