Chapter 22

27K 810 146
                                    


Ashari's

Paglabas ko sa kwarto ko ay agad kong nakita si nanay na nagahahanda sa lamesa.

Agad ko siyang nilapitan at marahang yinakap sa gilid.

"Maligayang araw ng mga puso, 'ma."

Naramdaman kong napangiti siya, bago hawakan ang kamay kong nakapulupot sa kanya, tsaka rin siya bahagyang tumingin sa direksiyon ko para halikan ako sa pisngi.

"Maligayang araw ng mga puso, 'nak. Ito, nilutuan kita ng paborito mong afritada."

Mas lumawak ang ngiti ko, bago ko tinulungan si mama sa paghanda sa lamesa.

"May pasok ba kayo ngayon?" Tanong ni mama habang kumakain kami.

Tumango ako.

"Meron po, pero wala talagang klase. May event lang talaga sa school, 'nay, tsaka kailangan ng attendance, kaya kailangan kong pumasok."

Napatango naman si mama.

"Hindi ka naman matatagalan ng uwi, 'di ba?"

"Hindi po ako sigurado, 'ma, bakit po?"

"May bago kasing bukas na kainan sa bayan, gusto kong mamasyal tayo. Matagal na rin nung huli nating pasyal, Ash, tsaka medyo may nalikom naman akong pera para rito."

Biglang lumambot ang puso ko sa sinabi ng mama ko. Oo, matagal na nung huli naming pasyal ni mama, 'yung buhay pa si papa.

Nakakasama naman ako sa kanya minsan kapag may binibili siya sa palengke, pero hindi talaga kami nakakain at pasyal sa labas ulit.

"Pangako po, uuwi ako ng maaga," nakita kong lumiwanag ang mukha ng nanay ko, na mas lalong nagpalambot sa puso ko.

Hindi ko na mabilang pang-ilang ulit ko na itong nasabi, pero gagawin ko talaga lahat para lang mapanatili ang saya sa mukha ng nanay ko.

Gagawin ko ang lahat para mapasaya siya, at maibigay ang lahat ng kailangan at gusto niya kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral, para masuklian at makabawi sa mga sobra sobrang sakripisiyong nagawa niya para sa amin.

-----

"Ash! Buti nandito ka na. Tawag ka ni pres kanina."

Ito ang salubong agad sa akin ni Fara, nung nakarating ako sa harap ng booth namin.

Nakita ko ring naghahanda na ang iba kong ka-block sa mga kailangan namin sa booth.

"Ash, glad you're here. Halika, tawag ka ni pres, may pakiusap daw sayo." Bigla namang sulpot ni Shaye at hinila agad ako, kaya hindi na ako umungal at nagpatianod nalang.

Paglapit namin ay nakita naming chini-check ni pres ang kailangan, at nag-supervise naman ang v-pres namin para masiguradong tama ang ginagawa ng iba naming ka-block.

"Pres! Andito na si Ashari."

Nakita kong napalingon sa amin si Pres Ren, at lumiwanag ang mukha pagkakita sakin.

"You're just in time! Can I ask you a favor?" Walang paligoy ligoy nitong tanong, at narinig ko pang bahagyang natawa si Shaye sa gilid ko, bago ako nito tinapik sa balikat at sinabihan ng 'good luck'.

Kumunot ang noo ko nung sinundan ko ng tingin si Shaye, bago ako muling bumaling kay pres Ren.

"A-Ano po 'yon?" Medyo kinakabahan ko nang tanong.

"Well, you see, remember what we discussed last meeting? We'll have a free shout-out, anonymous, and dedication message to those who'll buy our milkshake. Although, we're still deciding on who's gonna be our dj of the day, we came up with the idea of having you and Pery, instead."

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon