Ashari'sPagkagising ko, unang bumungad sa akin ay ang cellphone kong tunog ng tunog, halatang may notifications.
Ayaw ko sana itong tignan, dahil inaantok ako, ay kinuha ko pa rin para alisin ang notification volume at i-silent ito. Natutulog pa kasi si Sabirah sa tabi ko, at hindi ko alam kung kailan ito babalik, pero mukhang hindi rin naman siya magtatagal dahil may trabaho pa siya sa probinsiya.
Ako naman ay sinulit ang oras kasama siya, kaya dalawang araw ang leave ko, na sinabi ko lang kay Marvie kahapon.
Dahan dahan kong binuksan ang phone ko, natatakot na magising si Sabirah, at napakunot ang noo ko nung puro barkada ko ang nag text.
Mas lalong kumunot ang noo ko nung makita ang mensahe nila.
Ani Delos Reyes:
Hoy, Ash! Ang landi niyo, sana all!
Sikat na ang bebe namin. Pa-cake ka naman.
Update mo ako, ha!😘
I frown after reading her message.
Minsan lang kami mag-usap ng iba ko pang kaibigan na tropa ni Clarbe sa probinsiya, during mga special occasions lang, at nagkakamustahan minsan. Pero ngayon, naguguluhan ako sa sinabi niya.
They all know I have a girlfriend since they are also my mutuals in instagram, and I came out after I got my first salary of my job, when we decided to meet each other, since we're all here in the city now, though, we rarely hang out, because we also have our different lives and priorities.
What does she mean by 'sikat', though?
Gaya ng iba kong kaibigan, nakatanggap ako ng mensahe at sinabi rin na sikat na raw ako.
Chef Clarbe:
Wow, tapos na ang soft launch phase ng mga bading, at na hard launch na agad.
Proud of you two!
By the way, sana okay lang kayo. Miss ko na rin inuman natin, kahit hindi ka umiinom tuwing may gala na minsan na nga lang mangyari.
I only reacted a laughing emoji on his last sent message, before replying that I also hope he's doing fine, kahit na naguguluhan ako sa una niyang sinabi.
Rhea:
Grabe ka na, Ash.
Pa-autograph, miss. :3
Klint Medilo:
Si miss popular pala ito, eh.😂
Kailan ba kasi ang kasal? Huwag mo ako kalimutang i-invite, ha, baka makita ko nalang sa billboard sa Metro Manila na kinasal na kayo, pero wala man lang akong alam.
Engr. Troy:
If need mo ng engineer sa bahay niyo, pwede namang ako ulit ang kunin mo, baka sakaling sumikat din ako at dadami ang clients, hehe.😊
Kidding.🤣🤣
Wala akong ka-alam alam habang tinitignan ang mensahe nila, na nirereplyan ko lang ng question mark.
Hanggang sa may bagong mensahe akong natanggap, at galing na ito kay Ally.
Ally:
Ash! I'm sure you're still not aware by now, but, girl, open your fb, dali!
Kumunot ang noo ko, at may dinagdag pa itong mensahe, pero agad ko nang nilipat sa home screen ang phone ko, bago agad nagpunta sa fb.
BINABASA MO ANG
Unceasingly, Promise (GxG)
Романтика‼️THIS IS NOT AN INTERSEX STORY‼️ When someone makes a promise, you can't do anything other than waiting. Wait for her to fulfill that promise, and still wait unceasingly even though there's no assurance for her to come back. Date Started: November...