Chapter 33

1.2K 37 19
                                    

Mika

*Bang!*

"Mikaaa!"

Was the last thing I heard before everything went black.

.

Ara

Nakatingin lang ako kay Camille na kanina pa umiiyak sa harap naming apat ni Kim, Carol at Cienne. Umiiyak lang siyang dumating kanina habang nanonood kaming apat ng T.V. at hndi nagsasalita.

Nasa Family Mart ang ibang team mates namin.

"Kambal, anong nangyayari?"

"May umaway ba sa'yo, Baks? Bakit ka umiiyak?"

"Resbakan ko na ba?" Sabi naman ng war freak na negra sabay angat pa ng manggas ng tshirt niya.

Nabatukan tuliy ni Carol kaya nag-umpisa na naman silang mag-bully-han.

"G-gu-guys..." Nag-salita din, at last! "S-si Mika..."

Napatigil yung dalawang nagwre-wrestling na pati na din si Cienne sa paghagod sa likod ni Cams at pati na din ako.

"Bakit siya?" Tanong agad ni Kim.

"Bullies. Bullies may kumuha s-sa kanya. I'm sorry. I'm sorry, wala akong nagawa. " saka naman siya humagulgol uli.

Bigla naman akong kinabahan sa narinig ko. Nakita kong ganun din yung tatlo.

"Anong...anong ibig mong sabihing may kumuha sa kanya?" Si Carol ang unang nakabawi.

"Nasa kami sa MOA kanina dahil may binili kami. Tapos naglakad-lakad at nagkuwentuhan kami sa Seaside Boulevard. Tapos...tapos biglang may lumapit sa amin at kumuha sa kanya.. I'm sorry."

"Oh gosh, no."

"B-baks."

"Ye..."

Sabay-sabay na sabi ng mga kasama ko.

"Pupunta ako ng Police Station!" Sabi ni Kim.

"Tatawagin ko ang team."

Agad namang lumabas si Carol at Kim

"Si-sinong kumuha sa kanya?" Nag-aalalang tanong ko.

Pero imbes na sagutin ng tnong ko, tinignan niya lang ako ng masama. "You know what, Vic? Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to e!"

"Camille!"

"Bakit ako?" Gulat na tanong ko.

"Nang dahil sayo, nangyayari ang lahat ng 'to kay Yeye. Mula nang balikan mo 'yang Tin na 'yan, nangyari na lahat ng 'to! Bulag ka ba? Manhid ka ba? Tanga ka ba? Hindi mo ba nakikita? Hindi mo ba napansin?!" Galit na hiyaw niya sa akin.

"Anong s-sinasabi mo?"

"Lahat nang nangyari kay Yeye, kagagawan lahat ng Tin na 'yan! Yung sa restaurant? Yung pananampal? Yung ngayon? Si Tin may kasalanan niyan!" Umiling siya habang nakayuko saka tumingin uli sa akin. "Tangina! Ang laki mong gago, Ara! Lagi mo nalang sinasaktan si Yeye na wala naman ibang ginawa kundi mahalin ka. You're not even worth her love, you know?"

Napapikit ako ng mariin. Masakit yung huling sinabi niya pero wala akong magawa kasi totoo naman. Pero yung sabihin niyang si Tin may kasalanan lahat, hindi naman yata tama.

"Huwag mong idamay si Tin dito, wala siyang kasalanan kaya huwag mo siyang pagbintangan."

Sarkastiko naman siyang natawa. "Hah! Oo nga naman, bakit ko nga ba naman idinadamay 'yang anghel na Tin na 'yan? Of course, wala siyang kasalanan." Saka siya nag-ikot ng mata. "Tangina."

Sweetest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon