Chapter 22

26 2 0
                                    

INSENSITIVE 

“So where were you last night?” asked Adrian.

Before he started asking me, he told to all of us that he is collected and calm but his face says otherwise. Sobrang gusot na ng kaniyang polo dahil sa pagkrus niya ng braso ng sobrang higpit. Yeah, heʼs calm.

Ako ang nagplano na kumain kami ngayon dito dahil gusto kong makabawi sa kanila. It was my treat. And as usual, we are having breakfast at Sunshineʼs.

“Iʼm in a friendʼs house.” I responded honestly. What is to lie about?

“Then?” dugtong ni Cyrus. He gave me that suspicious look.

“I helped my friend with school works.” I continued. I need to be careful, mga malisyoso pa naman sila. I will never expose myself with simply using pronouns.

“Grabe naman Marcus!” Primo grumbled. “Tinutulungan mo rin naman kami sa school works pero hindi ka naman natulog sa bahay namin.” Primo protested.

“Hindi nga man lang natin naranasan mag-sleepover kahit antagal na nating magkakaibigan.” dagdag ni Andy sa sinabi ni Primo.

“Oo nga ʼno” Seven just realized that now.

“Why donʼt we plan for our first ever sleepover?” asked Adrian. He seemed to have a liking on their idea. Itʼs nice that we got to move on with talking about me already. Mabuti na lang at naging kalmado na si Adrian. Baka kasi mainis pa siya lalo kung itutuloy namin ang pinag-uusapan.

“Thatʼs a good idea!” ani Andy. “Mas maganda kung next week agad.”

Sabay na tumango si Seven at si Primo sa iminungkahi ni Andy. Ngayon ko na lang ulit nakitang magkakasundo ang mga payaso ng Aces. I really miss hanging out with them. Kahit pa bibihira nila ako makausap sa sobrang tahimik ko.

“Pagplanuhan na natin bukas para prepared na prepared tayo.” ani Adrian na suportadong-suportado sa kalokohan nila. Suportado rin naman ako. Kahit hindi naman ako mahilig sa mga ganiyang bagay ay tiyak ko naman na mag-e-enjoy naman ako katulad nilang lahat.

“Nga pala… Sinong nanalo?” pag-iiba ko ng usapan.

After I voiced out my question, the door of the restaurant opened. There I saw Liana wearing a pair of straight-cut pants and a simple round necked crop top.

“Hayan na pala si miss champion.” Jonas said as he threw a glance at the entrance. Everyone looked and follow Jonasʼ glance.

Lumapit si Liana sa kay Adrian na nasa tabi ko. Niyakap ni Liana ang nobyo niya mula sa likuran nito. “Congrats, Calia.” Adrian told her.

“Congrats.” I smiled when I met her glance.

“Congrats, Liana!” sabay-sabay na bati nilang lahat kay Liana.

“Thank you!” a sweet smiled curved on her lips. “I will treat you all today because you gave me your support.” dagdag niya pa. Dahil sa kaniyang sinabi, lumapad ang mga ngiti ng mga kuripot kong kaibigan. Sobra talaga sila nagiging aktibo at energetic pagdating sa libre.

“Akala ko pa naman kaniya-kaniyang bayad.” kunwaring nadismaya si Jonas.

“Nandito ka lang naman para sa tsismis, hindi para sa foods so you wouldnʼt mind spending your money.” ani Adrian. No doubt, kilala niya nga ang lahat ng ugali naming magkakaibigan. He wasnʼt lying one bit.

“Buti na lang talaga ililibre tayo ni Liana.” ngayon naman ay tila guminhawa ang pakiramdam ni Jonas sa lalim ng kaniyang paghinga.

Tumaas ang isang kilay ni Adrian, “So ʼyun lang talaga ang balak mo? Ang magpalibre sa girlfriend ko?” tanong niya, tila may pagbabanta sa tono ng pananalita niya.

“S-Siyempre hindi.” Jonas stuttered.

Lahat ay nagtawanan maliban sa akin. Kahit pa natatawa namang tunay ang mga sinasabi nila, hindi talaga ako tumatawa. I rarely laugh when Iʼm with them.

Nagsimula na kaming mag-order. Naupo si Liana sa pagitan namin ni Adrian. “Congrats nga pala sa kanila Pacer.” she said, looking at Primo and me.

“Thank you.” sabay na pagbati naming ni Primo.

“It was all thanks to their handsome choreographer.” ani Primo.

Nang banggitin niya ang salitang handsome, sabay-sabay naghiyawan sina Andy, Seven, at Jonas. “Congrats sa kaibigan nating nawawala kagabi.” hiyaw nila. Kailangan ba talaga nilang banggitin pa ang tungkol doon? Sinasabi ko na nga ba e. Kaya ayaw kong nagsasabi at nagpapaliwanag sa kanila kasi uulit-ulitin nila iyon hanggang sa magsawa sila. Kaso nga lang matagal silang magsawa pagdating sa kalokohan.

“I canʼt decide if I should appreciate your congratulations or not.” I told them, sarcastically.

— MISSED PAGES —

After eating and making it up to them, I drove myself home. Hindi na ako nagtagal doon dahil inaantok na ako. Nakipag-usap naman ako sa kanila. Naging madaldal ako—dahil sabi nga nila, madaldal ako kapag kasamasi Liana. Naubos ʼyung enerhiya ko sa dami kong naikuwento sa kanila. I overshared. I hate that I always do that when Lianaʼs around. The boys kind of enjoyed it. Hays, ayaw ko nang magreklamo pa.

Nasisiguro kong naghahanap na sila Adrian ngayon ng restaurant kung saan sila magtatanghalian. Nakipag-meet up kasi ako sa kanila ng alas diez. Bakit naman daw kasi ganoong oras ko naisipan na papuntahin sila. Nasisi pa talaga ako. I am going to admit now that it was selfish of me. Gusto ko kasi maagang makauwi at para makapagpahinga agad. Linggo ngayon at ayaw ko ng gaano karaming ginagawa. Hanggaʼt maaari, mas gusto kong walang gawin kapag Linggo. Kung hindi ko lang talaga kailangan magpaliwanag sa kanila, hindi ako makikipag-meet up sa kanila ngayon. Kung bakit ko nga naman kasi naisipang mag-stay sa bahay nila Frankie kagabi.

Nang ihiga ko ang katawan ko sa sofa sa may sala sa bahay namin, bigla ako nakatanggap ng text mula kay Pacer.

PACER

Pacer:
Kuya Marcus, are you free tomorrow?

Me:
Yes. Iʼm free tomorrow.

Pacer:
Pwede ka po bang pumunta rito sa bahay namin bukas?

Me:
For what reason exactly?

Pacer:
We won second place because you thought us well so weʼre inviting you.

Me:
Sure. What time?

Pacer:
6 in the evening tomorrow.

Me:
Okay, I will be there.

Bumuntong hininga ako matapos kong makipag-chat kay Pacer. I really hate going to parties but Iʼm not rude enough to decline such invitation. Lalo na at hindi naman iyon basta-basta selebrasyon lang. Selebrasyon iyon ng pagkapanalo ng mga tinuruan kong sumayaw. That matters more than my ego.

Sana naisip ko ʼyun kagabi noʼng nakatulog ako sa bahay nila Frankie.

Bakit ba napaka-insensitive at iresponsable ko these days? Am I going with the flow of my feelings too much that I’ve become insensitive with those around me?

Fuck. Iʼm just tired, I guess.

Missed Pages ✔︎Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon