Ashari's"A-Ano pong gagawin ko? Para maisalba ang pangalan ni Sabirah?" Nanghihina kong tanong, at buong tapang na sinalubong ang tingin ng ama pala ng taong mahal ko.
Hindi ko na alam kung anong itsura ko sa harapan niya, at wala na akong pakealam. Isa lang ang inaalala ko, ang gulong nangyayari na maaaring ikakasira sa pangalan ni Sabirah.
Sinubukan kong pigilan ang nararamdaman ko noon, para hindi humantong sa ganito, pero nangyari rin pala ang kinakatakutan ko.
Hindi ko pinagsisihan ang nangyari, masaya nga ako, sobra. Pero iniisip ko na kung dapat magsakripiso, siguro, ito na 'yon, 'no?
Kumirot ang puso ko sa naiisip. Sakripisiyo.
Ayoko. Ayaw kong mawala si Sabirah sa akin, nangako ako, at hindi ko kaya 'yon, pero, bakit ganito ang nangyayari sa amin? Sa kanya?
Napakamabuti niyang tao, kaya bakit?
"I heard you're a scholar, and I did a background check.. I already know who you're sponsor is, and I'm willing to help you."
Natigilan ako nung biglang masali sa usapan ang scholar ko. Kung natanggal iyon, paano na ako at pangarap ko para sa amin ni mama?
"A-Anong tulong po? Pakiusap, hindi ko kayang mawala iyon." Naluluha ko na namang saad.
Ngumiti ito ng sinsero, na para bang kinakalma ako.
"Don't worry, I'm true to my words, miss Ceniza. So, I won't be wasting no time. I'm gonna offer you another full scholarship, but, not in here."
Kinabahan naman agad ako sa sinabi nito.
"Saan po?" Sinubukan kong ayusin ang boses, kahit sa loob ko ay parang ayaw ko nalang marinig ang susunod nitong sasabihin.
Gusto ko nalang tumakbo palayo at umuwi sa mahal ko. Umuwi kay Sabirah.
Siya lang ang bukod tanging magpapakalma sa akin at mag-aalis sa mga bumabagabag sa akin.
"Luzon. Sa Maynila. I will let you choose which university you want to enroll there, and I will pay all your fees. Tuition, books, all. Including dorm and you'll have monthly allowance worth twenty thousand. Even aftet graduating, you'll still receive your allowance, until you've finally found a stable job that can already pay your needs." Walang kurap na sabi nito, halatang hindi nakikipagbiruan.
Naiwan akong tulala sa harap, pinoproseso ang sinasabi.
"Don't worry, I won't ask for you to pay me back in the future, all I want from you is for you to agree in our deal. And, I won't accept the money I already gave you, if you feel that it is too much." Dagdag pa niya.
Mag-ama nga.
"H-Hindi ko pa po alam, tsaka kakausapin ko pa po si mama. Paano rin si Sabirah? Hindi ko pa masyadong napoproseso ang nangyayari.." Nanghihina kong sagot.
Bumuntong hininga ulit ang lalaki sa harap ko.
"Naiintindihan kita, pero ito lang ang tanging paraan na alam ko. Si Sabirah naman ay simple lang, kausapin mo siya at kumbinsihin mo siyang magbreak muna kayo ng temporaryo lang. The dean will surely call us on Monday, and inside his office, you have to deny eveything. Deny everything, miss Ceniza. Tell my daughter to also deny it. Easy, right?" Parang nahihibang nitong sabi.
Tsaka anong easy? Knowing Sabirah, magagalit 'yun panugurado!
Hindi pa ako tuluyang nakakahinga sa ino-offer niyang scholarship, ay may bago na naman akong iisipin.
Hindi ako sigurado kung makukumbinsi ko ba si Sabirah, at ang masama pa ay baka kamuhian niya ako..
Imbes na maaayos pa, baka mas masira pa.. Sa isiping 'yun, nasasaktan na ako.
BINABASA MO ANG
Unceasingly, Promise (GxG)
Romance‼️THIS IS NOT AN INTERSEX STORY‼️ When someone makes a promise, you can't do anything other than waiting. Wait for her to fulfill that promise, and still wait unceasingly even though there's no assurance for her to come back. Date Started: November...