Mika
Nagising ako nang masakit ang ulo. Shcks, ano bang nangyari?
Inikot ko ang paningin ko sa kung nasaan ako dahil paniguradong hndi namin bahay 'to. Saka ko lang napag-tanto, nasa hospital pala ako nang makita kong may naka-kabit sa aking dextrose.
Napalingon naman ako sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok si Camille at Kim.
"Ye! Gising ka na?!" Natatarantang hiyaw ni Camille. "Kim tawagin mo yun doctor bilis
Agad naman tumalima si kim palabas at lumapit naman sa akin si Camille.
"kamusta ka na? Thanks, God! Nagising ka na. Almost two days ka nang tulog diyan. Anong nararamdaman mo? May masakit ba? Saan?" Aligagang tanong niya. Natawa naman ako ng mahina.
"Ano ka ba, chill. Okay na ako. Salamat."
Dumating na hyung doctor na kasunod ang isang nurse at si Kim. Okay naman na daw ako. Kailangan lang daw ng pahinga.
"Ano bang nangyari?" tanong agad ni Cams pagka-alis ng doctor. Habang si Kim naman nasa sofa lang dto sa room at nagce-cellphone. Hindi niya ako pinapansin. Pero okay lang yun, atleast nandito siya.
"I don't know. Ang huli ko lang naalala na-lock ako sa isang vacant room then may dumating. Yun lang naalala ko." sabi ko habang umiiling."Teka, sino nga pala yun nakakita sa akin?" Bigla kong tanong. "Uh si....V-Vic ba?"
KAsi siya yun tinawagan ko di'ba?
"Uhm.." Nag-aalangan niyang sagot sabay tingin kay Kim na nakatingin din sa amin."No. Actually kami talaga yun." Sabay turo niya kay Kim.
"What?" Gulat na tanong ko." Uh, How come na kayo 'yun at hindi siya? *clears throat* I mean, siya yun naalala kong tinawagan ko."
"Kasi ganito yun..." Napatingin uli ako kay Kim nun nag-salita siya.
.
Kim's POV
Almost one week nang hindi umuwi si Mika dito sa dorm. And I admit, nakaka-miss din siya. Kahit naman na medyo galit ako sa kanya, nag-aalala pa din ako sa kanya dahil after all, best friend ko pa din siya.
I heard from camille na uuwi siya dito sa dorm ngayon. In fact, nandito na ulit gamit niya na dinala niya nun umalis siya.
Pero alas-nuebe na nang gabi, wala pa din siya. Nandito ako sa sala sa dorm kasama sila Ara, Tin at si Camille.
May sariling mundo yun dalawa tapos si Camille naman mukhang hindi mapakali at kanina pa sumisilip sa bintana ng dorm. Baka hinihintay din si Yeye, anong oras na din kasi tapos ang lakas pa ng ulan.
Ilang sandali pa, umakyat na din yun dalawa kaya kami nalang naiwan ni Camille naiwan dito. Napalingon naman ako sa inuupuan nun dalawa kanina ng biglang may tumunog na phone na doon nang-galing. Naiwan pala ni Vic phone niya dito.
" Hel--" Naputol ang pam-bungad ko nang biglang nag-salita yun nasa kabilang linya.
" T-tu-tulong..." Umiiyak na sabi pa. Teka...Boses ni Mika 'to a!
" MIKA?! " natatarantang hiyaw ko. NApalingon naman sa akin si Camille at agad na lumapit sa akin.
" t-tulong... "
" NASAAN KA?! YE?! NASAAN KA! " Hiyaw ko pa din.
" Vacant room sa Andre---"
*toot toot toot*
"Shit!" Napamura ako nang biglang namatay ang tawag. Sinubukan kong mag-call back pero cannot be reached na siya. "Shit! Shit!"
Nagka-tinginan kami ni Camille at agad na tumakbo palabas ng dorm na flashlight lang ang bitbit. Sa sobrang pagma-madali, hindi na kami nag-abala pang kumuha ng payong kahit sobrang lakas ng ulan.
pagdating namin sa Andrews, agad na lumapit si Camille sa guard upang hiramin ang mga susi ng rooms habang ako naman e nag-hanap na agad. Hindi nag-tagal ay nakita na namin kung nasaan siya.
" MIKA! " Sabay naming hiyaw ni Camille nung nakita namin si Mikang nasa isang sulok at nanginginig.
" T-tulong.... " sabi pa niya saka tuluyang bumagsak.
" Ye!!" Napatakbo na kami palapit sa kaniya."
-end of Kim's POV-
Mika
"So ayun, isinugod ka na namin dito sa hospital. At dalawang araw ka na ngang hindi gumigising. pangatlong day na dapat ngayon pero thanks God dahil nagising ka na nga."
Tumango-tango naman ako."Thank you so much, Camille and...Kim."
"No problem."Nakangiting sagot ni Camille habang tumango lang si Kim.Kinabukasan, lumabas na din naman ako ng hospital at dumeretso na sa dorm. Dahil plano ko na nga sana bumalik nang dorm nun araw na nang-yari yung pagka-kulong sa isang room.
As usual, hindi pa din ako pinapansin ng team mates ko except kay Camille. Nung tinanong ko siya kung bakit hindi siya galit sa akin katulad ng ibang team mates ko dahil sa 'ginawa ko', kibit-balikat lang naging sagot niya sa akin.
Gabi na at nandito na din halos lahat ng team mates ko dahil mga tapos na ang klase, ako kasi hindi pa pumasok dahil baka daw mabinat ako sabi ni Cams so bukas nalang ako papasok.
"Ye, tara na sa baba. Dinner na daw." Sabi ni Cams na naka-dungaw lang sa pinto ng kwarto namin. Yup, kami na ang roomies. Alam niyo naman.
Tumango at ngumiti naman ako sakanya saka sumunod na pababa. Pero pagdating ko doon, occupied na lahat ng upuan sa dining table dahil yung usual seat ko, si Tin na ang naka-upo.
Nagbi-biruan silang lahat habang kumakain na kaya hindi siguro nila napansin ang pag-dating ko.
"Ye, eto na pagkain mo. Halika sa labas tayo kumain. Mas presko." sabay abot sa akin ni Cams ng isang platong may pagkain at nauna ng lumabas.
Saka lang sila napatingin sa akin pero agad ding bumalik sa pagta-tawanan. Okay, mukha bang tanga kung sasabihin kong masakit yung cold treatment sa akin ng mga taong itinuring ko nang pangalawang pamilya?
"Uh, hi." binati ko nalang sila out of courtesy kahit na hindi na sila naka-tingin sa akin saka agad na sumunod kay camille palabas.
Pag-dating ko sa labas, "Hayaan mo na sila. Malalaman din nila yun totoo. Don't worry."Lito naman akong napalingon sakanya. "What do you mean?"
"Wala. Kumain ka na kako."
-
Hehe, kahapon ko sana 'to i-update kaso nanood kami bigla kaya yun. So eto na siya. Pinutol ko siya kasi medyo humaba na. So gagawin ko nalang na next chapter yun kaputol.
PS. Ang galing ng UE kahapon. Naiyak ako. Huhubels.
At sino mga nasa SJA kahapon nag-hintay sa players katulad ko? Part 2 nang nangyari sa akin sa MOA. Haha