Chapter 16

29.2K 1.1K 1.1K
                                    


Ang daming nagdemand ng update, HAHAHA, swerte kasi sobrang boring kanina kasi naubusan ako ng load, kaya nakapagsulat ako. Good afternoon, everyone!

Ashari's

Napahigpit na naman ang hawak ko sa lapis ko nung matanaw ko na naman si miss at 'yung lalaki na magkasama.

Ang mas masaklap ay nakita kong napangiti si miss, 'yung ngiting minsan niya lang ipakita at ang ngiting ayokong ipakita niya sa iba.

Hindi na talaga sila malayo sa isa't-isa, nakakainis. Isang linggo na ang lumipas simula nung magsimula ang second sem, at lalo lang ata silang napapalapit sa isa't-isa.

Naiinis ako, at nasasaktan.

Nagbaba nalang ako ng tingin bago pa magtama ang tingin namin ni miss.

Napapagod din ako, physically, pero ewan ko ba sa puso ko at bakit hindi nalang gumaya sa pagkapagod ng katawan ko.

Napabuntonghininga nalang ako at napangiti ng mapait. Nawalan na ako ng gana na magpatuloy sa ginagawang drawing, kaya niligpit ko nalang at naisipang tumambay sa cafeteria at kumain ng dala kong cake.

Hindi ko alam kung nag-oorder paba si miss ng cake, at wala na akong balak alamin. Baka masaktan lang ako kapag nalaman kong oo, tapos ang kasama niya lagi kumain no'n ay 'yung unggoy.

Nakayukong naglakad ako at hindi na muling lumingon sa kanila.

Pagkapasok ko sa cafeteria, nakita ko si Shaye kasama ang iba naming kaklase na kaibigan niya kaya kumaway siya sakin at sinenyasan akong lumapit.

Tatlo sila sa lamesa, kasama si Shaye, at pang-apat naman ang lamesang pinili nila at ang bakanteng upuan nalang ay ang tabi ni Shaye, kaya umupo ako sa tabi niya.

Bumati ako sa kanila dahil kilala naman na namin ang isa't-isa.

"Ash, anong miryenda mo? Do you want anything? My treat." Kaagad akong umiling kay Tina, kaklase kong kilala bilang galante dahil grabe rin 'to magbigay.

"Ah, 'wag na, Tina. May baon kasi ako, pero salamat."

"You sure?" Tumango ako at nilabas ang dala kong container na may lamang banana cake.

Nakita kong nag-abang silang lahat sa laman, at namangha pagkabukas ko.

"Wait, is that your mother's cake? I've heard a lot of good comments about it!" Excited na sabi ni Yana.

Tumango ako.

"Her mother bake so good, trust me.. Pwede pahingi, Ash?" Singit naman si Shaye kaya natatawang tumango ako at binigyan sila ng tig-isang slice.

Marami naman ang pinabaon ni mama, kaya okay lang.

Exaggerated silang napa-wow nung natikman na nila ang cake.

"No wonder why lots of people have been recommending your mother's cake. I will order, after this," ani ni Tina.

"Can I have your or your mother's contact number? I'll order too," si Yana.

"Sure po."

"Ako rin!" Singit ni Tina at Shaye kaya natawa ako sa kanila at binigyan na ng number ni mama.

Nagkuwentuhan pa kami at nagdecide lang na tumayo nung malapit na magstart ang huling subject ngayong umaga, which is si miss.

Kaklase parin naman kami sa klase niya, kaya sabay na kaming apat pumuntang room.

Pagkarating sa room ay umupo ako sa usual kong inuupuan, katabi ko naman si Shaye.

Subalit halos bente minuto na ang nakalipas ay wala paring miss Flavia na nagpapakita. Nakaramdam din ako ng pagka-ihi, kaya nagdecide akong lumabas muna.

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon