BEING PUSHY
“Five, four, three, two, one.” patuloy na pagbilang ko habang sinasabayan nila Pacer ng sayaw.
This week is so stressful. Mabuti na lang talaga at kaunti lang ang mga pinapagawa sa amin ng mga professor namin. Kung bigyan kami ng mga professor namin ng sandamakmak na gawain, hindi ko matuturuan ng steps sila Pacer. Lalo na at nalalapit na ang araw ng kompetisyon.
“Magpahinga muna kayo tapos sasayaw ulit kayo mula umpisa.” malakas na sabi ko nang matapos sila.
Naupo na lang ako muna sa sahig dahil mas komportable ako rito.
Bigla namang lumapit sa akin si Pacer saka tumabi sa akin. “Na-miss na namin si Ate Liana.” may bahid ng lungkot mula sa tono ng pananalita niya. I kinda felt sad also for them.
“She needs to practice for her own performance. Busy rin siya as a student.” iyon ang tanging nasabi ko. There wasnʼt A part of me that was lying. Kahit gusto man nilang makasama si Liana ay kailangan nilang intindihin na hindi talaga pwede.
“Buti naman po at nakakayanan mo kaming i-handle.” aniya.
“Isama niyo si Liana para mas madaling makapagturo ng steps si Marcus.” Seven insisted.
“Kaya ko naman.” I confessed.
“Sabi kasi nila Kuya Seven, mas madali kang makakapagturo ng steps kapag kasama mo si Ate Liana.”
“Thatʼs true, but also madali lang din naman kahit wala siya. Itʼs a win-win.” dagdag ko pa.
Dahil sa nabanggit ni Pacer ang tungkol kay Liana, I felt the urge to meet her later. I want to treat her at the cafeteria like the old times. We havenʼt seen each other since she registered for the competition.
— MISSED PAGES —
Naisipan kong dumaan muna sa library upang magbasa. Maagang natapos ang pagko-choreo ko. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Miss Lara na tahimik na nagbabasa. Nang pumasok ako ay nagkatinginan kami kaya binati ko siya. “Good morning, Miss.”
She bows her head slightly and greeted back. “Youʼre here again, Mr. Zachary. Mukhang dumadalas ang pagpunta mo sa library ah?”
That was sudden. The question was so sudden.
“Madalas naman po talaga akong nandito.” nahihiya kong saad. “Lagi pa nga po.”
“Baka naman may dinadalaw ka rito?” makahulugang tanong ni Miss Lara sa akin.
I laughed awkwardly and asked, “Maliban po sa inyo, may dapat pa po ba akong dalawin dito?”
“Frankie is a beautiful lady, isnʼt she?”
I froze. I didnʼt know what to say. I started zoning out. I tried to open my mouth but it seems that no words are coming out. Umiwas na lamang ako ng tingin. At sa pag-iwas kong iyon, bigla kong naramdaman na umiinit ang pisngi ko.
“Good morning po, Miss Lara.” a soft and gentle voice came from my back.
Did I drank too much coffee? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko?
I canʼt recall that I have already drank coffee since morning.
Lumingon ako para makita kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. I saw Frankie standing from the door that was four steps ahead of me.
“Hello, Frankie. Sakto, duty mo na ngayon ʼdi ba?” tanong ni Miss Lara.
Tumango si Frankie, “Yes po.”

BINABASA MO ANG
Missed Pages ✔︎
Teen Fiction[COMPLETED] TO HEAL SERIES BOOK 1 August 17, 2022 - August 29, 2023