Mika's POV
Okay. Isang linggo na din ang nakakaraan mula nung sa mall. At oo, napapadalas ang paglabas namin ni Jeron nitong mga nakaraang araw. Tinutulungan nya ako para kahit paano makalimutan ko ang problema ko.
Pero lagi ko na din napapansin yung lalaking mukhang goons. Sa totoo lang, masama kutob ko sakanya. Feeling ko ako yung sinusundan nya. Hwag naman sana...pero...kung ako nga yun, ano naman nagawa ko sakanya? O sino naman nag-utos sakanya? Sa pagkakatanda ko naman kasi, wala akong kaaway eh.
" Ye, pasok na ako. " napatingin ako sa nagsalita, si Vic.
Tumango lang ako. Tumalikod na sya at naglakad palayo. Hndi ko alam pero ang sakit sakit tuwing tinitignan ko sya. Kasabay ng pagsara nya ng pinto ang pagtulo luha ko.
Pakiramdam ko yung paglakad nya palayo saakin. Naglakad na din siya paalis sa buhay ko. OA ba? Tss. Hndi lang OA. paranoid pa. Feeeling ko kasi may hndi magandang mangyayari ngayong araw. Ayt.
Sa totoo lang, kumpirmado ko naman na yung kalokohan na ginagawa nya eh. Pero natatakot akong sabihin sakanya kasi baka....iwanan nya ko.Iniisip ko pa lang na iiwan nya ko, di ko na kaya. Paano pag nangyari na?
HINDI KO KAYA. HINDI PA AKO HANDA.
Pero alam ko naman na malapit na.. Darating na yung oras na kaylangan ko syang pakawalan. Pwede bang hwag nalang? Kaya ko naman mag-tiis sa sakit na nararamdaman ko eh. Hwag lang umalis si Vic sa tabi ko. Tanga na kung tanga, pero ganun naman talaga di'ba? Nagmamahal lang ako. Sigh. Hndi ba pwedeng puro saya nalang? Ang hirap kasi eh.
Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Eto lang naman ang pwede kong gawin para gumaan kahit saglit yung pakiramdam ko.
Napatigil ako ng biglang nag-ring yung cellphone ko.
Unknown number.. Sino 'to?
Huminga muna ako ng malalim saka ko sinagot ang tawag.
" Hello...?"
" Be ready. "
" Wh---"
*toot toot*
ANO?
Anong be ready? Be ready for what?!
Sinubukan kong tawagan yung number na yun pero cannot be reached na. Bigla akong kinilabutan.
Naisipan kong mag-gayak nalang na para sa school at hindi na pinansin yung tumawag. Nantri-trip lang siguro yun. Tss.
Actually mamaya pang 1pm ang pasok ko pero naisipan ko nang pumasok ngayon kahit 10 palang. May gagawin kasi ako sa library.
Paglabas ko ng dorm, nagulat ako ng makita kong nakatayo si Jeron sa tapat ng gate.
" Ano ginagawa mo diyan, Je? "
" Naliligo? "
" Tulak lang ng tulak "
Natawa kami pareho.
Lumapit sya saakin at ginulo yung buhok ko. Naglakad na kami papasok ng school. ewan ko kung paano nya nalaman ang oras ng pasok ko ngayon pero hndi ko na tinanong. tss. Choosy pa ba ko?
Kwekwento ko ba sakanya yung tumawag saakin? Hwag nalang kaya. Mandadmay pa ko ng iba, baka nga nantri-trip lang yun.
habagng naglalakad kami at nagkwe-kwentuhan, bgla nyang tinakpan ang mata ko at naramdaman kong pumunta sya sa harap ko.
Pilit kong tinatapik paalis yung kamay nya pero hndi nya inalis.
" Huy, Je. Problema mo? Alisin mo kaya kamay mo diyan. "