Chapter 29

845 29 12
                                    



Mika's POV

*After One week*

5:39 pm. Andito na ako sa isang Coffee shop.. Nakikipag-kita sa akin si Tin ngayon. Isa lang naman ang reason na obviously e si Vic.  Pagkatapos nun nangyari last week lalong nagalit sa akin si Vic. Pero wala na akong pakielam kasi gaya nga ng sabi ko nung gabing yun, suko na ako.


Nakita ko sya sa may bandang dulo. yung walang masyadong nakaupo. Habang naglalakad ako papunta sa table kung nasan si Tin, may nadaanan akong babae o lalaki? Well...short haired eh. Pero mukha namang pambabae yung damit nya at shape ng katawan nya, so babae nga siguro. Nun pagtapat ko sakanya, bglang yumuko at itinakip nya yun newspaper na hawak nya sa ulo nya. Okay, now that's weird.





" Hello Mika. It's so nice to see you again. "



" Nice my ass! Alam mo kung bakit tayo nandito, right? "



" Of course. About MY Vic. " inemphasize pa nya talaga yung My Vic? Eh kung hinampas ko to ng upuan?! Kapal ng mukha eh. Mabigyan nga ng liha talaga to!




" Hah! My Vic, Tin. In case you forgot. You're just an ex trying to steal MY Vic again, for the second time, eh? Ipinagpipilitan mo pa kasi sarili mo sa taong may mahal ng iba. "



" Oh bullshit, Yeye! Nauna naging sakin si Vic! At in case you forgot too, break na kayo ni Vic. Ako na ngayon." naka-ngising sagot nya. Break na nga pala kami.


" Oo nga pala. Break na kami kasi nga nadala sa panlalandi mo. " bawi ko




" excuse me?! " Namula naman sya. Nag-pause naman sya saka bglang tumikhim. " Masyado tayong nakakakuha ng atensyon dito. uminom ka muna. Nag-order ako ng Coffee para sayo. favorite mo yan, espresso, right? "



Paano naman nalaman nito gusto kong kape?! Stalker ba to? Psh!!


Nun kukunin ko na yung kape, nakita kong ngumiti sya habang nakatingin sa kape. Evil Smile. Bgla ako kinabahan. Ano meron sa kape? Paranoid na kung paranoid pero kaylangan ko mag-ingat.



" uhm. Tin, Baka gusto mo tikman muna. Masarap yan. " bgla naman syang napatingin sakin at parang nagulat.




" A-ah no. no. para sayo yan. I ordered it for you. And isa pa, hndi ako umiinom ng espresso. hndi ako mahilig sa kape. "



" No! I insist. Magugustuhan mo to, promise. " inilapit ko sakanya yung kape. Pero ibinalik nya sakin.



" No! No. Ayoko! " sabi nya habang itinulak pabalik sakin yung kape pero hinawakan ko agad para maibalik sakanya. Kaya parang nagtutulakan kami sa kape.



" Inumin mo! " Medj pahiyaw na sabi ko. Naaasar na ko.



" No! Yeye! Please! Anong balak mo? Ayoko inumin yang kape na pinapainom mo! Alam kong may lason yan. nakita kong nilagyan mo kanina! Kung gusto mo talaga si Vic.. kakausapin ko sya. But please...don't. " naiiyak  na sabi nya. Ano bang pinagsasabi ng babaeng to? baliw ba sya? Eh sya nga tong nagpapainom sakin ng kape na to! Lason! Nilagyan nya nga!




" Wh--"



" Yeye! Anong ginagawa mo!? "


O___O



Yung boses na yun!!



" Ate Mel? "


Tumingin ako sa likod ko at nakita ko yung teammates ko na nanlalaki ang mga mata.




" a-ah. ma-mali yung pagkakaintindi nyo. "




" what the heck Mika?! ganyan ka ba ka-desperada!? " Vic. Ako? Desperada?! Hell no!




" NO!!! Si Tin! Si Tin ang nag--"



" So sinasabi mong mali yung narinig at nakita namin?! " hiyaw ulit nya.




" V-vic... Si yeye. Sinampal nya pa ko kanina. " si Tin saka bglang lumapit kay Vic at yumakap na parang takot. Ang galing nya! Punyeta lang! Sinampal? Ni hndi ko nga sya nahawakan!




" Mika. " Seryosong sabi ni Ate Wensh. Nakatingin lang ako sakanila. yung tingin nila. Halatang galit sila. Anong ginawa ko?! " Alam kong sinabi naming ipaglaban mo si Vic kung talagang mahal mo sya. Pero hndi sa ganitong paraan. "



" At--"



" Malaking kasalanan kay God ang magtangka sa buhay ng tao Ye. Alam mo yun diba?! " -- Ate Mich




" hndi ko akalain na magagawa mo to yeye. " umiiling na sabi ni Ate Den.




" Hwag na sanang maulit to. " sbi ni ate Abi saka sila tumalikod na at umalis. naiwan ako mag-isa dito. Isa-isang tumulo mga luha ko. fuck!! bakit ayaw nila maniwala sakin? Kay tin pa sila naniwala!? At ano ba problema ng lintek na babae na yun?! 




Dali-dali akong umalis sa shop na yun. Hndi ko laam kung san ako pupunta. Namalayan ko nalang na nakarating pala ako dito sa park malapit sa Dorm.




Pagkaupo ko sa bench sa park. Bumuhos nanaman luha ko.


 Ngayon, galit na silang lahat sakin. Wala naman akong ginawa! Sabihin nyo nga sakin! Ano bang ginawa ko?! Lason? Sabi ko na nga ba! May lason yun! May balak pa syang patayin ako!? Para masolo si Vic? Kung oo, aba! Kahit mahal na mahal ko si Vic, Mahal ko din ang buhay ko! Kanya na si Vic!




Ganun ba ko kasama para parusahan ng ganito?! Oo, bully ako. At marami din akong kasalanan! hndi ako perfect! Nagkakamali din ako. Pero yung ganitong parusa? Talikuran ako ng mga taong akala ko sasamahan ako sa oras na ganito? Parang hndi naman tama yun!



Unfair. Unfair kasi bakit si Tin, sya ang may kasalanan pero ako naparusahan? Ano ako taga-salo? hndi ako baseball player!



Humagulgol na ako. Naasar ako! Bakit ba ayaw nila maniwala sakin? Damn you, Tin! Panalo ka ngayon, pero hndi habang buhay andyan ka taas at nandito ako sa baba. Bilog ang buhay.



" Bakit ba tuwing nakikita kita dito, lagi ka nalang umiiyak? " nagulat ako. napatingijn ako sa nagsalita.




" Jeron? "




" Oh. " sabi nya sabay abot ng panyo. kinuha ko naman at agad pinunasan yung luha at uhog ko. Okay, ampanget ng term.



" Thanks. " sabi ko saka pilit na ngumiti.




" Ano problema ngayon? Vic ulit? "



" Mas malala. "




" huh? " takang tanong nya habang nakakunot noo nya.



Kinuwento ko naman sakanya yung nangyari. Lahat.




" What? nagawa nya yun? " tumango lang ako. " Man, ang galing nya ha? Artista ba yun? "




" you kidding me, Je? Eh mas maganda pa ko dun! "




" woah! nililipad ako! " sabi nya habang kunwari nililipad nga sya.baliw amp. Napangiti naman ako. " See, napangiti kita! Galing ko talaga! "




" Kapal! Gusto mo ng liha? Pero tiran mo si tin ha? mas kaylangan nya yun. " naka-ngising sabi ko.




" ikaw talaga.. " nakangiting sabi nya.




" Hmm. teng? "




" Why, Reyes? "



" ganun ba talaga yun? minsan kahit ikaw na yung nasa tama, ikaw pa yung lumalabas na masama? "




" may mga tao lang talaga na hndi marunong makinig sa paliwanag. Mga naniniwala lang sa nakikita nila na hndi naman talaga alam yung tunay na istorya "



" bakit ba ganun sila? unfair. paano naman yung mga nagsasabi ng totoo?  "



" Hayaan mo nalang.. Balang araw malalaman din nila ang totoo. Pero tandaan mo, kahit talikuran ka ng buong mundo, ako andito pa din para sayo. " Bakit ba hndi ko mas naunang nakilala tong si Jeron, kung sya kaya mas nauna kong nakilala, mamahalin ko din kaya sya katulad ng pagmamahal ko kay Vic?

Medyo napatagal at lumalim kwentuhan namin kaya di namin namalayan late na pala. kaya nag-decide na kaming umuwi.

Hinatid naman nya ako sa dorm. kay Jeron, nakahanap ako ng kakampi. Buti pa sya, naniniwala sakin. instant bestfriend. Nagtataka ako, ganun ba kalaki ang La Salle, para hndi masyadong mag-krus ang landas namin? At saka ko lang sya nakikita sa mga times na kaylangan ko ng kausap? kayo ba hndi kayo nagtataka?




" Ah. Thanks sa paghatid, Je. "




" No biggies. So...goodnight? "




" Yeah. Goodnight. See yah tomsy! " kumakaway na sabi ko. Pagkaalis nya, saka lang ako pumasok sa loob. Sabi nya kasi, para may kasabay daw ako mag-lunch, sasamahan nya daw ako. Ang bait nya.





Pagpasok ko ng dorm, andun sila sa sala, pati si sandpaper. Okay, si Tin. nagtatawanan sila, pero nun nakita nila akong pumasok, bgla silang tumigil. Na-feel ko ang tension samin..



" hi Guys. Good evening at goodnight. " bati ko sakanila ng nakangiti. Saka ako dumiretso sa hagdan. Hndi sila sumagot. Wala ni isa. Alam ko naman na galit sila sakin eh.


Nun nasa kalagitnaan na ko ng hagdan, bgla nagsalita si kim.



" Ah, Mika, dun ka muna sa kwarto namin matutulog. " nagtataka naman akong tumingin sakanila.




" Dito matutulog si Tin. " cold na sabi ni Vic ng hindi nakatingin sakin. napatingin ako kay Tin, nakita ko namn ang ngiting tagumpay sa labi nya. Damn you.




Matagal bago ako nakasagot. Sa nangyayari para akong hndi belong dito. yumuko ako saka nagsalita, namumuo na luha ko at ayokong makita nila yun. " Okay. Hndi naman ako dito matutulog eh. Uuwi ako sa Recto. Kukunin ko lang mga gamit ko. " Pride. Saka ako tuluyang umakyat sa taas.




Kinuha ko bagpack ko, saka kumuha ng pamalit ko lang para sa tatlong araw. Aba! hndi ako aalis dito sa dorm. Magpapalamig lang ako. Oo, wala akong kasalanan, pero parang feeling ko kaylangan ko muna gawin to.



Dalawang bag nadala ko. Ano ba yan, parang konti lang naman kinuha ko kanina, bakit andami na ngayon! May dala pa akong paper bag, kasi yung mga sapatos na gagamitin ko.



pagkababa ko, nagkwewentuhan na ulit sila.




" Alis na po ko mga ate, bullies. " paalam ko. wala ulit sumagot. tumingin lang sakin si At Mok saka tumango. at nagpatuloy na ulit sila.




" ah Ye, hatid kita. " bglang sabi ni cams. Nagulat man ako dahil sa sinabi nya dahil diba, galit sila? Tumango nalang ako at ngumiti.



Tahimik lang kaming naglalakad. Parang may gusto syang sabihin pero hndi nya masabi. Hanggang makarating kami sa kanto. habang naghihintay kami ng taxi, bgla syang nagsalita.



" Ye..."




' hmm? "



" pagpasensyahan mo nalang sila ha? "




" Wala naman sakin yun eh. " sabi ko saka ako tumingala para mapigilan luha ko.




" kaylangan mo bang umalis? "



" Siguro. Ewan.. para na din sa ikabubuti ng lahat. "





" babalik ka naman diba? "




" oo naman no. 3 days lang ako dun. Para lang mabawasan kahit paano galit nila." tahimik ulit kami. nang may dumating na na taxi.





" Be strong Yeye. Always remember that I'm here for you. kakampi mo ako. Call me pag may kaylangan ka, okay?" naiiyak na sabi nya. Tumulo na din luha ko na kanina ko pa pinigilan..




" thank you camille. thankyou. " yinakap ko sya at niyakap naman nya ako pabalik. " Oh paano, alis na ko ha? Ingat kayo. "




" Tss. inisip mo pa kami. Ikaw ang mag-ingat. batsa ha? Tawagan mo lang ako. "




" Ano ba yan! parang hndi tayo magka-classmate bukas ah! "



" oo nga pla. "





" Oh sige. Alis ka na. Shoo. ingat ka!! tawagan mo ko pag nakarating ka na dun. Okay? hihintayin ko! " sabi nya habang tinutulak tulak ako papasok ng taxi.





" aye aye! Bye! thanks! "


--

Hehehehe. Sorry.

PS. Ang sakit ng pagkatalo nila kahapon, andoon na e. Nabitawan pa. Pero okay lang yun, Guys! MANALO MATALO LA SALLE PA DIN TAYO! AN1MO!

Sa mga nag-team Arena, kamusta ang pakikipag-siksikan niyo kahapon? Ako, pak. Ang fresh ko bago pumila, pag-pasok ko sa loob nag-mukha at nag-amoy mandirigma na ako. Hahahaha. Chos.


Sweetest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon