Chapter 28

1.2K 30 7
                                    

Anong ginagawa niya dito?

Hindi ko alam kung babalik pa ba ako sa table namin o hndi. Kasi hindi pa ako handang makita siya, sila. Kasi baka maitapon ko lang iniinom ko sa kanya.

Pero huli napag-pasyahan ko nalang na bumalik sa table namin. Inaya ko nalang kunwari ag bullies na umalis na. Selfish na kung selfish pero ayaw ko nang maka-close pa niya ang mga kaibigan ko. I mean, na sa kanya na si Vic. Pati ba naman mga kaibigan ko?

"Bullies, tara na." Aya ko sa bullies nang makalapit ako at kunwaring hindi napansin si Tin. "Gala tayo."

"Oh, hi Mika!" Asdfgh!! Ang kapal din namang batiin pa ako.

Inirapan ko lang siya at nauna na akong lumabas. Nangigigil ako eh.

Narinig ko namang nag-sorry pa sila kay Tin bago sumunod sa akin. At ang gaga, nagpa-aawa pa! Psh.

"Ye, bakit mo naman ginanun yun tao?" Agad na tanong ni Kim. Wth? Tao pala yun? Infairness ha, hindi ko nahalata.

"Oo nga, Baks. Binati ka lang naman nun tao."

"Dapat nag-hi ka man lang pabalik
"

Sunod sunod na sabi nilang tatlo. Tumingin ako kay Cams at hinintay ang sasabihin niya pero hindi siya nagsalita at nagkibit balikat lang sabay ngumiti ng parang 'tama-lang-yun-ginawa-mo' look. Di ko sure.

Hindi nalang ako sumagot at naglakad na papunta sa sasakyan ko.

Habang nasa daan, patuloy pa din nila akong sinasabihan. Ugh.

"Bullies, ano ba. Tigilan niyo na nga si Yeye, hindi nakakatulong." (Parang) Pikon na sita ni Cams sa tatlo.

Nag-mouth naman ako ng 'thank you' sakanya na nasa passengers seat. Ngumiti lang siya.

Mukha namang natauhan yung tatlo kaya nagsi-tigil na. Buti naman..

.

Napag-pasyahan naming huwag nalang pumunta sa mall, sa halip, nag-punta nalang kami sa bahay namin sa Recto at mag-movie marathon.

"Isa kang tunay na hokage, Dora! Hndi pa nag-umpisa yung movie, paubos mo na yang chips?"

"Walang makakapigil sa akin! Ako ang pabebreezy girl."

Pabe--whut?

"Huh?" Litong tanong ko. Saka ko siya nilingon.

"Pabebe plus breezy, Pabebreezy girl."

-_______->> itsura naming apat. Buset na Kimy, ang corny!

"Whatever, loser." Ikot matang sabi ni Cienne sa jowa niya.

Nag-ayos na kami at namili ng panonoorin.

"One More Chance?" Naka-kunot noong tanong ko. My goodness! "Really now? Guys, sobrang gasgas na niyan. Tsaka may mga pinagda-daanan ba kayo?"

Nagtinginan sila pagkatapos ay nagsalita si Cienne."Kami, wala. Ikaw, meron."

"Ugh, iba nalang. " Saka nagtingin ng pwedeng panoorin." Eto nalang."

Plinay ko yung movie na Begin Again. Wala naman nagreklamo dahil nandoon si Adam Levine. ❤

--

"True or false?" Tanong ni Cienne kay Carol.

Hndi ko alam kung bakit bgla kaming nauwi sa spin the bottle na laro mula sa panonood.

"Kahit naman anong piliin paniguradong kawawa lang ang beauty ko e. Truelaloo nalang. Para hndi ako mapagod...physically." sabi niya sabay flip ng buhok.

Sweetest MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon