BUSY DAYS
“Good morning!” bati ni Frankie sa akin.
Halos kakarating ko palang dito sa library. Siya naman ay kakapasok lang at nagkataon naman na una naming nakita ang isaʼt-isa. Ang tanging masasabi ko lang ay kakaiba ang ngiti niya ngayon.
“Ang aga natin ah?” I just noticed that.
“Mas maaga ka nga sa ʼkin eh!” aniya saka kinurot ako sa braso.
“Kakarating ko lang din halos.” sabi ko.
“Anyways...” Lumiko si Frankie para pumunta sa kaniyang table. Inilagay niya sa ilalim ng lamesa ang mini bag niya. She relaxed her body by sitting comfortably on her chair. It looked like sheʼs feeling lighter than ever. “I miss this. ʼYung magkasama tayo sa duty as librarians.”
It was nice to see that our tables are just right next to each other. Tinabihan ko siya at inusog pa ang upuan palapit sa kaniya. Ipinahinga ko ang ulo ko sa kaniyang balikat. It was the most comfortable thing to do. I love doing it.
“I feel the same.” I replied.
“Sige na at kunin mo na ang log book at pumirma na tayo para sa attendance natin.” aniya saka itinuro ang logbook na nakalagay malapit sa pintuan.
Tumayo ako upang kunin ang logbook at iniabot sa kaniya agad. Bumalik din ako agad sa upuan ko.
We both signed in at the logbook.
First things first, we need to clean and arrange the bookshelves again and also to check if all the books are still in a good condition. Kailangan din naming linising ang labas ng library, palitan ang mga kurtina at siguraduhing maayos ang mga computers.
Itʼs going to be a busy day.
— MISSED PAGES —
“Sa wakas natapos din natin ang mga kailangan gawin dito.” nakahingang maluwag si Frankie nang pareho kaming napaupo sa designated area namin.
It was fun catching up with her while we were cleaning the library. She said she had been talking with Liana more often. She was having fun with her. I could see it from Lianaʼs posts. She also sends me every picture she and Frankie had together. Though, I didnʼt asked for it, yet I still am finding myself smiling to all those pictures she sent me.
Every friend of mine knows exactly that I donʼt spend time on social media. But it wouldnʼt hurt to check whatʼs going on with their life just for once in a while, right?
Thatʼs what I did and now, I couldnʼt help myself but smile from remembering those pictures. Liana even sent me a stolen shot she took of Frankie drinking her favorite cup of cappuccino. It was cute. Damn cute that I folded like a paper.
CY
CY:
Saan ka na, Cus? Baka ma-late ka na naman sa klase ha.Dahil sa biglang pag-pop ng message ni Cyrus sa phone ko, bigla akong napatayo.
“Anong problema, Marcus?” tanong ni Frankie. Nabigla ko ata siya.
“Ah kasi may klase na ako. Hindi ako pwedeng ma-late.” saad ko. Binuhat ko na ang mga gamit ko. “Mauuna na ako. Ikaw na muna ang bahala rito. Iʼll inform Miss Lara later.” paalam ko.
Tumango siya. “I understand. Good luck with your classes!”
“And also, pupunta ako sa practice ng Aces.” dagdag ko pa.
“Oh... May event nga pala.” she recalled. “Good luck!”
Iʼm glad she was informed well regarding the upcoming events.
I gave her a smile, shortly before I leave.
— MISSED PAGES —
The following day, I had to leave the library early like yesterday. Mas magiging busy at hectic ang schedule ko sa mga susunod pang araw kaya dapat mas doble ang pag-manage ko ng oras ko.
Nagpapaalam naman ako kay Miss Lara at kay Frankie in case na kailanganin nila ako roon sa library. I am one call away if they need me.
Nakakatatlong araw na ako sa pag-ensayo. Kahit pa hindi kami pareho ng sasayawin nila Adrian, napag-usapan na namin na magkakasama pa rin kami sa pag-eensayo. Baka rin magkaroon ng pagbabago sa performance nila at ng akin. Who knows? Baka habang nag-eensayo kami ay may maisip silang mas better na idea.
Una lagi ang rehearsal ng Aces. Sumunod naman ako.
Todayʼs Thursday. Isang oras na ang nakalipas simula nuʼng dumating ako rito sa dance studio ng SDA. Weʼre taking a break from practicing.
“May tumatawag sa phone mo, Marcus.” ani Cyrus. “Hindi mo ba sasagutin?”
Nakapatong lang ang phone ko sa sahig. Hawak ko kasi ang tumbler ko dahil hinihingal ako sa tuloy-tuloy na pagsayaw. Hindi ko napansin na nagri-ring pala ang phone ko.
“Oh.” I picked up my phone. “Thanks for telling me.”
Sinagot ko na ang tawag na nagmumula pala kay Frankie.
“Hello?” bati ko sa kabilang linya.
“Hindi ka ba magdu-duty today?” tanong ni Frankie.
“Sorry, hindi kita nasabihan.” naramdaman kong nakatingin sa akin si Cyrus kaya tinignan ko rin siya. Baka kung ano na naman kasing isipin eh. “May practice kasi kami nila Adrian ngayong umaga. Next week na kasi ʼyung event eh.”
“Ah okay.” tanging nasabi na lang niya. “Next time, sabihan mo si Miss Lara o ako para alam namin.”
“It wonʼt happen again. I promise.”
“Sige na. Ituloy mo na ʼyang practice niyo. Donʼt forget to rest and donʼt skip meals!” pagbilin niya. She sounded strict in a cute way.
“Yes, Miss Denver.”
Nagpaalam na siya at ibinaba na ang tawag.
Nakangisi si Cyrus nang tignan ko ulit siya. Heʼs giving me that suspicious look again. “Lover boy talaga.” asar niya.
I glared at him. “Ano na namang pinagsasabi mo, Bastien?”
“Miss Denver huh?” he tried copying the way I speak. Heʼs overdoing it and it doesnʼt sound good.
“Practice na ulit guys!” pinatayo na silang lahat ni Adrian.
Nanatili akong nakaupo hanggang sa matapos sila at turn ko naman para mag practice.
— MISSED PAGES —
The whole week was damn busy. Hindi na ako nakakapag-duty at sa tuwing tinatanong ako ni Frankie kung bakit hindi ako makakapag-duty, itʼs either busy or practice.
I barely had time to text Frankie or even talk to her when I see her on the hallway. Iʼm always on a rush.
“Marcus.” tawag sa akin ni Adi nang matapos kami sa practice at nagliligpit na lang. “Frankie had been asking me about you.”
Napatigil ako sa pagliligpit nang marinig ang pangalang iyon. “What?” klaro ko. Totoo ba ʼtong naririnig ko?
“Nag-away ba kayo?” tanong ni Adrian.
Kumunot ang noo ko. “Nag-away? Wala naman kaming pag-aawayan? Tsaka bakit mo naman natanong?”
“She sounded worried when she asked about you.” he stated.
“And what did you tell her?”
“Sinabi ko sa kaniya na talagang busy ka buong araw na halos ʼdi na magpahinga.”
“Wow, exaggerated.” I sarcastically replied.
“Talk to her.” payo niya sa akin.
Of course. Iyon naman talaga ang gagawin ko. Sadyang wala talaga akong oras pa para magpaliwanag.
I need to make it up to her.
A little more, Frankie. I promise to make it all up to you with my performance.
BINABASA MO ANG
Missed Pages ✔︎
Teen Fiction[COMPLETED] TO HEAL SERIES BOOK 1 August 17, 2022 - August 29, 2023