Pagdating namin sa hospital, naabutan namin si Ate Aby na nakaupo sa harap ng ICU habang umiiyak.
"Aby! W-What happened?" Agad na tanong ni Ate Mel. "Kamusta si Yeye?"
"I'm sorry, Ate. Sorry, Ara. Sorry, Guys. Kasalanan kong lahat 'to. I'm sorry." Umiiyak na sabi niya.
"Ate naman, ano ba? Huwag mong sisihin sarili mo." Sabi ni Carol habang hinahagod ang likod niya.
Umiling-iling lang siya nang nakayuko habang pinupunasan yung luha niyang tuloy lang naman sa pag-bagsak. "Mapatawad niyo sana ako, Guys. Sorry."
"Ano b--"
"Kasabwat ako!"
Agad kaming napatinging lahat sa kanya. Mga hindi makapaniwala.
"A-ano--paano?" Gulat na tanong ni Ate Mich.
Habang sinasabi niya ang dahilan niya. Hindi ko naman maiwasang magalit sakanya.
"Tangina? Sorry, pero sobrang gago ng ginawa mo, Ate! Dahil lang sa inggit, nagawa mo 'yun? Na umabot sa gan'to? Hindi mo man lang inisip kahit yung mga pinag-samahan niyo na lang ni Yeye!" Galit na hiyaw ko.
"Coming from you, Vic ha? Lakas mo din e!" Sarcastic na sabi ni Camille. "Ikaw ba, naisip mo mga pinag-samahan niyo? Hindi ba't isa ka din sa dahilan kung bakit nandito si Yeye? Hindi ba't lahat kayo?! Tangina, hinayaan niyong magjng gan'to sitwasyon bago niyo paniwalaan si Yeye! Ngayong nasa critical condition siya, saka niyo ilalabas 'yang so-called concern niyo para sa kanya? E nung kinailangan niya ba kayo noon? Nasaan kayo? Nasa side nila Tin kayo, 'di ba? Ha--"
"Camille, ano ba!" Pag-awat sa kanya ni Cienne. "Hindi ngayon yung right time para ungkatin 'yan!"
Patuloy na silang nag-sagutan samantalang ako naman, nanlulumong napaupo nalang sa sahig.
Tama si Cams e. Sobrang sakit ng dating sa akin kasi tama siya. Kasalanan ko lahat ng 'to.
Napaiyak na ako ng tuluyan dahil sa galit, hindi kay Camille o sa kung sinoman, galit sa sarili ko.
Natigil sila ng biglang dumating ang pamilya ni Yeye. Walang nagsa-salita hanggang sa lumabas na yung doctor.
"Sino po ang pamilya ng pasyente?"
"Ako po ang Mother niya."
"Mrs. Reyes, successful ang operation at naalis na yung bala niya sa katawan. "
Thanks God!
"Mamaya lang po ay ililipat na siya sa recovery room."
"Doc, pwede na po ba namin siyang makita?"
Tumango naman yung doctor sa tanong ni Kim.
"O siya, I'll be back. May gagawin lang ako."
"Thank you po." Sabay-sabay na sabi namin.
Nagpahuli akong pumasok dahil hindi ko alam kung ano pa mukha ihaharap ko kay Yeye. Sa sobrang dami ng nangyari, sa dami ng kasalanan ko sakanya, parang mas gusto ko nalang tumakbo paalis dito at huwag nang magpakita sa kanya.
Pero, hindi. Hindi pwede. Kailangan ko siyang harapin. Kailangan kong harapin ang galit niya.
Pagpasok namin, tulog pa si Yeye. Lahat kami tahimik. Walang may balak mag-salita. Pero ilang sandali lang ay unti-unti na siyang gumising..
"Ye, oh my gash. Kamusta pakiramdam mo? Sorry, wala akong nagawa. Sorry talaga. Patawarin mo 'ko." Maluha-luha na bati ni Camille sa kanya.
Siya lang din unang bumati kay Mika dahil halos lahat ng kasama namin ay nakayuko. Marahil sa hiya, dahil sa hindi namin paniniwala sa kanya.
"Okay naman ako. Ano ka ba, wala ka naman kasalanan." Nanghihina pang sagot ni Mika. "Teka, ikaw okay ka lang ba? Wala ba silang ginawa sa'yo or what?"
"Ako pa inalala mo, bruha ka talaga. Okay ako 'noh."
Ngiti lang ang isinagot sa kanya ni Mika. Tumingin naman ito sa paligid, pagkakita niya sa amin, kumunot agad ang noo niya.
"B-bakit kayo nandito?"
"We're very very sorry, Ye."
"Sorry, Baks.."
"Sorry, Miks."
Halos sabay-sabay na sabi ng mga kasama ko.
"Okay lang 'yun. Wala na 'yun."
Nag-usap-usap na sila pero ako, nandito pa din sa gilid. Hindi alam kung anong gagawin o sasabihin. Leche.
"Guys, pwede ko ba makausap si Vic? 5 minutes."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. What to do?
Naintindihan naman nila kaya nagsi-labasan sila ng kuwarto. Lumapit na din ako sa kanya.
"I'm sorry. Immensely sorry. Sa lahat ng nangyari. Dahil sa akin, nangyari lahat ng 'to sa'yo. Ang kapal ng mukha kong magalit sa'yo, when in the first place, ikaw ang dapat magalit sa akin. I'm really sorry, Ye."
"You should be." Agad na sabi niya. "Kasalanan mo talaga lahat ng nangyari sa akin. Nakidnap ako and all pero wala e. I can't stay mad at you, you know? Hindi kita matiis."
Napayuko lang ako. Naramdaman ko ding nag-iinit na ilalim ng mata ko.
"Pero you know what, I think I should thank you and Tin." Napangiwi naman siya ng banggitin niya 'yun. Diretso lang siyang nakatingin sa harap niya, hindi sa akin. "You know, for all the lesson that I've learned sa mga hirap at sakit na nangyari at pinaranas niyo sa akin. Because of you guys, I became strong. Naging independent ako. Natutunan kong lumaban mag-isa. So thank you, so much." Saka siya sincere na ngumiti at dahan-dahang tumingin sa akin.
"Do you want to know kung ano pinaka na-realize ko?"
"What?" Mahinang tanong ko.
"It's that, we're really better off each other. Alam mo 'yun? Maybe-- maybe it's really time to let go. Sa lahat ng meron tayo, sa bagay na pilit kong pinangha-hawakan--ang pagmamahal ko sa'yo, higit sa lahat sa'yo."
Masakit man, baka nga. Baka ito na yung right time. Kasalanan ko naman lahat ng 'to e. Kung eto lang 'yung way para mapatawad niya ako, gagawin ko. I'm willing to do anything. Everything. Para lang mapatawad niya ako.
Umiiyak akong tumango saka ngumiti. " Okay, if that's what you want. I'm really sorry for everything."
"Thank you, Vic. I hope maging friends pa din tayo, 'pag okay na lahat. 'Pag na-heal na tayo sa mga sugat ngayon."
"Oo naman."
"Good bye, Vic."
"Good bye, Mika."
**
Soooo... Kamusta kayo? Haha, sorry. Super busy kasi ako (awow, feeling ko. Hahaha!), pero alam niyo na, school stuffs and all. (truth is, matagal na talaga 'tong nakatambak sa phone ko pero hindi ko na-edit at nadugtungan. Hahaha!)
And 'nga pala. Nakalimutan ko banggitin nung mga nakaraang chapters, na this part/chapter na ang last then, "Epilogue... Here we come!" na ang peg natin. Gulat ba kayo? Hope not. Haha. I know, ang bilis, pero kasi naalala ko, ang plano ko nga lang pala dito is 20 chapters, maximum of 30 na obviously ay 'di ko nasunod at nag-exceed pa. Haha.
So ayun, thank you sa pagbabasa ng (walang sense kong story. Char!) SWEETEST MISTAKE. The best po kayo talaga po. :)
LOVE Y'ALL FAM! KAPIT!
PS, from the start never ako nag-request ng votes ang comment pero ngayon, pwede po? Hahaha! Lalo na comments, like ano po masasabi niyo, suggestions and the likes. Or you can DM me nalang po. Haha! Follow na din me on twitter, usap us, @didyeybi.
THANK YOU ULI GUYS!