Chapter 20

1.8K 35 4
                                    

PS: Walang Vic's POV muna. Siguro meron ibang magkaka-POV pero madalas si Miks lang and again,  wala si Vic. Mga ilang chapters siguro..

Mika's POV

Ilang araw na din nakalipas mula nung gabi na yun. And medyo naging okay na din kami ni Vic. Yung kay Kim, sabi nya subukan ko pa daw at tiisin. Kinausap kami ng team at sinermonan kaming dalawa. Kahit mga incoming rookies nga nakisali eh. And diko na inopen yung about sa pinuntahan nya nun. Baka pag-awayan lang namin, kaya hwag nalang. Nararamdaman ko namang bumabawi na sya eh. And mas inaasikaso nya na ko ngayon. Ganun din ako sakanya.

Andito kami ngayon sa Mall, naglilibot lang habang free kami, mamaya pa kasi yung training. And parang bonding na din namin to.

“ labs. Tara kain na kasi tayo. “ aya ko

“ Ikaw talaga labs. Halika na nga” kanina ko pa kasi sya inaaya. Mamaya ng mamaya. Busog pa daw sya. Pumasok kami sa restaurant na pinaka-malapit sa kinatatayuan namin. Buti walang masyadong tao kasi 2 pm palang. Umorder na si Vic, ako naman naupo na.

Habang kumakain kami,  nagkwekwentuhan lang kami ng kung ano ano. May mapag-usapan lang. Nagbibiruan din kami. Buti nalang malapit na namin parehas maayos mga school works kaya siguro maibabalik namin yung bonding namin dati na halos hndi na mapaghiwalay na nabawasan o nawala nun naging busy kami parehas.

“ Mika? Vic? “ napalingon ako sa nagsalita. Si Tin.

“ Tin! Hi! Tara upo ka! “ bati ko sabay ngiti. Umupo naman sya sa tabi ni Vic.

“ kamusta? “ tanong nya.

“ okay lang naman! You? “ masiglang sagot ko. I'm glad to see her again.No bitterness. Swear.

“ okay lang. So.. Hi Vic? “ sagot naman nya sabay baling kay Vic.

Napatingin ako kay Vic. Oo nga pala. Napansin ko parang di sya nagsasalita nun dumating si Tin at medyo aligaga sya. Nun pag upo palang ni Tin para syang namutla. Anyayare? Hndi yata napansin ni Vic yung pagkausap ni Tin sakanya kaya sinipa ko yung paa nya sa ilalim. Nakakahiya tong Vic na to.

“ a-ah ano yun? “

“ tss. Hi daw! “

Sweetest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon