Chapter 5

31.8K 1.1K 395
                                    


Pambawi ko sa ilang weeks na hindi nakapagsulat. Also, thank you sa 1k+ readsssss, mahal ko kayoo. At thank you sa mga patuloy na sumusuporta sa 'kin!♡(∩o∩)♡

Ashari's

Tulala ako habang pinapanood si miss Flavia na eleganteng nagtuturo sa harapan.

Nahuhuli ko na paminsan minsa'y tumitingin din ito sa direksiyon ko, pero agad ding umiiwas kapag nagtatagpo ang aming mga tingin.

At lumingon na nga ito ulit sa direksiyon ko, this time ay ako na ang umiwas kasi tinaasan na ako nito ng isang kilay.

Hmm, sungit, pero maganda. Sobra.

Naalala ko na naman 'yung binigay niya noong nagkita kami sa convenience store. Nagamit naman 'yung salon pass na binigay niya. Ginamit ko kay nanay.

Nagtaka pa nga ito kung bakit ang dami ko raw gamot na binili, nagpalusot nalang ako kasi baka mawierduhan si nanay 'pag nalaman niya na professor ko ang may bigay.

Sabi ko nalang na sobra sobra ang tip na binigay ni mrs. Flavia, kaya binili ko nalang ng maraming gamot. Kahit sobra naman talaga.

'Yung fresh milk naman ay siyempre, inubos ko. Sarap eh.

"Okay, since everyone already got it, kindly get a ¼ sheet of paper for a quick quiz about what I just discussed," tuluyan akong napabalik sa ulirat at nanlaki ang mga mata dahil sa narinig.

Sinadyang tumingin ni miss Flavia sa direksiyon at nagtama ang aming tingin, bago ako nito nginisihan.

Shuta, tulala pa, Ash. Parangal ko sa sarili.

Napakamot nalang ako sa ulo ko bago ako nanghingi ng papel kay Shaye.

"Hi, Shaye," ginamit ko ang pa-cute kong boses.

"Manghihingi karin, noh?" Napakamot nalang ako sa batok ko dahil sa kan'yang sinabi.

"Grabe, ang bait niyong studyante. Ang responsable dahil pumapasok ng walang papel. Hanga rin ako sa mga katulad niyo," puno ng sarkasmong sabi nito. Pero alam ko namang hindi ito galit.

Natawa nalang kami pareho, tsaka niya ako binigyan ng papel.

"Number 1," ngumuso nalang ako at tahimik na tinawag ang mga santo sa itaas.

Gabayan niyo sana ako kasi kaonti lang natatandaan ko sa lahat ng sinabi ni miss kanina.

Napapapikit nalang talaga ako tuwing sinasabi ni miss ang mga tanong. 1-15 ang quiz niya, sabi niya kanina, at nasa number 13 palang kami, tapos limang number lang ang sigurado kong sagot.

At least hindi zero, diba? Pagpapagaan ko nalang sa sarili.

"And for the last two numbers, write a 5 sentences essay of why financial management is important in every business. Make sure to write the exact point, to avoid writing the same sentence in your sentences," she said.

Grabe, essay na 5 sentences tapos two points lang? Dinagdag pa talaga 'yung huli niyang sinabi.

Kapag kasi gumagawa ako ng essay ay minsan inuulit ko nalang ang sentence pero iniiba ko 'yung construction ng words or naghahanap ako ng synonym, para makaabot sa sentence na hinihingi ng guro.

Buti nalang at nagbasa ako noong weekend tungkol dito, kaya kahit papaano ay sigurado ako sa isinulat ko.

Sa ibang numbers lang hindi kasi hindi ako nakinig kay miss kanina.

"Time is up, pass your papers now."

Tahimik akong tumayo nung nagsitayuan na ang mga kaklase ko.

No'ng nasa harapan na ako ni miss ay tinaasan niya ulit ako ng isang kilay bago kinuha ang papel ko at sinuri ito.

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon