Miss Sabirah on the media!^^
Ashari's
Hindi parin ako makapaniwala sa nalaman, kaya buong oras ay tahimik lang ako, na napansin na ata ni miss.
"Is something bothering you again?" Dinig kong tanong niya, pero ni paglingon ay hindi ko magawa.
Nakakatakot, kasi what if patibong 'tong binigay niyang laptop at phone? Na kapag nasira ko, magpapatawag siya ng sampung abogado at kakasuhan ako!
Tapos nakaya ko pang umasta ng gano'n kay miss kanina? What if kapag napuno siya sakin, bigla niyang kakausapin ang sponsor ng scholar ko at ipapabawi ito? Huwag naman sana.
Marami pa akong pangarap, ayokong mapulubi sa daan at ayokong mamatay sa gutom, lalo na ang nanay ko, hindi ko siya kayang makita na maghirap ulit.
Dahil sa kaba ko, at baka ipatalsik niya rin ako sa lugar namin kung hindi ako sunagot, ay umiling nalang ako habang naka-iwas ng tingin, bago ako tumayo at kinakabahang nagligpit ng gamit.
"W-Wala po. U-Una na po ako, miss. Tutulong pa po ako sa b-booth namin," bahagya pa akong tumawa ng pilit, para pagtakpan ang kaba.
"Will you look at me and tell that nothing is really bothering you, miss Ceniza?" Kahit ayoko at nanlalambot ang tuhod ko, tinignan ko siya dahil pumapasok na naman sa isip ko ang mga posible niyang gawin sakin, isang tawag niya lang sa tauhang meron sila, kasi imposibleng wala kung gano'n pala sila kayaman.
Masungit na naman ang mukha niya, at matalim ang tingin habang nakatitig sakin.
Tahimik akong lumunok at ininda ang tripleng pagkabog ng aking puso.
"O-Okay lang po talaga. Una na po ako..." Napakagat ako ng labi pagkatapos ko itong sabihin.
Tinitigan niya muna ako ng ilang sandali, sinusuri ang sagot ko, bago ko narinig ang buntong hininga niya at tumango.
"Come here first."
Mas lalong dumiin ang pagkagat ko sa labi, at gamit ang nanginginig na tuhod ay lumapit ako sa kanya.
Sa mismong gilid kung saan siya nakaupo, kasi sinenyasan niya akong tumayo ro'n.
Inikot niya ang swivel chair niya para harapin ako, at biglang nawala ang lahat ng bumabagabag sa isip ko nang magsalubong ang aming tingin.
Ang kaniyang madilim na mata ay nakatitig sakin na para akong isang bagay na mahalaga..
Tumayo siya ng dahan dahan at tahimik, kaya napasinghap ako sa lapit namin, na isang pulgada nalang ata ang distansiya ng aming mukha.
Ang katawan namin ay bahagya nang nagkadikit, at hindi ko man lang magawang gumalaw para umatras, para akong hinihipnotismo sa mga titig na binibigay niya.
Bumaba ang tingin ko sa katawan niya, nung dahan dahan niyang hinubad ang blazer niya na pinipilit niyang isuot ko kanina, habang ramdam ko parin ang diin ng titig niya sakin.
Umangat ng bahagya ang kamay niya kaya hindi ko alam, pero kusang nagsara ang mga mata ko, at kinakabahan sa susunod na mangyari.
Subalit ilang sandali ay naramdaman kong parang may tela na pumatong sa magkabilang balikat ko, kaya dahan dahan akong nagmulat ng mata at nakita kong inaayos niya ang pagkalagay ng blazer niya sakin.
Nagtama muli ang aming tingin, at nagwala ang puso ko nung bigla siyang ngumiti. Ngiti na hindi niya kailanman naibahagi sa iba, at ayoko rin masaksihang ngumiti siya ng ganito sa iba. Gusto ko, ako lang ang ngitian niya ng ganito.
Panigurado na kapag ipinakita niya ang gan'tong ngiti sa iba, laglag ang panga nila hanggang sa kaharian ni satanas.
"Wear this, Ash, please," halos pabulong niya nang sabi, habang pungay ang matang nakatingin sa akin, tahimik na nagsusumamo.
BINABASA MO ANG
Unceasingly, Promise (GxG)
Romance‼️THIS IS NOT AN INTERSEX STORY‼️ When someone makes a promise, you can't do anything other than waiting. Wait for her to fulfill that promise, and still wait unceasingly even though there's no assurance for her to come back. Date Started: November...