Ashari'sLihim akong nakangiti habang nakatitig kay miss Flavia.
Ang cute niya kasi habang may kung anong tinatipa at binabasa niya sa kan'yang laptop. Kumakain din siya ng banana cake na feeling ko ay naging paborito narin niya.
Lagi kasi itong nag-oorder sa nanay ko at ako ang palaging naghahatid. Binibigyan niya rin ako kaya hindi na ako nagpabaon kay mama ng miryenda simula no'n, may libre pang fresh milk kaya wala akong reklamo.
Lagi narin akong nakatambay sa office niya tuwing break ko, simula noong unang sinabihan ako ni miss Flavia na pwede akong tumambay dito kapag free ko after ng class niya ay naging tuloy tuloy narin iyon.
It's been two weeks narin simula no'n at minsan nababagabag na ako sa sarili ko.
Nakikita ko narin kasi ang sarili kong hindi kompleto ang araw kapag hindi nakakita kay miss o hindi nakakatambay sa office niya. Madalas din akong magpalpitate nang dahil sa kan'ya, kahit fresh milk naman ang lagi kong iniinom na bigay niya rin.
Normal pa naman 'to, diba?
Alam kong hindi kasi ako'y isang aminadong bading, pero bago ko lang din itong naramdaman.
Nalaman ko lang nga rin na gan'to ako noong high school ako, kasi wala talaga akong natipuhan na lalaki noon paman, hanggang sa bigla akong magkagusto sa isa kong babae na kaklase noon.
Kaso, straight siya, pero wala narin naman 'yun kasi crush lang ang nararamdaman ko sa kan'ya at hindi gano'n kalalim.
Pero itong biglang pagrereact ng puso ko kapag malapit si miss o nagkakatitigan kami ay ewan ko nalang.
Professor ko siya, kaya hindi ko dapat maramdaman ang hindi dapat.
"Stop staring." Napabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses nitong malamig at tumingin sa banda ko, kaya nagtama ang aming tingin na dahilan na naman ng pagbilis ng baliw kong puso.
Feeling ko talaga may mali sa puso ko. Baka napunta na 'yung dugo na dapat para sa ibang parte ng katawan ko sa puso ko, kaya doble doble ito kung maka-react.
"Nawala lang ako sa isip ko pero hindi naman po ako nakatitig sa 'yo, miss," pagpapalusot ko sa kanya na ikinairap niya lang.
"Don't you still have class to attend to? It's almost time for your next schedule," sabi niya pagkatapos niyang tignan ang relo niya.
Hindi na ako nagulat sa sinabi nito. Pati schedule ko ay memorize niya, eh. Hiningi niya kasi no'ng huli, hindi ko alam kung bakit.
Tumango nalang ako rito bago inayos ang bag at isinakbit sa balikat ko.
"Una na po ako, miss. Thank you po," tumango lang ito bago ibinalik na naman ang tingin niya sa laptop niya.
Nasanay narin ako dahil gan'yan naman siya lagi kapag nagpapaalam ako.
Tahimik akong lumabas at tinapos na ang araw nang masaya.
After ng klase niya lang naman ako nakakatambay sa office niya dahil lagi rin niya akong inuutusan magbuhat ng napakabigat na bagay. Gaya ng index cards, white board marker, test papers, work sheets, answer sheets at iba pa.
Kapag naman wala kaming class sa kanya ay ako ang kusang pumupunta sa office niya para makimiryenda. Inabuso ko na, para lagi akong may fresh milk.
Nagtataka na nga ako kung bakit parang 'di siya nauubusan ng stock ng fresh milk sa mini fridge niya, pero hindi ko nalang tinanong.
Gabi na at wala akong magawa dahil nagpa quiz halos lahat ng prof namin kanina, kaya puro discussion lang ang magaganap sa susunod na araw.
Bored ako nang maalala ko na naman si miss. Kasama ko na nga siya kanina, hindi pa siya maalis sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Unceasingly, Promise (GxG)
Romance‼️THIS IS NOT AN INTERSEX STORY‼️ When someone makes a promise, you can't do anything other than waiting. Wait for her to fulfill that promise, and still wait unceasingly even though there's no assurance for her to come back. Date Started: November...