Prologue~
Vic's POV
Whoever said love was easy?
Meron ba? Kung meron iharap mo sakin! Madali! Nang mahampas sa ulo ng 2x2, apat na tao ang papalo para intense! XD
Pero seriously, hndi talaga madali. Dadating at dadating ang pagsubok sa ayaw man at sa gusto natin, di mawawala yan. Depende nalang kung paano to iha-handle. Kaylangan ng tiwala at Maaaring may mga hahadlang. Baka nga maging You and Me against the world pa ang peg kung nagkataon. But you just have to hold on, no matter how tough the situation is. Laban kung laban, hanggang kaya pa kasi magiging worth it yan sa huli. Pero kung mapaghiwalay man kayo ng sitwasyon, kung talagang mahal nyo ang isa't isa, hahanap at hahanap nang paraan ang tadhana para magtagpo kayo uli. Maybe it will take weeks, months or even years. Pero kung mahal nyo talaga ang isa't isa, bakit mo pa hihintayin si tadhana? Magkusa na! Hwag shunga! Mura lang pamasahe haha Lols
Ganyan nangyari sakin eh, ang masaklap hndi ko pinagkatiwalaan, kaya nganga ako ngayon. Well, that happens mga 4 months palang naman. Oo, bago pa talaga. Pero feeling ko years na :((( Araw-araw ko sya nakikita. Actually magkasama kami sa dorm. Worst? Roommate ko sya -__- Pero okay lang atleast hanggang sa pagtulog kasama ko sya haha :)) Kayalang pag nagmumuni muni ako sa kwarto, bglang magfla-flashback lahat. As in lahat ng memories namin >o< Happy and sad memories.. Napapiyak at napapngiti ako at the same time, weird right? Hay. Ewan ko ba, ako naman may kasalanan nito eh. Desisyon namin to. No, scratch that. Ako talaga ang nagdesisyon nito. Pero can you blame me? Kung wala na nangyayaring maganda samin, puro away nalang. Masisisi mo ba ako kung pinakawalan ko sya? Ayoko na sya masaktan. Pero parang mali ang desisyon ko kasi sa tingin ko mas lalo syang nasaktan pati ako :((
At sa pagkakahiga ko ngayon, iniisip ko kung dapat ba ako manghingi ng second chance o hayaan nalang at magmove-on na?
------------