Chapter 30

23.7K 730 103
                                    


Last update this week. Good morning! Hehe.

Ashari's

Tahimik kaming naglakad ni Sabirah patungo sa opisina kung saan ang dean.

Ramdam kong mayroong napapatingin sa amin, pero yumuko lang ako. Ayokong makita nila ang mata kong alam ko na namamaga na.

Habang naglalakad, nakasalubong ko bigla si Shaye. Kita ko ang galak sa mukha niya nung makita ito, pero napalitan ito ng pag-aalala kalaunan.

"Ash, saan ka pupunta?" Bahagya akong napatigil, at binalingan si Shaye.

"P-Pinatawag ako ng dean," nauutal kong sagot.

Kita kong natigilan siya.

"Huh? Bakit?" Pang-uusisa niya pa.

Hindi pa man ako nakakasagot ay nakarinig ako ng mahinang ungot, at nakaramdam din ako ng matang nakatitig sakin ng mariin.

Pagtingin ko sa harap, matalim na ang titig ni Sabirah sakin, at bigla nalang itong umirap nung nagtama ang aming tingin, bago ako iniwan at umuna sa paglalakad.

Napakamot nalang ako sa batok, bago muling binalingan si Shaye.

"Hindi ko rin alam, eh. Sige, uuna muna ako, ah? Baka kasi naghihintay na ang dean." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, at agad na akong nagmadali sa paglalakad, para maabutan ang nagmamadaling si Sabirah.

Natawa pa ako ng bahagya nang makita ko kung gaano kadiin ang bawat hakbang niya.

I want to pull her and kiss her, to make her calm, but I'm just stopping myself.

Nawala lang ang ngiti ko nung tumigil na kami sa mismong tapat ng pintuan ng dean.

Huminga ako ng malalim, bago kinuyom ang kamao, upang doon ibuhos ang kaba.

Si Sabirah na ang kumatok, habang nasa likod niya ako, pero hindi ako masyadong malapit sa kanya.

Nung bumukas ang pinto, bumungad sa amin ang dean na seryoso ang mukha. Nasa loob din ang tatay ni Sabirah, at isang medyo may kaedaran na lalaki na ngayon ko lang nakita.

Mayroon din itong kasama na, doktor. Anong meron? Bakit may doktor?

Pumasok na si Sabirah, kaya tahimik akong sumunod.

Bumalot ang katahimikan sa loob, at ramdam na ramdam mo ang mabigat na atmosphere.

Parang gusto ko nalang umalis, kahit hindi pa nagsisimula.

Para akong naiihi at naiiyak sa kaba.

Pinaupo ako ng dean sa isa sa mga upuan na nasa harapan niya, kaya napili kong umupo sa kaliwang banda. Kung saan ang lalaking hindi pamilyar, at ang doktor.

Malaki naman ang opisina ng dean, kaya may isang upuan na pagitan sa aming nung doktor. Nakalab coat kasi siya. Kaya hula ko nalang na isa siyang nagtratrabaho sa medisina.

"Where's your son, sir?" Malalim na tanong ng dean, at kinilabutan ako.

Walang bakas na pagbibiro sa mukha nito, at nakakakilabot ang tingin at boses.

"My son can't come, due to personal reasons. He's currently fixing himself, sir." Sagot nung lalaki.

Nakita kong kumunot ang noo ng dean, na para bang nagtataka, pero hindi na muli nang-usisa.

"Since everyone is already here, I will be direct now. Miss Flavia," madiing tawag niya kay Sabirah, kaya bahagya akong napatingin dito, pero hindi ko pinahalatang nag-aalala ako.

Malamig lang ang tingin ni Sabirah, walang mababakas na kahit anong emosiyon.

"Yes, dean?"

"You're aware of your actions, right?" Dinig na dinig ang pagkabigo sa boses ng dean, nung tinanong niya ito.

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon