Sweetest Mistake Chapter
Mika's
March 23. Ambilis talaga ng araw. Haay. Naging maganda naman yun mga nakaraang araw. Champion kami. Finals MVP si Vic. Okay din kami ni Vic, ganun pa din. Sweet pa din. Si Tin naman, napapadalas ang pagpunta dito at lumalala ang pagiging clingy kay Vic. Speaking of Tin, andito ulit sya. Nasa kwarto namin, magkasama sila ni Vic. Kung anung ginagawa nila? Yun ang di ko alam.
“ Ye peram laptop mo saglit “
Napatingin naman ako kay Carol. Bakit nya hinihiram eh may sari-sarili naman kaming laptop? Tss.
“ asan laptop mo? “
“ Nasa classmate ko. May ico-copy silang project eh”
“ Okay. Wait lang kunin ko “ sabi ko saka ako tumayo.
Pagdating ko sa kwarto, naka-lock yung pinto. Ano meron? Bakit naka-lock? Ano bang bonding ang ginagawa ng dalawa na to at kaylangan pang mag-lock ng kwarto? Psh. Kinuha ko yung spare key sa bulsa ko. Buti nalang di ko pa naalis to dito. Dahan-dahan ko binuksan yung pinto. Nakakahiya naman kung bibiglain ko diba?
O____O
“ V-Vic? “ Bgla syang napaharap sakin at namutla.
“ Y-Ye. Mal-I yung na-nakita mo. I can explain. Please. “ sabi nya habang pilit inaabot yung kamay ko pero medj itinaas ko. Tumingin ako kay Tin, naka-smirk sya. FUCK!!!!! Gusto ko syang sampalin! Gusto ko silang sampalin! Why are they kissing?! Dito pa sa kwarto namin?! Hell! Gusto kong sumabog. Ang sakit nun nakita ko para akong dinudurog sa sakit! Ngumiti ako ng mapakla sakatinignan si Vic.
“ I'm Sorry to interrupt you Guys. Kukunin ko lang sana yung laptop ko. Di ko naman alam na may KABABALAGHAN na palang nangyayari dito. “ I said those words as cold as I can. Para magmukhang wala lang sakin kahit ang totoo gusting-gusto kong magwala. pumunta ako sa bedside table kung saan nakatayo si Tin. Binangga ko sya kaya medj napaurong sya ng konti. Alam kong nakatingin lang samin si Vic.
“ Ouch! “
“ Ay! Andyan ka pala? Sorry ha? Di kita nakita.wala akong suot na contacts eh. “ I said sarcastically
Hinablot ko yung laptop. Wala akong paki kahit masira yung wire ng charger. Palabas na sana ako ng kwarto ng hawakan ni Vic ang kamay ko.