Ashari'sNakatulala akong nakatitig sa kesame, habang pinapakiramdaman ang grabeng pagtibok ng puso ko.
Tama pa ba 'to?
Alam ko sa sarili kung bakit ako nagkakaganito, at ngayon na narealize ko lahat, gusto kong umiyak.
Ang tagal na nung nakilala ko si miss. Hindi naman talaga gano'n katagal, pero patapos na ang unang sem ko, at lalo kaming napalapit sa isa't-isa.
Ang bilis, noh?
Parang nung huli, intrams pa. Tapos ngayon, tapos na kami mag finals, at enrollment na ulit para sa second sem.
Sa katunayan, bukas na ang huling araw bago kami bigyan ng isang linggong break, at pagkatapos nun ay second sem na pagbalik.
Tapos narin ang defense namin sa research at masaya ako dahil wala kaming pagkakamali at talagang masaya ang aming propesor sa kinonduct naming study. Sa katunayan, kami pa nga ang may pinakamataas na markang nakuha.
Masaya rin akong wala akong kahit isang mababang grade. Walang dos, lalo na ang tres. Dapat nga nagsasaya ako ngayon, eh, pero bakit lumulutang ang isipan ko habang nakatitig sa kesame?
Gusto ko talagang umiyak, lalo na nung dumaan na naman sa isipan ko ang babaeng rason kung bakit ako nagkakaganito.
Nung sinabi kong sobrang lapit namin sa isa't-isa, sobra talaga kaming lapit sa isa't-isa, physically, at hindi ako sigurado kung emotionally din.
Naiiyak ako, gusto ko si miss. Gustong-gusto, at hindi ito pwede.
Sa tuwing magkasama kami, 'yung epekto niya unang tagpo palang ng mata namin, gano'n na gano'n parin hanggang ngayon.
Isa pa 'yung Freddie na asungot. Laging sumisingit sa amin ni miss, buti nalang at kahit anong alok nito ay hindi tinatanggap ni miss. Ang sarap niya ibalik sa zoo, sa totoo lang. Bakit kasi napadpad pa 'yun sa school namin?
Akala ko, mawawala na siya pagkatapos ng intrams, tapos nalaman ko nalang na isa na siya sa stockholder ng paaralan, kaya okay lang na andoon siya madalas. Nakakairita, parang langaw.
Sino rin ba kasing hindi mahuhulog kay miss, ha? Bawat bagay na ginagawa niya, naapektuhan ako. Lalo pa't bigla bigla nalang siyang yumayakap, o kaya'y humahalik sa noo ko.
May mga beses na muntikan na talaga kaming maghalikan, pero sa makakaya ko ay ako ang unang umiiwas. Hindi ko na ata alam ang gagawin kapag tuluyan na naming malagpasan ang hindi dapat malagpasan.
Tapos 'yung paglambot ng boses niya kapag ako ang kausap niya, 'yung pag-aalaga niya sakin kapag pagod ako, alam kong hindi na normal.
Kung normal ito sa kanya, ayoko siyang makita na umakto ng ganito sa iba. Ayoko.. Masasaktan ako..
Nawala ang paglilipas ng isip ko nung biglang tumunog ang phone ko.
Napapikit ako ng marrin, dahil may kutob ako na ang rason kung bakit magulo ang sistema ko, ay siyang may pakana ng pagtunog ng phone na bigay niya rin mismo.
Nagdadalawang-isip ako, kung titignan ko ba, pero nanaig ang kuryusidad ko.
Sabirah:
Hey, are you asleep?
Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapangiti at kaagad pinindot ang message niya para i-seen.
Ash:
Hindi pa po. Hindi ako makatulog, eh. Ikaw po? Bakit pa po kayo gising?
BINABASA MO ANG
Unceasingly, Promise (GxG)
Romance‼️THIS IS NOT AN INTERSEX STORY‼️ When someone makes a promise, you can't do anything other than waiting. Wait for her to fulfill that promise, and still wait unceasingly even though there's no assurance for her to come back. Date Started: November...