VIBES
“Merry Christmas everyone!” bati ni Adrian at Leonardo sa lahat ng aming nga kaibigan.
“Merry Christmas!” dinig kong pagbati ng iba. May ilang bumati sa akin at binati ko naman din pabalik. I was flashing a faint smile to everyone who approaches me.
The performances started.
“Frankie, doon muna ko sa mga kaibigan ko.” paalam ni Marcus sa akin. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kaniyang braso. Hinalikan niya ang aking pisngi bago siya tuluyang pumunta sa mga kaibigan niya.
Uminit ang pisngi ko at bigla akong natulala. He kissed my cheek! Why did he kissed me at a party with all of our friends? They might get the wrong idea or something else. Hindi pa kami ni Marcus at hindi niya iyon dapat ginawa ng ganoʼn lang.
Habang pinagmamasdan ko siyang lumakad palayo sa akin, naramdaman ko ang biglang pagkirot sa dibdib ko. Nakatayo lang ako at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko habang pinapanood na magsayawan ang mga tao rito. I was alone again. Sa kagustuhan ko mang huwag payagan si Marcus na puntahan ang kaniyang mga kaibigan, hindi ko ʼyon pwedeng gawin. Itʼs his friends. Ako? Ano bang papel ko sa buhay niya?
“Ang lalim naman ng iniisip mo, Frankie.”
Napalingon ako sa kanan ko kung saan ko nakita ang si Crystal na kasama sina Bliss, Liana at si Vera.
“Why are you here alone?” tanong ni Crystal.
“Kasama mo si Marcus kanina ʼdi ba?” si Liana. She knew I was with Marcus since we arrive here.
“Kasama niya sila Adrian.” simpleng sagot ko.
“Tara, kain na tayo!” hinawakan ni Liana ang aking kamay at hinila ako papunta sa isang table. “Ako na ang kukuha ng pagkain para sa ʼyo.” dagdag pa niya.
Tumango ako at naupo na. Tinabihan naman ako nila Crystal, Bliss at Vera.
I was thankful enough because Liana was here with me. Iʼm glad that she approached me. Kung hindi niya ako nilapitan baka sumakit na ang paa ko sa kakatayo roon. I felt really awkward standing alone there.
“Kasama mo si Marcus?” klaro ni Bliss sa akin.
Bliss is Leonardoʼs girlfriend. Ngayon lang kami nagkaroon ng interaksyon. Nakakausap ko si Leonardo pero hindi si Bliss. Ngayon ko lang siya makakausap ng ganito.
“Yes.” maiksing sagot ko.
“Are you his girlfriend?” tanong ni Crystal.
Hindi ko naman alam na may interview palang magaganap dito. Nang lumingon ako kay Crystal, agad akong napaiwas. “Nope. We are just friends...”
Bakit umiinit ang pisngi ko? At bakit bumibilis ang tibok ng puso ko?
“I saw that he kissed you earlier.” Crystal said as she gave me a meaningful look. “May something kayo eh.”
“Yup, halata.” sang-ayon ni Bliss.
“Hereʼs your food!” dumating si Liana bigla. I almost had a heart attack seeing her place a lot of dishes on one plate just for me alone.
“Liana, may girlfriend ba si Marcus?” tanong ni Crystal kay Liana na bahagyang kumunot ang noo.
“Wala.” mabilis na umiling si Lili. “Pero...” napahinto siya sa pagsalita at tumingin sa akin.
“Whatʼs with the look, Lili?” tumaas ang aking isang kilay.
“Oooh... Nothing. Hehe.” bumungisngis si Liana.
BINABASA MO ANG
Missed Pages ✔︎
Teen Fiction[COMPLETED] TO HEAL SERIES BOOK 1 August 17, 2022 - August 29, 2023