Chapter 18

30.7K 911 55
                                    


Happy Independence Day to us, Filipinos!🇵🇭

Ashari's

Laking pasalamat ko at dumating ako sa room nang wala pa ang aming prof.

Kaagad akong naupo sa nakagawian kong upuan, katabi ko parin si Shaye. Magkaklase ata kami sa lahat ng subject, e.

"Late si miss?" Tanong ko kay Shaye, na ikinailing niya.

"They have a meeting, that's why."

Nakahinga ako ng maluwag. Suwerte pala ako, at hindi ako matatawag na late, kahit na kinse minutos akong nahuli sa pagpasok.

Si miss kasi, e.

Naramdaman ko nalang ang pag-init ng pisngi ko, dahil naalala ko na naman ang naging tagpo namin sa office niya.

Kailan pa ako natutong lumandi ng gano'n?

Wala akong naging karanasan, halos lahat ng una kong naranasan ay kay miss. Ngayon ko lang napagtanto na may kalandian ako sa katawan.

"Are you okay?"

Napatingin ako kay Shaye nung marinig ko siyang magtanong.

"H-Huh?" Nagtataka kong sambit.

"You're a bit red. Is your head hurting? May masakit ba sa 'yo?"

Mas lalo kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko, at pinilit nalang na huwag magpahalata sa kababalaghang naisip sa pamamagitan ng pagngiti.

"A-Ah, oo. Okay lang ako, medyo mainit lang talaga."

Nakita kong napakunot ang noo niya, at nilibot ang tingin hanggang sa mapadapo ang tingin niya sa aircon dito sa room.

Nakalimutan kong private pala 'tong paaralan ko..

Naghanda na sana ako ulit ng panibagong rason, kung sakaling sasabihan niya ako na may aircon naman, pero laking pasalamat ko nung biglang may pumasok, 'yung presidente ng SSG at nagbigay ng paper activity, utos daw sa kanya nung prof namin sa subject na ito.

Nidistribute agad ang papel, at hindi na kami nakachika ulit ni Shaye, dahil nagfocus na kami sa pinapasagutang activity.

Mabilis naman lumipas ang oras, at natapos na ang dalawang huling subject ko ngayong hapon.

Naghanda na ako palabas nung tinawag ako bigla ni Shaye.

"Ash, may kasabay kang umuwi?" Napalingon ako sa kan'ya, dahil sa tanong niya.

Hindi ko muna sinagot ng diretso, at tinanong ko rin siya pabalik. Nakakahiya naman kasing sabihin na sabay kami ni miss.

"Bakit mo naitanong, Shaye?"

Ngumiti ito.

"Sabay na tayo. My driver can't fetch me, so I'm just gonna commute on my way home."

Napakamot ako ng ulo, naghahanap ng mairarsson.

Ayoko namang hindi sumunod sa usapan namin ni miss, baka mainis, magtampo at magalit 'yon sakin. Ang hirap pa naman suyuin.

Daig pa magjowa, e.

"Bawal kasi ako, Shaye, pasensya na. Mamaya pa ako uuwi, may gagawin pa ako." Napakamot pa ako sa ulo ko, nahihiya.

Hindi naman matawag na pagsisinungaling ang ginawa ko, kasi may gagawin naman talaga ako, at 'yon ang puntahan si miss at hintayin siyang mag time-out, para sabay na kaming umuwi.

Nakahinga nalang ako ng maluwag nung nagkibit balikat ito.

"Oh, gano'n ba. Okay, no worries, I get it. I'll go now. Take care, by the way."

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon