Mika's POV
Hayy.. Ang sama ng pakiramdam ko para akong lalagnatin. Katatapos lang ng klase namin. nagpunta sila sa mall. Yung mga teammates ko na gaya ko eh wala ng klase. Syempre hndi ako sumama, ayoko naman ipagpilitan sarili ko sakanila.
Inaantok ako at nagugutom. kayalang tinatamad ako pumunta ng cafeteria. mamaya nalang siguro, kaya pa naman tiisin tong gutom ko. Minsan lang naman 'to. well medyo napapadalas nga ang pag-skip ko sa meal. Pero okay na yun, para na din akong nagdi-diet nito.
Luminga-linga ako at naghanap ng pwedeng tulugan saglit. Duh. Wala kaya ako pupuntahan dito. hndi naman ako pwede sa dorm. Evicted kaya ako dun!
Nahagip ng mata ko yung Andrews (Br Andrew Gonzalez Hall). Dun nalang, ang alam ko may isang bakanteng room doon. Tsaka doon, hndi gaanong maingay kasi hndi puntahan ng mga estudyante. kaya panigurado walang istorbo.
Tinignan ko ang oras, 5:03pm palang naman. 6pm pa ang training namin kasi yun ang oras ng dismissal ng iba. 30 minutes nap lang naman.
*booogsh!*
Nagising ako ng bglang may kumalampag. Ang dilim. Fuck. May phobia pa naman ako sa madilim na kwarto.. Naririnig kong umuulan ng malakas sa labas.
Natayo sana ako pero napaupo ulit ako kasi nahilo ako. Shit. Natuloy yata lagnat ko. Not now, please.
Kinuha ko ang cellphone ko. Crap. lowbatt na ako. 4% remaining. Tinignan ko ang oras. WHAT?! 9:12pm na?! Kaya pala madilim na! Sinubukan ko ulit tumayo at nakaya ko naman. Ginamit ko ang cellphone ko na pang-ilaw para makarating sa pinto. Kinapa ko ang switch ng ilaw, pero ayaw magsindi. Shit. Pundido pa.inilawan ko nalang yung pinto at hinanap ang doorknob. Nun bubuksan ko na. Aish! naka-lock sa labas! Bakit ba ang malas ng araw na to!??!
Naalala ko nun last na nakulong ako sa ganito, si Vic ang kasama ko. Psh! Bakit ko ba sya naalala?!
Nagsi-simula na akong matakot. At manginig sa lamig dito.. Nagbabanta na ding tumulo ang luha ko.
" Help! tulong! "
" May tao dito! "
" Palabasin nyo ko please! " sunod sunod na hiyaw ko
" Tulong!! Natatakot ako" bglang humina ang boses ko at tuluyan na akong naiyak.
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at tumalungko saka umiyak. Shit alam ko na!!
Tinignan ko ang cellphone ko, pero nalala ko, nabura nga pala lahat nang laman ng cellphone ko kaninang umaga at hndi ko alam kung abkit! Hanggang contacts at messages, nabura. Isa lang ang memorize kong number. Pero nahihiya ako. Alam kong hndi nya sasagutin. pero..kaylangan kong subukan kasi sya lang ang pag-asa ko para makalabas dito.
Di-nial ko ang number ni Vic pero hndi nya sinasagot, makaka-sampung tawag na ko pero wala pa din. last na try ko na 'to, dahil mamamatay na ang cellphone ko. Pati yata ako.
Naka-apat na ring na ng may sumagot.
" Hel--"
' T-tu-tulong' umiiyak at nanghihina ko nang sabi. Feeling ko anytime babagsak na ko dito. Hndi ko na kayang labanan yung takot ko dahil sumasabay na yung kulog at kidlat.
" MIKA?! "
" t-tulong... " sabi ko pa din
" NASAAN KA?! YE?! NASAAN KA! "
" Vacant room sa Andre---"
*toot toot toot*
Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko kasi namatay na yung cellphone ko. Lowbatt na.
Gusto nang bumagsak ng katawan pero hndi pwede. Hindi pa pwede.
" T-tu-tulungan n-nyo ako! " pilit ko pa ding hiyaw kahit hinang-hina na ko
Tumalungko lang ako ulit at umiyak. God, help me! Hindi ko na po kaya. Takot na takot na ko.
May nangyari kasi noon kaya nagkaroon ako ng takot sa madilim na kwarto.
Tumitindi ang sakit ng ulo ko dahil na din siguro sa stress, gutom, pagod, lagnat at takot.
" MIKA! " nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at may pumasok na may dalang flashlight at basang basa.
" T-tulong.... " usal ko saka ako tuluyang bumagsak.
" Ye!!"
---
'Yan! Dahil masipag ako ngayon at kahapon, nag-update ako. Bitin nga lang ngayon.... *evil laugh* Chos.
So...si Vic na nga ba ang dumating para iligtas ang 'Damsel in Distress'? Hahaha. Charot.