Sweetest Mistake.
Mika's POV
Nakakaasar. Know why? Because despite of what happened yesterday, bumalik pa din si Tin dito sa dorm. Bumibisita daw. And to say sorry. Oh please. Alam kong andito sya for Vic. Tss. San ba nakakuha ng kapal ng mukha tong babaeng to? Kinakalyo na sa kapal eh. Pakibigyan ng sandpaper please? Para numipis naman kahit konti yung napakapal nyang mukha. Ang sarap ihampas sakanya yung Globo sa MOA.
" Ye! Ano ba? Bumaba ka muna " kanina pa ko tinatawag ni Ate Abi para babain si Tin pero hndi ako bumababa. Duh. Why would I? Hndi sya worth it para sa oras ko. Wala si Vic eh, may class pa.
" Masakit ulo ko 'Te! Tell her na bumalik na lang next time. "
Nagulat ako ng bglang bumukas yung pinto at pumasok si Tin.
" Sino ang maysabi na pumasok ka dito? Get out! "
" Ate Abi did. " sabi nya saka sinarado ang pinto at naupo sa couch sa tabi ng study table namin ni Vic.
" Ano bang kaylangan mo ha? "
" Im sorry yeye. "
" Sorry? For what? For kissing Ara? Tsss. ITS.NOT.OKAY. Please, Leave. " pinagdiinan ko yung It's not okay. Kasi hndi talaga! Leche! Si Vic, okay na. pero sya? No way!
" Please Ye. Pakinggan mo naman ako. Hnd ko sinasadya yun. "
" Really now? So kusang gumalaw yang kamay mo para hawakan si Vic? "