Chapter 25

30.4K 757 220
                                    


/*Ashari on the media above!^^

Ashari's

"Mag-iingat kayo, anak, ah? Sabirah, alagaan mo ang anak ko. 'Yung habilin ko sayo, ah?"

Napalingon ako kay mama at kay Sabirah.

Tumango si Sabirah at pagkatapos ay medyo yumuko pa siya sa harap nito.

"Yes, 'ma." Napangiti nalang ako matapos marinig ang sagot nito.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila kagabi, pero sobrang saya ko dahil nakuha na agad ni miss ang loob ni mama.

Tinulungan pa nga ako ni miss mag-empake kagabi ng dadalhin ko sa lakad namin ngayon, na hinayaan lang ni mama.

"Mag-ingat kayo ro'n, anak, ah? I-text mo ako kapag nakarating na kayo."

Ako naman ang tumango at ngumiti kay mama, bago nagmano rito at hinalikan ito sa pisngi.

"Opo, 'nay."

"O siya, una na kayo para marami pa kayong oras mamasyal mamaya. Mag-enjoy kayo."

Nagpaalam ulit kami ni miss, bago kami tuluyang sumakay sa kotse at nagbyahe.

Alas singko pa lang ng umaga, at sinadyang agahan ni miss kasi medyo malayo layo raw ang magiging byahe namin.

Nasasabik na ako. Gusto kong tanungin kung saan kami pupunta, pero ayokong maputol ang surpresa niya.

"Have you eaten before I got there to fetch you?" Tanong ni Sabirah habang nasa biyahe kami.

Nilingon ko siya, saktong napatingin din siya sakin, pero bumabalik din agad sa harapan kasi nagmamaneho siya.

"Hindi pa, pero hindi pa naman ako gutom. Sabay nalang tayo mamaya."

"We're still 60 minutes away from our first stop, before our next ride. I cooked for us, pwede mong kunin, nasa backseat. The brown paper bag."

Hindi na ako umangal at agad itong inabot.

Mabuti rin at steady ang biyahe kasi wala pang masyadong sasakyan, at nasa probinsiya rin kami.

Pagtingin ko sa laman ng container sa loob ng paper bag, isa itong pasta.

Agad kong hinalo ng maayos, bago ako nagsimulang kumain.

After getting another and pricking the pasta using the fork, I gently raised it for Sabirah.

"Ahh, love."

Nakita kong natigilan siya at bahagyang pinamulahan, pero hindi ito nagreklamo o nagsalita, at maingat lang nitong kinain ang isinubo ko.

Sinusubuan ko siya habang nasa biyahe, para hindi rin siya magutom. Hanggang sa naubos namin ito at narating na namin ang isang gusali.

At nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na para itong mall na nakikita ko sa tv sa sobrang laki.

Nakita kong ibinigay ni Sabirah ang susi ng kotse niya sa isang lalaking naka-suit, tsaka ito lumapit sakin bitbit ang gamit namin.

Maleta ang dala niya, habang ako ay isang backpack lang dahil hindi naman kami masyadong magtatagal do'n.

"Let's go?" Sabi niya pagkalapit at nginitian pa ako.

Tahimik akong tumango, namamangha.

"Sa probinsiya pa rin po ba ito?"

I felt Sabirah held my hand gently, while walking, as we went inside the big structure. Kinabahan pa ako, na baka may makakita sa amin, pero sinigurado ni Sabirah na wala raw.

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon