Chapter 4

28.5K 1.1K 154
                                    


Ashari's

Tahimik akong nagbabasa sa aking mga notes na sinulat ko, sa aking kwarto. Nagbabasa para kung sakaling may surprise quiz o test ang mga prof, kahit papaano ay hindi makakuha ng maliit na marka.

Wala rin naman akong ibang magawa at tinatamad akong lumabas. Ang init kasi.

Tapos narin akong maglibot ng paninda ni nanay na doughnuts, kaya bakante na talaga ako.

Sa pagbabasa ay dumaan sa isip ko ang sinabi ni miss Flavia noong huli.

Hindi ito mawala sa isip ko. Hindi na ako masiyadong nasasaktan 'pag iniisip ko ito, mas lumamang ang hiyang naramdaman ko eh.

Kaya nga kahapon, hangga't makakaya ko ay iniiwasan ko nalang talagang tumingin sa mga mata niya, o kaya'y mag-angat ng tingin.

T'saka no'ng nag dismiss na siya ay ako ang kauna-unahang lumabas sa klase.

Naputol lang ang aking pag-iisip no'ng may kumatok saking pintuan, at narinig ko ang boses ni mama.

"Ashari anak," tawag nito kaya tumayo ako at pinagbuksan ang aking nanay.

"Po, ma?"

"Pwede bang makiusap ang nanay? May ginagawa kaba?" Agad akong umiling sa huli niyang tanong.

"Hindi naman 'to assignment, ma. Nagbabasa lang ako, kasi wala akong magawa." Paliwanag ko rito.

"Makikiusap sana ako na ikaw nalang muna maghatid ng cake sa nag-order sakin. Gusto ko sanang ako nalang pero parang nahihilo ako," agad akong nilukob ng kaba.

Nilapitan ko pa si mama at sinalat ang kan'yang noo. Doon ko napagtanto na may lagnat ito.

"May lagnat ka naman pala, 'ma. Sana hindi ka nalang muna kumilos ngayon. Sige, magpahinga ka na po. Ako na bahala sa paninda mo." Kaya pala medyo maputla ito.

Hindi ko masiyadong napansin noong una, pero nahalata ko ring maputla ito nang maramdaman ko kung gaano kainit ang aking nanay.

Inalalayan ko ito patungo sa kan'yang silid, at pinahiga.

Dali dali muna akong kumuha ng bimpo at maliit na palanggana na may tubig. Binasa ko ang bimpo, bago piniga at nilagay sa noo ng aking nanay.

"Bibili po ako ng gamot sa 'yo pauwi, 'ma. Matulog ka na lang po muna, gigisingin kita pag-uwi." Napangiti naman ang aking nanay sakin.

"Ang sweet naman ng anak ko," she teased.

Napahalakhak nalang ako.

"Hay nako, Shara. Tigas kasi ng ulo," ganti ko sa pang-aasar nito, kaya tuluyan kaming natawa.

"Oo na, Ashari."

Inayos ko ulit ang bimpo sa noo ng aking nanay bago nagpaalam.

"Aalis na po ako, 'ma. Manghihiram nalang ako ng bisiklita kay Clarbe." Tumango ito.

"Mag-iingat ka, ha."

Tumango akong muli bago lumabas. Nasa mesa na ang nakabalot na cake kaya kinuha ko ito at lumabas, hindi na nag-abalang magbihis.

Kaninang umaga pa ako nakaligo, at hindi naman ako amoy pawis. Simpleng t-shirt lang na plain black, at beige taslan short ang suot ko.

Nagtungo ako kina Clarbe, na hindi naman masiyadong kalayuan galing sa 'min.

"Tao po," sabi ko sa labas nila.

Lumabas do'n si Clarbe na sabog ang mukha, halatang walang ligo.

"Oy, Ash, bakit?"

Unceasingly, Promise (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon