Chapter 27

1.1K 25 7
                                    

Kanina pa ako sumasayaw sa gitna ng dancefloor kaya nang nakaramdam ng pagod ay naupo muna ako. Medyo nahihilo na din ako.

Umorder muli ako ng alak.

Tumingin-tingin ako sa paligid dahil baka nasundan ako ng team mates ko. Oo, tinakasan ko sila. Gusto ko kasi mapag-isa at ayaw ko na silang idamay sa problema ko. Isa pa, susubukan kong maging last na 'tong paglalasing ko at pagkatapos nito'y susubukan ko nang kalimutan lahat.

Nilagay ko muna sa block list ang team mates ko dahil kanina pa sila tawag ng tawag. Seriously, guys? Hndi na ako bata. Tsk.

Sinaid ko ang alak sa baso saka ako umorder ulit ng panibago.

.

THIRD PERSON'S POV

"Miss, gising na po. Magsasarado na po kasi kami." Patuloy sa pag-tapik sa balikat ang waiter sa babaeng naka-subsob sa bar counter.

"Ano 'Tol? Ayaw pa din ba?" Tanong nang isa pang waiter sa kasamahan. Umiling naman ang isa. "Baka may cellphone yan, tawagan mo nalang yung mga kakilala. Tayo malalagot eh."

Agad naman kinuha ng waiter ang cellphone sa tabi ng babae at agad tinawagan ang nasa speed dial.

"Hello?! Ye! Thanks God! Nasaan ka na!?" Agad na sabi nang nasa kabilang linya.

"Uh, Ma'am kasi po, nandito po siya sa Party Place. Lasing na po kasi siya."

"What!? Who's this?"

"Wai--"

"Ugh, fck. Nevermind. Papunta na ako."

Napakamot nalang sa ulo ang waiter habang ibinabalik ang cellphone sa tabi ni Mika.

Pagkaraan ng ilang minuto, dunating na din ang tinawagan ng waiter.

"Nasaan siya?" Bungad agad nito

Iginaya naman siya papunta sa kinaroronan ng babae.

Pinasalamatan niya ang waiter at pinaalis.

"Ye, gumising ka nga. Bakit ka ba nagpunta dito mag-isa?!"

"Hmm."

"Ano ba, Mika? Tumayo ka na diyan, uuwi na tayo."

Ilan minuto pa niya itong ginising at sa wakas ay nag-angat na ito ng ulo.

"Anong ginagawa mo dito, Kim?"

.

Mika's POV

Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Packing tape!

Mariin kong ipinikit ang mata ko dahil parang tinutusok ng libo-libong karayom ang ulo ko.

"Oh, gising ka na pala? Buti naman."

Iminulat ko ang mata ko at tinignan kung sino ang nag-salita, si Cams. Nakita kong nakapalibot sa akin ang apat.

"Anong nangyari?" Tanong ko habang umuupo at hinihilot ang sentido ko.

"Pagkatapos mo kaming takasan, itatanong mo sa amin kung anong nangyari?" Nakataas ang kilay na sabi naman ni Cienne.

"Bakit ka ganyan, Baks? Nang-iiwan ka. Di ba sabi namin, sasamahan ka naman namin. " May halong tanpong sabi ni Carol. Bigla naman akong na-guilty.

"Sorry, Guys. Ayoko lang naman na maistorbo pa kayo. "

"Istorbo? Ye, akala ko ba magbe-bestfriends tayo?" sabi ni Kim

"Oo nga! One for all. All for one Pa nga tayo diba? " pag-sang ayon naman ni Cienne sa sinabi ni Kim

"Nakakatampo, alam mo yun?" Naka-pout na sabi ni Camille

"Sorry talaga, Bullies!"

"Sorry? May magagawa ba ang sorry mo, Baks?" Palatak naman ni Carol. "Hindi kami tumatanggap ng sorry! Alam mo kung ano ang susi para mapatawad ka namin."

"Tsk, alam ko. Alam ko." Umiiling na sabi ko. "Mamaya after training."

"Hala siya! Bangag ka pa nga. Wala tayong training ngayon uy!"

Napatingin naman ako ky Cienne " Huh? Wala ba? Hehe, sorry naman!"

"Waley kasi its sunday!" Wow naka-rhyme si Kim. Yo! Yo my name is Kim Fajardo. I look like a puno but thats just a joke tho! (*Ehem* Ang Sentimyento ni Kim Fajardo)

(ehem ulit, napansin kong madalas sunday dito sa story....K, hanapin niyo na paki niyo. #Ktnxbye)

Tumango lang ako saglit dahil naramdaman ko nanaman sakit ng ulo ko. Hindi na ulit ako iinom. Promise!

"Ano, nagkwe-kwento ka na ba?"

"Gaga ka talaga, Cienne! Pagkwe-kwentuhin mo dito, paano kung narinig nila Ate?"

"Uy, akalain mo may nasabi kang matino, Kim?" Pang-aasar ni Carol kay Kim, inirapan lang naman siya nang huli." At dahil tama si Dora na baka may makarinig dito sa dorm, labas nalang tayo!"

"Plano nanaman, tapos tatakasan nanaman tayo ni Yeye?"

"Gaga, 'di na."sagot ko naman kay Camille

.

"Go na, Baks. Start na." Sabi agad ni Carol pagkaupo namin sa sofa dito sa Starbucks.

"Excited 'teh? Pwedeng uminom muna?" Sagot ko sabay higop sa Coffee Jelly ko.

Pagkatapos ng ilang sandali, nag-umpisa na ako.

"Kasi, Guys--wala na kami ni Vic."

"ANOOO?!" Sabay-sabay na hiyaw nila. Sinenyasan ko naman silang manahimik dahil pinagtinginan kami sa lakas ng hiyaw nilang apat.

"Oo, wala na kami."

"Bakit...bakit?" Tila naguguluhang tanong ni Camille.

"Hindi pwede ito, Baks. Ang KaRa ko. Omy. Ako ang president, tapos ni hndi ko naramdaman."

"Anong nangyari?" Tanong naman ni Cienne. "Kaya pala ang gloomy ng aura mo nitong nakaraan."

Sasabihin ko b yun totoo? Kaso ayoko magalit sila kay Vic. Diba yun nga yung reason kung bakit ngayon ko lang nasabi. Bahala na.

"Ewan. Hindi ko alam. Hindi na nagwo-work eh." Nakakibit balikat kong sagot kahit naiiyak nanaman ako."Ako yun nakipag-break, wala siyang kasalanan, Bullies."

Ganito ba talaga 'pag mahal mo ang isang tao? Nasaktan ka man niya ng sobra pero kapakanan niya pa din ang iniisip mo?

Walang nagsa-salita sa amin. Sila, siguro, hndi pa nag-sink-in sa kanilang wala na kami ni Vic. Ako, tahimik kasi pakiramdam ko isang buka ko lang ng bibig ko, tutulo ang luha ko.

"Guys, restroom lang ako." Paalam ko.

Tumango lang naman sila.

Agad-agad akong pumasok sa isang cubicle at inilabas ang kanina ko pang pinipigil na luha.

Mahirap magpanggap sa harap ng ibang tao na okay ka lang kahit na ang totoo sobrang sakit ng nararamdaman mo.

Pagtapos ng ilang minuto, lumabas na ako.

Napatigil ako sa pagbalik sa table namin ng makita ko kung sino yung kausap ng bullies.

Tin.

--

Mema lang. Mema update lang. Sorry na!

Guys, basahin niyo naman at pa-add sa library niyo yun About Us ko. Doon ko na ilalagay lahat ng gagawin kong one-shot stories! :)

Tara Usap tayo, tanungin niyo ako,
Twitter/IG: @didyeybi
Ask.Fm: @iamshops

Sweetest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon