So, hello, wala akong balak sana mag ud this month, pero may mga nanghingi kasi, kaya pinagbigyan ko na HAHAHA. Have a great afternoon!Ashari's
Intrams week na simula ngayon at kasalukuyan akong nanghahanda papuntang school.
At dahil wala kaming uniform, parang normal lang sa amin na magsuot ng kung saan kami komportable.
Ang napili kong suotin ngayon ay simple lang na kulay green, paborito kong kulay.
Ang pang-itaas ay crop top button up na round neck, tapos sa ibaba ay button up pencil skirt. Terno ito, at medyo expose ang tiyan ko, pero komportable naman ako rito. Pinares ko ang damit ko sa white na sneakers ko.
(/*Ashari on the media below, and reference on her current oufit.)
Pumunta ako sa harap ng salamin na matatagpuan sa kwarto ko, at napangiti sa itsura ko.Bagay na bagay sakin ang suot ko, dagdag mo pa ang kurba ko at ang medyo malaki kong hinaharap na nagdadagdag sa dating ko.
Ang ganda ko..
Nagsuot din ako ng kaonting pampapula sa labi, para naman hindi ako magmukhang kulang sa dugo mamaya.
Paglabas ko, ngiti agad ni nanay ang bumungad sakin nung magkatingin kami.
"Wow, ang ganda naman ng anak ko, halatang mana sakin." Natawa kami pareho.
Lumapit pa ito ng bahagya sakin, at pabiro akong hinagkan.
"Ang bango, ah. Saan punta natin? May date kaba?" Napasimangot agad ako sa tanong nito.
"Mama, naman, eh. Intrams namin ngayon at wala akong date. Wala nga akong jowa, 'ma."
"Kawawa ka naman pala." Pang-aasar niya.
Kung hindi ko lang talaga 'to nanay, eh.
"Sila 'yung kawawa kasi hindi nila ako jowa." Sagot ko pabalik dito, sabay flip pa ng buhok ko, na kami rin lang ang natawa.
"Pansin mo, 'nak?" Tanong niya bigla.
"Alin po?"
"Mainit naman ang panahon, pero ang hangin dito sa loob," tsaka ito tumawa sa sarili niyang sinabi.
Napasimangot naman ako.
"Si mama naman, eh! Sayo kaya ako nagmana."
"Wala akong sinabi na hindi ka nagmana sakin. Sinabi ko lang na ang hangin mo." Tuluyan na akong napasimangot.
Nanay ko ba talaga 'to?
"Bahala ka po diyan, 'nay. Uuna na po ako sa school ko, tutulong pa ako sa booth namin."
"Kain ka muna bago ka umalis, para may lakas ka." Tumango ako rito at inaya narin ang aking nanay na sabay kaming mag-agahan.
Hindi nagtagal ay natapos na kami, at ako na sana ang maghuhugas pero hindi siya pumayag.
BINABASA MO ANG
Unceasingly, Promise (GxG)
Romance‼️THIS IS NOT AN INTERSEX STORY‼️ When someone makes a promise, you can't do anything other than waiting. Wait for her to fulfill that promise, and still wait unceasingly even though there's no assurance for her to come back. Date Started: November...