------------
Chapter 1
Mika's POV
Ako si Mika Aereen Reyes. My family and friends call me Mika/Yeye. 'She' calls me Daks. Well actually tawagan namin yung Daks. NOON. Pero mula nun nakipaghiwalay sya sakin, hndi na. Ang awkward naman kasi diba? Kung ako ang tatanungin? Gusto kong magkabalikan kami. Gustong-gusto. Pag ako niligawan ulit nyan. Agad agad. Yes na! Djk. Syempre pakipot muna. Lols. Pero mukhang ayaw nya na talaga. Ewan ko, pero bitter ako sa pagbe-break namin. As in. Lagi ko sya binabara. Wala na kami naging matino na usapan.
Wanna know kung bakit sya nakipaghiwalay? Kasi daw nakita nya ko kasama si Jeron. Psh. Napakababaw. Ewan ko ba.
" HOY EX-LOVERS!! BABA NA!! KAKAIN NA!! ANO BA GINAGAWA NYO?? MAGKAKABALIKAN NA BA? HAHAHAHAHA " sigaw ni Kim habang kinakalampag yun pinto ng kwarto. Yung totoo? balak sirain?
" Leche ka Kim!!! " Hiyaw ko pabalik
Narinig ko namang tumatawa si Ara.
" Tatawa-tawa wala namang nakakatawa. " bulong ko. Medj malakas ng konti, yung sakto para marinig nya >:)
" Bakit?? Masama na bang tumawa ngayon? "
" Kung sa mga paasang tulad mo? OO! " sabi ko saka ako lumabas ng pinto nang hndi na sya hinihintay makasagot.
Pagbaba ko, nag uumpisa na silang kumain. Di man lang nag-intay. Umupo na ko sa tabi ni Ate Kim kasi may bakante pang dalawang upuan dun. Alam ko namang sinasadya nila kaming pagtabihin ni Ara eh. >O<
" Cienne. Palit tayo " sabi ni Ara pagpasok nya sa Dining area.
Umiling naman si Cienne.
" Mother? " umiling din. Buti nga.
" Kung ayaw mo kumain dito. Dun ka sa sala " sabi ko saka ako sumubo ng tinapay
" Kinakausap ba kita? "
" Basag YE! Hahaha " singit ni Ate Kim. I glared at her.
" Maupo na Ara. " utos ni Ate Mel
Wala namang nagawa si Ara kaya umupo na din sya sa tabi ko. Habang kumakain, binabangga bangga nya yung kamay ko kaya may natatapon na pagkain. Nung una, di ko pinapatulan. Pero nun uminom ako ng tubig bgla nyang sinagi ulit kamay ko.
" Sht Vic! Mamili ka ng oras para sa pangbwi-bwisit mo!! " Tumayo ako at pumasok ng banyo.
Ugh!! Nakakaasar! Ewan ko pero naiiyak ako. Hndi dahil natapunan ako ng tubig kundi dahil sa asar, inis at galit ko sakanya. Sa lahat ng ginawa nya sakin! Sa pananakit at pagpapaasa nya sakin. Sa pagtapon nya sa Almost 2 years naming relasyon. Masakit eh. Hanggang ngayon, masakit pa din. Iniisip ko pa din kung bakit nya kinaya nang ganun lang. Parang wala lang sakanya, tapos ako halos araw-araw nagdudusa. Lecheng pag-ibig na yan!
" Ye? You okay? " Katok ni Cienne
" Of course. Lagi naman akong okay diba? "
Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili ko. Saka ako lumabas nang banyo.
" Aww. Bully. I know you're not okay. " she hugged me. Feeling ko tutulo nanaman luha ko kaya hinila ko sya papasok sa kwarto namin ni Ara. Pagpasok namin. Naiyak nanaman ako.
" Shh. Stop crying ye.. " Pag alo sakin ni Cienne
" Masakit pa din Shenang. "
" Sshh... Di ko sasabihing okay lang yon kasi hndi naman talaga. Pero alam ko kaya mo yan! Ikaw pa? Ikaw si Mika Reyes. "