Chapter 37

33.3K 786 159
                                        


Ashari's

Pagkawala ng lalaki ay bigla nalang nag-iba ang timpla ni Sabirah.

Umupo na ito sa harap ko, at hindi ito umimik hanggang sa dumating ang aming pagkain.

Mariin ko siyang tinitigan, tinatansiya ang reaksiyon niya, pero blangko ang kaniyang mukha at mailap tumingin.

"Let's eat," she said coldly and I don't know what to say, since she change mood all suddenly.

Hindi ko alam ang mararamdaman, naghalo-halo ang kaba, pag-over think at pagkalito sa anong nangyayari.

Akala ko ay babalik din agad, pero natapos nalang kaming kumain ay hindi na rin ito nagsalita ulit, at nung nagbayad ay mabilis kong naibigay ang card ko sa waitress.

Kumunot ang noo ko nung hindi man lang siya nagreact gaya ng ginagawa niya. Hinayaan lang niya ako magbayad.

Napabuntonghininga ako.

Lumabas na kami pagkatapos magbayad, and I tried holding her hand, which I'm glad that she just let me, but she still remained silent.

"Mag grocery pa tayo?" Maingat kong tanong.

Napalingon siya sakin saglit, bago umiwas ng tingin tsaka tumango.

Naguguluhan ako sa inaasta niya, at hindi ko maiwasang masaktan. Piniling ko nalang ang ulo ko at winaglit saglit ang iniisip, bago siya hinila sa grocery store.

Aayos lang naman siguro 'to si Sabirah mamaya.

Or so I thought. I tried multiple times to try talking to her properly, but she only respond at me coldly, and won't even at least look at me when I talk.

It's making my blood boil, and it's making my chest hurt.

Hindi nalang ako muling nagsalita, pagkatapos naming magbayad sa grocery. Hindi niya ako pinagbayad sa pagkakataong ito, pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil wala pa rin itong imik.

Hindi rin naman gano'n karami ang binili ko. Snacks lang at drinks para mamaya, dahil nawalan ako bigla ng gana.

Tahimik lang kami hanggang sa makapasok sa kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto, pero hindi ko siya magawang pasalamatan sa pagkakataong ito.

Hanggang sa makarating kami sa basement ng building ng condo ko ay puro kami walang imikan, kaya hindi ko na natiis at hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto, at ako na mismo ang lumabas sa kotse niya.

Bitbit ko ang ibang pinamili namin, habang pumunta ako sa elevator at pinindot ito para bumaba.

Hindi nagtagal ay nakasunod na siya sakin at nasa gilid ko na siya. Ramdam ko ang titig niya, pero hindi na ako muling nag-abala na bumaling sa kanya.

The silence is defeaning, but contrary to it is what my insides are going on. My system can't calm, and my heart beat is triple faster than the usual.

Every loud thud is painful, that I'm starting to feel so little again, having Sabirah around me.

I'm not used to her acting like this, and I think this is the first time that she's giving such attitude.

Okay sana kung may hint ako kung bakit siya umaasta ng ganito, pero wala.

Dumaan sa isip ko na baka dahil iyon sa naging sagutan nila ni Triston, pero mukha naman siyang maayos kanina, at hinalikan pa nga niya ako sa harap ng lalaki.

Nakapasok na kami sa condo ko't lahat lahat ay wala pa ring umiimik sa amin.

Napatiim ako ng bagang, bago hinayaan muna ang bitbit na iwan sa sala, para sana pumasok ng kuwarto ko at do'n nalang ako magkukulong kung para naman pala akong walang kasama rito, nang magsalita na rin siya sa wakas.

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon